KABANATA 13

3068 Words
Corny Ano kayang nasa isip ni Sir Shaun ba't niya ako pilit na pinapauwi kanina? Pero sa totoo lang, natutuwa ako at sakto pa na may lakad ako. Nasabi ko na kay Shaun na maaga akong umuwi habang nasa jeep. Naligo at nag-ayos akong kaonti para naman maging maayos ako sa paningin niya at pu-pwede nang itabi sa kanya. Ang mamahalin niya kasi tignan. Sa simpleng t-shirt niyang mga suot, nagmumukha siyang ubod nang yaman, at ubod naman din talaga siya ng yaman. 'Yong tipong 'di napapawisan sa pang araw-araw na gawain, maliban na lang kung magg-gym. Naglagay akong kaonting tint sa pisngi at labi, nagpabango rin. Hinayaan kong nakaladlad ang mahaba kong buhok dahil 'di pa rin naman tuyo at sira na naman ang electric fan ko, di ko 'yon magagamit pampatuyo. Nagbaon akong mga panali sa buhok para kung sakaling kailanganin. Nagsuot akong blue na t-shirt na may nakasulat sa truth will come your way, parang ang emo tignan, ta's may drawing pang kakaiba, at pantalong medyo may kalakihan sa hita at binti, pero saktong-sakto sa balakang ko. Ganito talaga kalimitang itsura ng mga pantalon ko lalo na't sa ukay lang naman galing. Kalahati sa mga damit na meron ako, siguro mga 80% lahat galing sa ukay, marami namang magaganda do'n basta marunong ka lang maghanap, wala ka pa masyadong kapares. "Tao po? Emery?" Nagsusuot akong sapatos noong marinig ko siya, kumakatok sa gate at tinawag ulit ako. "P-pasok!" Pasigaw kong sabi. Naririnig kong binubuksan ni Shaun ang gate. Tumayo ako, inilagay sa likod ang gitara at tinignan ang sarili sa salamin sa sala. Nanlaki agad ang mata ko at natarantang pumasok sa loob ng kwarto, nakalimutan kong magsuot ng contact lens! Pumasok na si Shaun sa loob mismo ng bahay. Mabilis kong nasuot ang contacts at lumabas na. Nakita kong tinitignan niya 'yung mga picture frame ng mga kapatid ko, tumakbo ako papunta sa kanya, kasunod kasi ng tinitignan niya 'yung picture naming dalawa ni Kuya, kitang-kita doon 'yung asul at berde kong mata. Napatitig ako sa kanya at napalunok nang ilang beses. Mukha siyang artista. Ayon ang masasabi ko. Sa suot niyang puting t-shirt na lutang ang muscle sa dibdib, grey na pantalon, puting sapatos, pati 'yong maliliit na detalye tulad ng sombrerong puti, shades at bracelet niyang mga itim na beads, para siyang bagyo sa lakas ng dating! "Alis na tayo," sabi ko nang matauhan. Inikot niya ang mata niya sa loob ng bahay namin at tumingin sa akin. Nginitian ko siya. Naiilang at nahihiya ako na nandito siya sa loob ng bahay namin. Ubod siya ng yaman 'di ba? Malamang malaki pa banyo niya sa buong bahay namin. "Sino pala 'yong mga nasa picture?" "Mga ate ko saka si Mama..." Sagot ko. Kinandado kong maiigi ang gate bago sumakay sa kotse ni Shaun, ibang na naman ang kotse niya. Hindi na kabayo ang disenyo, 'di na rin apat na bilog. Kulay orange na lumang toyota na kotse, 'yong second hand na pina-uprade at medyo mababa na ang unahan, marami akong nakikitang ganito sa dating car repair shop na pinagtrabahuhan ni Kuya, magastos daw 'to, katumbas na rin ng brand new kung isusuma-total. "Sayang, hindi kita naipagpaalam sa Mama mo kanina," sabi niya, panay ang sulyap sa akin habang nagmamaneho. "Ayos lang 'yon. Wala na rin naman sila Mama." "Nasaan naman?" Napangiti ako. "Nasa langit." Napahinto siya bigla sa pagdi-drive kaya ang lakas nang pagbusina ng nasa likuran namin. Kinabahan akong tumingin kay Shaun, delikado 'yon! "Oh, sorry..." pinatakbo na niya ulit ang kotse. "You mean?" Tumango ako. "Oo, wala na sila." Malakas ang paghinga niyang malalim, "Sorry..." "Saan? Wala 'yon," sabi ko. Hindi ko talaga maintindihan bakit