Shaun Rizaldo
"Shaun... Rizaldo?!" Bulalas ko habang nakatingin ang nanlalaki kong mata kay Jean. "Ano ba 'yang biro mo, hindi nakakatawa."
Gusto ko ngang matawa sa sinabi niya dahil kilala ko naman si Sir Shaun Rizaldo, pero parang may kirot akong naramdaman sa puso ko. Hindi ko matanto kung ano.
Napalunok ako at sinulyapan si Shaun, nakayuko siya, nakatingin sa mga nakakuyom na kamay. Hindi ko man makita ang reaksyon niya, sapat na ang pag-igting ng mga panga niya para masabing kinakabahan siya. Saan naman?
"B-bakit naman ako mag-magsisinungaling? Saka... anong ginagawa ni Sir dito?"
Napabaling ulit ako kay Jean. Napatakip siyang bibig at nanlaki muli ang mga mata, mukhang may nalamang sikretong hindi ko alam. Nanuyot ang lalamunan ko at nag-init ang batok. Dama ko ang pagdaloy ng mga dugo ko sa buo kong katawan.
Huminga akong malalim at lumunok. Mariin kong ipinikit ang mata ko bago matamang tignan si Shaun na wala pa ring imik. Ibig sabihin ba nito... totoo talaga ang sinasabi ni Jean? Siya si Shaun Rizaldo? Pero... sino 'yung Shaun na nakilala ko?! 'Yung nasa penthouse? 'Yung suplado at mainiting ulo na Shaun? Sino 'yon?!
Nagtatalo ang isip ko. Naniniwala pero may parte na ayaw maniwala.
"Si-Sir Shaun?" hirap akong bigkasin iyon sa pagkakataon ito. Parang hindi talaga tama...
Nag-igting muli ang panga niya. Nakita ko kung paano bumaba-taas ang kanyang dibdib sa paghingang malalim. Nakatitig pa rin ako hanggang sa tumayo siya at dahan-dahang nag-angat ng tingin sa akin. His eyes looked really guilty.
"I..." He looked down as he took a deep breath. "I'm sorry..." he said delicately.
Kung normal na pagkakataon lamang ito, maybe my heart will explode in happiness because of his soothing voice, but right now, it shattered into hundred pieces. Marahan akong napabuntong-hininga, 'di pa rin inaalis ang mata sa kanya.
"Sorry saan?" ngumiti akong kusa kahit na ang hirap dahil mabigat ang nararamdaman ko.
His eyes were trying to speak to me pero hindi ko makuha-kuha kung anong gusto niyang iparating. I'm trying so hard to understand the reason behind all these right now. Sumasakit ang ulo ko roon.
"I..." he bit his lower lip, he can't seem to finish every words. Bakit? Dahil ba nabuko na siya nang ganito kaaga?
Napa-iling na lamang ako. Hindi ko na siya tinignan pa o si Jean, na halos nakalimutan ko nang narito pa rin pala, pumasok na ako sa kwarto ko at naupo sa kama. Nakatitig akong diretso sa kawalan. Wala nang tumatakbo sa isip ko kahit ano, kusa yatang nag-shutdown dahil sa nalaman ko. What was that for?
"Emery, I'm so sorry... I just... I just want to be..."
I can still hear him clearly kahit na mahina iyon. I'm pretty sure he's leaning on the door. Nagtiim bagang ako at humiga sa kama. Binalot ko ang sarili ko ng kumot at nagtakip ng unan sa mukha. Naririnig ko ang mahinahon at may paggalang na pagpapaalis ni Jean kay Shaun. Mali... Sir Shaun. Boss ko siya 'di ba?
Katahimikan. Nabalot akong katahimikan habang tinititigan ang kisame ng kwarto ko. Dumidilim na sa kuwarto ko dahil sa papalubog na araw sa labas. Wala akong maramdaman. Tinatanong ko pa ang sarili ko, dapat ba magalit ko? Mainis kasi hindi siya nagpakatotoo?