humihingi ng tawad ang mga tao kapag nalalaman nilang patay na 'yong mga mahal sa buhay ng kausap nila. Hindi naman nila alam, e. Pero syempre, personal kong opinyon 'yon. Kung sa akin, wala 'yon. Sa iba, big deal ang ganon. Alas kwatro na kami ng hapon nakarating sa Baywalk. Maraming tao roon kaya naisip niyang doon ako dalhin, para daw 'di ako mailang at mag-isip na gagawan niya akong masama. Talagang sinabi niya 'yon sa akin habang nasa byahe kami, tinawanan ko na lang dahil totoo naman ang sinabi niya. Alam ko namang mabuti siyang tao, pero marami pang pwedeng mangyari. Pinagkakatiwalaan ko siya, oo, pero 'di naman santo ang mga tao. Minsan, 'yong mga taong pinagkakatiwalaan mo, sila pa 'yong mananakit at manlilinlang sa'yo. Ayaw kong ma-disappoint. Ipinarada ni Shaun ang kotse niya sa tapat ng isang hotel at tumawid kami papunta mismo sa Baywalk, nagpresinta din siyang bitbitin ang gitara ko. Malapit nang lumubog ang araw sa bandang silangang. Sumakay muna kami ni Shaun sa kalesa at nagikot-ikot. Walang mapaglagyan ang saya ko kahit sa ganitong bagay namin ginugugol ang oras. Ang garbo na nga nito, e. First time kong sumakay sa kalesa at lumabas na may kasamang lalaki, ang saya pala lalo na kapag gusto mo 'yong taong kasama mo. Ganitong saya nararamdaman ko tuwing magsisimba kaming buong pamilya at kakain sa pinaka malapit na fastfood restaurant. Simple pero memorable. Nang matapos, inaya kong kumain ng meryenda si Shaun sa turo-turo. Buti may mga ganito rito. Limang daan lang ang budget ko sa lakad naming 'to, e. Ayoko namang iasa lahat sa panlilibre ni Shaun. Ayokong isipin niyang abusada ako o manggamit, kahit siya nag-aya, 'di naman ibig sabihin no'n na siya lang gagastos. "Anong gusto mo?" Tanong ko kay Shaun, hawak ang stick at handa nang tumusok. Nakahalukipkip at seryosong tinitignan niya ang mga 'yon. Lumapit siya sa akin at may binulong. Nabigla pa ako sa ginawa niya kaya hindi agad ako nakakilos. "Uh, ano ba 'yan?" Tinignan ko 'yong mga tinuturo niyang pagkain na lumulutang sa mantika. Napangiti ako. First time niya rin sa ganito? "Fish ball 'yong flat na puti. Kikiam 'yong parang daliri ta's squid ball 'yong bilog na puti, kwek-kwek 'yong orange," paliwanag ko. Hinatak ko siya sa gilid ng tindahan para makatusok 'yong bibili, pero kay Shaun sila nakatingin hindi sa pagkain. Mukhang iba yata ang gusto nilang tusukin, pati 'yong tinderong lalaki, kay Shaun din nakatingin. Iba talaga ang charisma nitong kasama ko. "Sige 'yong kwek-kwek na lang," aniya. Kinagat ko ang labi ko, pinipigilang matawa. May kakaiba kasing accent 'yong pagkakasabi niya no'n, parang british. Tig-isa kaming basong hawak na may lamang limang kwek-kwek habang papunta sa bench malapit sa dagat. "Neon balls tawag dito sa school. Kwek-kwek lang pala 'to." Tinutusok-tusok niya 'yon habang nagku-kwento. Payapa akong kumakain, nakikinig, nang mapaso ang bibig ko sa sobrang init. Bumubugha akong hangin habang nginunguyang mabilis para mawala ang init, pero parang impyerno yata iyon at 'di nawawala. Nilapag ni Shaun ang hawak na baso at pinansalok ang kamay sa harap ko. "Spit it out, Emery!" Umiling ako habang ngumunguya. Siraulo, ayoko nga! "Come on, spit it out! Mapapaso dila mo niyan at magmamanhid!" Naiiyak na ako. Pursigido pa rin siya, ewan kung anong pumasok sa isip ko at niluwa ko 'yon sa palad niya. Tumakbo siya sa pinaka malapit na basurahan, samantalang naiiyak ako sa kahihiyan. May dalang dalawang bote ng juice si Shaun at iniabot sa akin, 'di ako umimik o makatingin sa kanya. Unang date, uh, labas namin ganito pa nangyari! Wow, memorable nga talaga! Inubos kong isang tungga ang