I just want to know his reason but I don't want to talk to him anymore. Iyon ang nararamdaman ko na sigurado ako. Ayaw ko na siya makausap pa. Kung hindi man ako galit o inis, disappointed ako sa ginawa niya. For what purpose? Ang paglaruan ang nararamdaman ko? Kasi ganoon ang nangyari, e.
Ang tanga lang. Ang tanga ko lang. Ang maisip na siya 'yong unang taong pinagkatiwalaan kong buo, ang tanga 'di ba? I trusted too easily. Kaya rin siguro hindi ko siya masisi, e. Hindi ko magawang magalit katulad sa normal na reaksiyon ng iba.
Kasi kasalanan ko rin naman, e. Nagtiwala ako. Iyon ang kasalanan ko. Parehas kaming nagkamali. Siya, nagpanggap. Ako, nagtiwala na hindi niya ako lolokohin. Ang maniwala na hindi ka sasaktan ng mga tao sa paligid mo, para ka na ring naniwala na hindi ka nanakawan ng isang magnanakaw kasi sinabi niyang hindi niya gagawin.
Tanga ang naniniwala sa manloloko. Sabagay, wala nga pala talagang manloloko kung walang magpapaloko.
Napakurap-kurap akong marahan nang marinig kong bumukas ang aming gate. Naririnig ko ang mahihinang tapak ng sapatos sa mga grabang bato sa bakuran. Alam kong si Kuya Elias iyon, kabisado ko ang yabag ng mga paa nila Jean pati na rin si Ate Chandra. Hindi ako bumangon. Wala nang kahit anong liwanag sa kwarto ko, purong kadiliman lang. Inilagay ko ang mga kamay ko sa tiyan ko. Anong oras na ba ang lumipas?
Nagkaroon ng munting liwanag mula sa ilalim ng pintuan ng kwarto ko na nagmula sa labas. Mayamaya, tumunog ang cellphone kong nasa sala. Huminga akong malalim at bumangon. Hinang-hina akong kumilos pero pinilit kong tumayo para magpakita kay Kuya bago siya mag-alala.
"Kuya..." mahina kong sabi sabay singhap ng hangin.
Nakaupo si Kuya sa monoblock. Napatigil siya sa pagkukuyakoy ng mga paa, ibinaba ang cellphone na nasa tainga nang makita ako. Bumagsak ang balikat niya at gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.
"Nag-alala ako. Akala ko kung ano nangyari sa'yo, e," sabi niya at tumayo.
Niyakap niya agad akong mahigpit at hinalikan sa tuktok ng ulo. Ngumuso ako, naiiyak ako kahit wala namang dahilan bakit ako naiiyak. Ayaw kong umiyak! 'Wag kang umiyak, Emery! Yumakap din ako kay Kuya at kiniskis ang mukha sa damit niya.
Humalakhak si Kuya at iginiya ako sa may sofa. Sabay kaming naupo roon. Iniwas ko ang mga mata ko at tumingin na lang sa lamesita. Nandito pa pala 'yung mga pagkaing dala ni Sha-Sir Shaun kanina. Mapait akong napangisi. Nanikip ang dibdib ko.
"Nakikinig ka ba?" tinapik ni Kuya tuhod ko.
Mabilis akong kumurap at tumingin kay Kuya.
"Okay ka lang ba? May problema ba?"
Umiling ako at ngumiti. Napatingin si Kuya sa mga pagkain sa lamesita at binalik din sa akin, nagbuntong hininga at niyakap niya ulit ako, haplos-haplos ang ulo ko. Kinagat ko ang pangibabang labi ko para hindi maiyak pero hindi ako nagtagumpay.
Sa pagiintindi ko sa sitwasyon at pagbaling ng sisi sa sarili, nakalimutan kong nasaktan pala ako. Ganito pala ang pakiramdam na traydurin? Masakit pala... Ang lungkot pala. Suminghap ako para makahingang maayos sa kabila ng pagkalunod sa iyak.