juice. Totoo nga talaga 'yong sinabi niya, wala akong maramdaman! Umiling-iling ako para mawala sa isip ko ang kahihiyan, parang wala lang 'yon kay Shaun, pero alam ko namang nandidiri din siya. Pangiti-ngiti ako tuwing magtatama ang mata namin. Maya-maya, inilabas niya ang gitara at pinatong sa mga hita. Pinanuod ko siya kung paano niya ilagay sa tono ang mga strings, nakangisi. Sabi marunong lang, parang 'di naman. Ang galing galing niya kayang mag-gitara! Pumikit si Shaun at nagsimulang kumanta. "In the morning when I wake And the sun is coming through, Oh, you fill my lungs with sweetness, And you fill my head with you," Nalaglag ang panga ko at literal na tumindig mga balahibo ko, sobrang sarap sa tainga pakinggan ng boses niya, ang lamig. Para kang nasa probinsya at lumalanghap ng preskong hangin, ang sarap sa pakiramdam. "Shall I write it in a letter? Shall I try to get it down? Oh, you fill my head with pieces Of a song I can't get out," Pati mga dumadaang naglalakad, mga nagjo-jogging at nagbi-bike, humihinto para pakinggan siyang kumanta at mag-gitara, 'yong iba vini-video-han pa si Shaun, akala siguro artista. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang imulat niya mga mata niya at tumitig sa akin. "Can I be close to you? Oh-oh-oh-ooh, ooh Can I be close to you? Ooh, ooh," Nakangiti ako habang pumapalakpak nang matapos siya, aaminin kong kinikilig ako. Sino bang hindi? Pakiramdam ko nga hinaharana niya ako. "Sus, hindi raw magaling ha?" Kantyaw ko. Ngumisi si Shaun at umiwas ng tingin. Nabuhay na ang mga ilaw sa street light sa magkabilang gilid ng bench na inuupuan namin. Pinasadahan niya ng kamay ang buhok niya saka maingat na ibinigay sa akin ang gitara. Sinulyapan ko ang paligid, isa-isa na silang nagsi-alisan. "Ano pala title nung kinanta mo?" "Bloom. Maganda ba?" Tanong niya na may kakaibang ngiti sa labi. Tumango ako, kinagat ang pang-ibabang labi at ngumisi. Tinuruan niya akong mga basic cords, nakuha ko naman kahit nadi-distract ako dahil naririnig ko pa rin ang boses niyang kumakanta. Tumatak talaga sa isip ko 'yong lyrics nung kanta, e, lalo na doon sa part ng: "Oh, the whole world, it is sleeping, but my world is you." Pi-nic-ture-an ko ang pink na langit sa huling pagkakataon bago tuluyang dumilim. Anong oras na rin kami natapos, e. Kung masaya ako kanina, mas masayang masayang masaya ako ngayon! Naglalakad na kami ni Shaun sa tabi ng dagat, sumampa ako sa bato at doon naglakad, nakabantay naman si Shaun sa ibaba, ayaw niya kasing umakyat, e. "Emery, wait," sabi niya. "Bakit?" Humarap ako sa kanya at huminto sa paglalakad. Tinatali ko ang buhok ko gamit ng itim na gomang nasa palapulsuhan ko dahil tinatangay 'yon ng hangin ng Maynila habang may kinukuha si Shaun sa bulsa niya. "I'll take a picture of you..." Inangat niya 'yong phone niya. Pi-picture-an niya ako gamit ng phone niya? Hindi sa akin? Tinikom ko ang bibig ko at 'di na nagtanong. Tumayo ako roon, nag-peace sign na pose at nakangiti. "Ang ganda mo," kaswal niyang sabi, nakangiti, habang ipinapakita sa akin 'yong kuha niya. Hindi ba niya naisip na nagwawala na 'yong puso ko? Dapat pala hinayan ko na lang guluhin ng hangin 'yong buhok ko para 'di niya makitang mamula ang pisngi ko. Sabagay, gabi na rin naman na. Bahala na. Nilapit ko ang mukha ko sa phone, maganda nga 'yong kuha niya, kita 'yong mga bumbilyang ilaw na disenyo sa paligid at 'yong nagliliwanag na yate sa Manila bay. Naupo ako sa bato. Umakyat si Shaun at naupo sa tabi ko. "Gusto mo i-send ko sa'yo?" "Saan?" "Uhm, Viber? w******p? Telegram?" Napakamot ako sa batok kong hindi makati. "Sa messenger na lang. Wala ako ng mga binanggit mo, e." Ngumiti siya. "Ano bang f*******: mo?" "f*******:? Ia-add mo ako? Pwede mo namang i-send sa akin kahit 'di tayo friend sa facebook." Nagsisi agad akong sinabi ko 'yon. Ang arte mo naman, Emery! Ganda ka ba? "Ah, hindi ko alam na pwede pala. Pero ia-add na rin kita sa f*******: para dumami friends ko." Nakahinga akong maluwag. Mabuti na lang mabuting tao 'tong si Shaun. "Okay. Emery Joule lang pangalan ko sa facebook." Sini-search na agad 'yon ni Shaun. Lumapit ako para ituro kung alin sa mga accounts ang akin. Wala namang laman ang f*******: ko dahil 'di ako mahilig mag-post o mag-share. "Ayan.... ayan. 'Yong may kayakap na lalake... Ayan." In-add niya ako. Kumunot ang noo ni Shaun habang tinitignan 'yong picture kong kasama si Kuya. "Sino 'to?" "Kuya ko. Si Kuya Elias. Mabait 'yan," sabi ko. Suminghap si Shaun, may binulong pero 'di ko masyadong narinig tapos biglang nagtanong, "Tingin mo magkakasundo kami?" "Huh? Ah... siguro. Ewan. Baka hindi. Bakit?" "Bakit naman?" "Huh? Bakit mo tinatanong?" "Bakit hindi kami magkakasundo?" "E bakit nga?" Sabay kaming natawa sa mga sarili namin. Para kaming mga baliw. Hinilot ni Shaun ang gitna ng ilong niya at nagtanong ulit. "Kaya ko tinatanong kasi... magka... ibigan tayo. Baka kasi hindi ayos sa kapatid mo na magkaroon ka ng kaibigang lalaki," paliwanag niya. Tumango-tango ako. May punto siya. "Wala naman sigurong problema 'yon sa kanya." "Bakit pala sa tingin mo 'di kami magkakasundo?" "Hmm, wala lang..." Hindi ko rin talaga alam. "Ikaw ba? Nabanggit mong may pinsan kang babae 'di ba? Kung magkakaroon siya ng kaibigang lalaki, okay lang ba 'yon sa'yo?" "No!" mabilis niyang sagot, medyo galit pa. Natawa naman ako. "Ayon. 'Yon ang sagot kung bakit sa tingin mo 'di kayo magkakasundo. Lalaki kayo parehas ni Kuya, alam niyo na siguro 'yon." Para kaming may sariling mundo. Feeling ko kami lang ang tao sa mundo, magkausap at magkasama. Wala akong ibang nakikita at naririnig kundi siya. Ganon pala talaga 'yon 'no? Sa dami ng tao rito sa Baywalk, sa lakas ng live band sa cafè 'di kalayuan, siya lang talaga ang naririnig ko. Tumingin si Shaun sa phone niya at tumayo, nilahad ang kamay sa akin para alalayan ako. As usual, 'di ko na naman tinanggap 'yon. Pansin ko sa sarili kong palagi kong tinatanggihan alok niya kahit sa simpleng bagay na 'yon. Kaya ko naman kasi, siguro 'yon ang dahilan. Pinagpagan ko ang pantalon ko at tinignan din ang oras sa phone. Mag-aalas siete na pala. Ang bilis naman yata ng oras? Pakiramdam ko wala pang isang oras no'ng naupo kami at nag-usap. Bumaba na kami ni Shaun at naglakad pabalik sa kotse niya. Hindi pa rin humuhupa ang saya pati na rin 'yong ngiti sa labi ko. Imbis na sa sasakyan, lumiko si Shaun papuntang hotel. Hinawakan ko siya kaagad sa braso para pigilan. "Yes? Is there a problem, Emery?" Bumitaw ako at ngumiti sa kanya. Wala akong pambayad sa restaurant na kakainan namin, wala rin akong pang-ambag. Baka juice lang ang marating nitong 500 na dala ko. "Ah, diyan ba tayo kakain?" Nabaling ang tingin ko sa pintuan ng hotel. Saktong may lumabas na babae na nakasuot ng magarbong damit. Napalunok ako. Sa itsura ng babae na 'yon, sumisimbolo siya sa kung gaano kataas ang standard ng hotel na 'to at kung gaano kamahal. Hindi talaga ako pwede riyan. Mapagkamalan pa akong basahan. "Yes. I heard masarap ang steak nila rito..." Napalunok na naman ako. Steak? Mahal 'yon! Nakaisip akong idea, hindi maganda pero tinuloy ko pa rin. Tumikhim ako at tinignan si Shaun sa mata. "Uhhh, gusto mo sa bahay na lang tayo mag-dinner? Ipagluluto kita..."  