Sumikit ang dibdib ko at hindi makahinga. Parang alon ng dagat sa dalampasigan 'yung pagdating ng mga tanong sa isip ko. Bakit kaya niya ginawa? Pinipigilan ko naman ang sarili kong 'wag mag-isip nang masama na ikakasakit lang din ng damdamin ko pero 'di ko mapigilan, e.
Kapag nasasaktan ka talaga, mawawalan ka ng control sa sarili mong emosyon. Mas dudumugin ka ng masasakit na ideyang pilit pumapasok kahit ayaw mong maisip. Kasi kung wala kanga lam na dahilan kung bakit, kusang gagawa ng dahilan ang isip mo para maibsan ang sakit, kaso sa akin... bakit hindi ganon?
Sumasampal sa akin 'yong realidad na mayaman siya at mahirap ako. Tama si Jean, e. Hindi ako nakinig! Noong sinabi niya na isa sa gawain ng mga mayayaman ang paglaruan ang mga mahihirap. Na para kaming nasa malaking chess game at sila ang manlalaro. Doon pa lang, hindi na ako nakinig. Masyado akong bulag sa paniniwala ko na hindi ganoon si Shaun.
Kasi mabait siya sa akin. Kasi masaya siyang kasama. Kasi akala ko kaibigan ko siya. Kasi... nagkakagusto na ako sa kanya. At ngayong alam ko na ang totoo, kailangan ko nang gumising mula sa panaginip at idikit ang mga paa ko sa lupa.
Ang taas kasi ng tingin ko sa sarili ko, e!
Naramdaman ko ang malalim na paghinga ni Kuya. Umayos akong upo at tinignan siya.
"Nag-away ba kayo ni Jean?" Mahinahon niyang tanong.
Napangiti na lang ako at umiling. "Hindi, Kuya. Okay kami."
"Talaga? Ah... Dala ba niya mga 'to?"
Napatingin kaming sabay sa lamesa.
"H-hindi!"
"Ahh... Sabagay, hindi niyo rin naman kayang bumili niyan..."
Nagkatitigan kami. Hindi ko inaasahan na sa dami ng pwede niyang sabihin, iyon pa. Napangisi ako at saka siya natawa at napailing.
"Mag pahinga ka na sa kwarto mo, ako nang bahala rito," aniya at tumayo, niligpit agad ang mga pagkain.
Huminga akong malalim at sinandal ang likod sa upuan. Wala akong lakas pang kumilos, para pa rin akong wala sa sarili kahit na nasa harap ko na ang kuya. Pinagmasdan ko na lang siyang mag asikaso. Hindi na rin niya ako tinanong pa.
Gusto ko sana makipag kwentuhan sa kanya. Ang tagal ko nang hindi nakita si Kuya tapos biglang ganito pa ang nangyari. Ang tagal ko ring naka tanga lang sa salas, samantalang panay ang kilos ni Kuya sa bahay.
"Hindi ka pa ba inaantok?"
"Anong... Oras na ba?" Sabi ko at tinignan ang orasan.
Alas nuebe na?! Dalawang oras din akong naka-upo lang? Napanguso ako sa akong sarili at nag ayos ng sarili bago tumayo.
"Good night, Kuya." Niyakap ko na lang si Kuya at dumiretso na sa kwarto.
Dire-diretso lang ako sa kama at nagmukmok muli. Gustuhin ko mang matulog, ayaw manahimik ng utak ko, walang ibang laman kundi ang nangyari kanina. Paano ko haharapin si Shaun-- Sir Shaun?!
Anong sasabihin ko kapag nagkita kami? Ngingitian ko ba siya? Babatiin katulad ng kung paano ko siya batiin sa bar? Anong gagawin ko sa 'Sir Shaun' na nakilala ko sa penthouse?
Ewan ko! Naiinis ako sa sarili ko!