Nagmanhid ang mukha ko sa hiya! Hindi nakapagsalita si Shaun, parang nabigla yata. Napakagat akong labi at napayuko. Alam mo naman kasing hindi magandang idea pero sinabi ko pa! Ayan tuloy, Emery, sa sobrang tipid mo 'yan ang napala mo! "Sure! Sure!" Nag-angat akong tingin. Bungisngis na si Shaun. Napabugha akong hangin. Mabait talaga si Shaun! "Halika na? Baka ma-traffic tayo, e," sabi ko. Maingat na nagmaneho si Shaun pauwi sa bahay. Nagiisip ako ng lulutuin ko para sa kanya. Meron pa namang baboy saka manok sa ref, pero anong klaseng luto kaya? At kung papasok ba sa panlasa niya? Hindi na ako nagbihis pagkadating sa bahay. Nilabas ko agad sa ref 'yong baboy at manok. Kahapon ko lang 'to binili, fresh pa naman siguro 'to. Naisip kong magluluto akong pork steak at sa manok naman, hihiwain ko ng bite size at isi-stir fry kasama ng mga gulay. Gagalingan ko na lang at ipagdadasal na sana masarap. Pinaupo ko si Shaun sa sala at binuksan ang radio para 'di mainip kakaantay. Malaya na siyang mag-ikot dito sa bahay dahil naitago ko sa kwarto mga pictures ko, at wala pang isang minuto, magagawa niya 'yon. Mabuti na lang talaga at naglinis akong bahay! Naaninag kong lumalapit si Shaun sa akin, binilisan ko pa ang pagluluto. Lumakad siya sa likod ko, kumuhang plato at mga kutsara at hinain 'yon sa lamesa. "Salamat... gutom ka na ba?" "Nope. I enjoyed watching you," sagot niya. "Para tayong mag-asawa," tumawa siya na parang wala lang 'yong sinabi niya. Ganyan ka ba kamanhid, Shaun?! Diyos ko, isipin mo naman 'tong nararamdam ko? O baka naman kasi wala naman talaga sa kanya 'yong sinabi niya at feelingerang assumera lang ako? Napairap ako sa hangin at pinatay ang kalan. Pinaupo na ako ni Shaun at siya na lang daw ang kukuha ng pagkain. Pinagbigyan ko na at baka nababagot na. "It smells good and looks delicious!" Puri niya habang inilalapag ang huling plato na may lamang gulay. Napangiti ako, natuwa. Pinagpatuloy namin ang kwentuhang naudlot kanina. Tawa ako nang tawa, 'di ko inaasahang sobrang madaldal, masiyahin pala siya. Ang sakit nga ng tiyan ko sa mga biro niya. "Okay, okay. May tanong pa ako," bibong aniya. "Bakit nakipagbreak 'yong physics teacher sa biology teacher?" "Bakit?" Wala pa nga pero natatawa na ako. Natawa na rin si Shaun. "Kasi wala silang chemistry!" Sobrang corny ng mga jokes niya pero bentang-benta sa akin. Uminom akong tubig dahil nauubusan na akong lakas kakatawa. "O, eto pa! Anong tawag sa can opener na hindi gumagana?" "Ano?" "Edi... can't opener!" Namumula na ang pisngi niya at nawawala ang mga mata sa kakatawa. "I have more..." halos hindi na siya makahinga, "Anong tawag sa asong labrador na naging magician?" "Ano?" Kinagat ko ang labi ko para hindi agad matawa. Umubo si Shaun saka sinabing, "Edi... Labracadabrador! Ho ho ho!" Binago niya ang boses niya na parang magician sa mga circus, pero parang Santa Claus ang kinalabasan. Sobrang sakit na talaga ng tiyan ko, parang babagsak na ako sa kinauupuan ko at nanghihina na sa kakatawa. Tinaas ko ang kaliwang kamay ko at tinapat sa kanya para sabihing awat na. "Bwiset ka, Shaun! Ang sakit na ng tiyan ko! Diyos ko, tama na..." sabi ko, tumatawa pa rin Nilagyan niyang tubig ang baso ko at inabot sa akin. "Ang galing ko bang mag-joke?" Huminga akong malalim bago uminom at naghabol ng hininga. Tinanguan ko siya. "Obvious ba?" Sagot ko. Nagkatitigan kaming matagal. Marahan siyang huminga at matamis na ngumiti, ngumiti rin ako. Ang ganda ng gabing ito parang ayoko nang sumapit pa ang bukas. Sana ganito lagi. Masaya lang. ---------------------------------------------------- Song used: Bloom by The Paper Kites
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD