Chapter 3

1467 Words
Aurelia's POV Hindi na rin ako pumasok sa lahat ng subject dahil sa katamaran ko. Ewan ko ba, tinatamad ako sa lahat. Maski ang ayusin ang sarili ko hindi ko na magawa. Dali-dali naman akong lumabas ng maguuwian na. Sa pagmamadali ko ay hindi ko napansin na may lalake pala akong nabangga. "Aray ko naman!" sigaw niya. Sa laki ng braso niya nasaktan pa siya nun? Naghahanap ata ng atensyon to eh. "Ang selan mo naman! Ang laki-laki ng braso mo, nasaktan ka pa?" pang-aasar ko. "Ikaw ba yung babaeng nasa hagdan kanina? Sa fire exit?" kasabay ng pagtatanong niya ay ang pag-ikot ng mata niya sa kabuuan ko. Naharangan ko naman ang dibdib ko gamit ang dalawa kong kamay. "H-hoy!" utal kong usal. "Kapal naman ng mukha mo, hindi kita type no. Im just asking kung ikaw yung narinig ko sa may hagdanan na inasar ako. Kase kapag nahanap ko siya sasabunutan ko siya." ngiti-ngiti niyang pang sabe. Narealize kong ako pala yun! "Ikaw yun?" "Ang alin?" "Yung nag Awoooo~? Eh mukha ka naman palang tanga eh! Hahahahahahah!" paghalakhak ko. "Aba't ikaw nga yun!" akma na sana akomg tatakbo nang bigla niyang hawakan ang isa kong kamay. At dahil dun ay naglapit ang mukha namin ng ilang daliri lamang ang bilang. Agad ko namang nailayo ang sarili ko sa hiya. Ginawaran niya ako ng titig na para bang gustong makipagusap gamit ang mga mata. Bakit ba ganito mga tao ngayon? Weird? "Ano ka ba! Uuwi na ako, uuwi na ako! Bitawan mo na ako." pagmamadali ko. Lumakas ang t***k ng puso ko dahil sa nangyare. "A-ah sige! Magtutuuos pa tayo!" sigaw niya. "Mukha kang naipit na aso!" sigaw ko pabalik at lumabas na ng gate. At nawala naman lahat ng kaba ko. Aya's POV Saan nanaman ba nagsusuot tong Lia na to? Kanina pa siya wala sa klase, wala na atang balak pumasa pa. Malalagot ako neto kay tita, at paniguradong pag nalaman nila eto at sasaktan nanaman ang babaeng yun. Naalala ko kaninang umaga ay may pasa siya sa braso, hindi naman ganun kalakihan pero nagvaviolet na siya. "Anong nangyare yan Lia?" pag-aalala kong tanong, bigyan niya lang akong takang tingin. "Ang tanong ko, anong nangyare diyan?" pag-uulit ko. "Wala." malamig ng sagot sakin. Wala sa mood? May regla? "Yung totoo, Aurelia?" "Don't call me Aurelia, can you just please shut up for a minute?" inis niyang tugon sakin, binatukan ko nga eto! "Aray ko naman Aya! Masakit kaya!" pagmamaktol niya. "Kung hindi ko sasabihin nangyare yan, madagdagan yan." "Ok ok fine, my mom hit me. Pinalo niya ko, dahil lang sa isang subject na failed ko ngayon. Mataas naman ang iba kong subject eh, pero yun lang ang napansin niya. Ginagawa ko naman best ko, trust me. Pero hindi niya yun nakikita. Hindi ko na alam gagawin ko, to make her proud. Puro step brother ko na lang nakikita niya. Ano bang meron dun na wala ako? Matalino naman ako ha? Nageexcel naman ako sa major subject? Ano ba kailamgan kong gawin, Aya?" gumaralgal na ang boses niya, at nangingilid na rin ang mga luha. Hindi ko maiwasang wag malungkot para sakanya. Oo matalino siya, maganda. Pero hindi pa yun sapat para sa nanay niya. FLASHBACK Sinubukan ni Lia tawagan ang kanyang nanay nun, dahil nga sumali siya sa pageant. At gusto niyang humugot ng lakas dun. Kanina pa siya pindot ng pindot sa phone niya na parang aligagang-aligaga eto. Nang subukan niya ulit ay sinagot na ng nanay niya. "Mom, what time ka po pupunta dito sa pageant? Magsisimula na po kasi?" "I can't come Aurelia." "Why mom? Sabi mo sakin ay pupunta ka diba?" "May assignment pa ang kapatid mo, I'm sorry. Maybe next time?" "Wala ng next time, Mom." "Well, then magpeprepare na lang ako ng makakain mo pag uwi niya ni Aya. Kung pupunta man siya. Nagawa mo na ba yung project mo sa history?" "Hindi pa po." "Umuwi ka at wag ka na sumali diyan! Mas importante yun at baka bumagsak ka. Walang bobo sa pamilya natin!" rinig na rinig ko ang pagsigaw sa kabilang linya ng tawag. Binaba lang eto ni Aya, at hindi pinakinggan ang sinabe ng nanay niya. Alam kong matigas ang ulo neto at hindi na ata magbabago yun. "Lia, si Leo ba asan?" "Wala eh, hindi ko alam." may lungkot sa tono ng pananalita niya. "Hindi daw ba siya pupunta?" Wala na akong nakuhang sagot sakanya, dahil naghanda na rin siya dahil tatawagin na rin siya. Ang ganda-ganda niya, pero sabi nga nila ang mata ay hindi nagsisinungaling. Binabalot eto ng lungkot. Suot niya ay isang Long gown, at hapit na hapit to sakanya, halos lumuwa na rin ang dibdib niya dahil dito. May slit, at kulay pula eto. Para siyang nagbabaga sa stage! "Candidate number 3, Aurelia Freya Lautina!" Rinig ko naman ang hiyawan ng mga tao dun na siya na ang tawagin! Halos lumuwa ang mata ng ibang lalake dun, at hindi ko maiwasang wag mapansin ang gawing kaliwa dahil nakita ko si Leo! Hindi ko alam kung nakita rin ako pero nakita ko siya, mas mahalaga na yun! Sinundan ko naman siya ng tingin at sinundan na rin. Nakita ko siya sa may bakanteng lote ng lugar na iyon, may kasama siyang babae! Bahagyang natapan ng poste ng ilaw ang mukha ng babae at hindi ako nagkakamaling si Sophia yun! Kaya pala hindi niya kinakausap ang bestfriend ko, dahil sa babaeng to? At ang bata pa ha, mga bata nga naman uto-uto. Nagulat naman ako ng biglang halikan to ni Leo! Aba't namumuro na sakin tong tarantado na to ha! Pumunta ako sakanila, at sinapak siya. Wala akong pake kumg makita man yun ni Sophia, mabangasan ko rin siya. "Bakit mo ginawa yun?" takang tanong ni Sophia, at humawak pa sa kamay ko para pigilan ako. "Wag mo kong mahawak-hawakan at baka dumapo tong palad ko sa mukha mo at hindi mo pa magustuhan! At ikaw naman Leo? Ang kapal kapal naman ng mukha mo para hindi kausapin bestfriend ko? Tapos makikipaghalikan ka sa malanding to? Aba! Ibang klase rin yang kakapalan ng mukha mo at nakakaya mo yan no?" sigaw ko. "Please, Aya. Let me explain firs-" hindi ko na siya pinatapos magsalita at nagsalita ulit ako. "Explain? Ano ieexplain mo? Na ginawa niya friendly kiss lang? Eh kung ingudngod kita sa posteng yan? At sabihin kong friendly kiss lang rin yun? Gago ka pala eh! Lumayo-layo na kayo dito habang nagtitimpi pa ako sainyo." Tumalikod na ako at hindi ko na sila hinarap muli. Putangina, nasayang oras ko sa pakikipag-away at hindi ko man lang napanood si Lia. Bwiset. Pero sasabihin ko ba sakanya? Natatakot ako. May problema na siya dadagdagan ko pa. Pagbalik ko ay iaannounce na ang panalo, hindi naman na ako magugulat kung kasama siya sa Top 3, Maganda at matalino kaya ang bestfriend ko! "The winner is-" pambibitin ng baklang nasa harap. "Number 3! Number 3! Number 3! Number 3! Number 3! Number 3! Number 3! Number 3! Number 3! Number 3!" Hiyaw ng karamihan at hindi ko naman maiwasang wag matuwa dahil dun. Nakakaexcite! "The winner is number 3, Aurelia Freya Lautina! Congratulations to all of you. Have a nice day, everybody! Goodnight!" Nakakabingi ang hiyawan ng isabit na sa kanyang ulo ang corona na gustong-gusto niyang makuha. Deserve mo yan. "Hoy!" "Nakakagulat ka naman eh!" atsaka ko siya nayakap. Sorry, Lia. Sorry nangyayare to lahat sayo. "Aray ko naman eh! Nanatalo ako! Uwi na tayo at baka matuwa si Mommy dito." pag-aaya niya. At agad-agaran naman kaming nagayos ng gamit niya at umuwi na. Pagbukas namin ng pinto, ay laking gulat ko ng sinalubong siya ng nanay niya ng isang malakas na sampal. "Tama na ho." pagtututol ko. "Wag ka mangielam dito, Aya." paninigaw niya. "Mom, nanalo ako oh!" pagpapakita niya ng corona, pero hindi ito pinansin ng nanay niya. At sinampal pa siya ulit! "Ang sabi ko ay gumawa ka ng project mo at hindi yang pagpapageant at inaatupag mo. Are you that stupid, Aurelia? Myghad!" "I'm sorry. Gagawin ko naman po eh." "Pumunta ka sa kwarto mo at ayusin lahat ng yan. At gumawa ng project. At ikaw, umuwi ka na magiingat ka sa daan. Gabi na rin." "Sige tita." Hindi ko maiwasang wag malungkot ng sobra sa mga nasaksihan ko. Natatakot ako para kay Lia. Sobra. Bumalik na ako sa katinuan ng makita ko siyang nasa gate, at may kasamang lalake? Nag-aaway sila, oo! Tama ang pagkakakita ko mula dito sa itaas. At sino naman kaya tong lalakeng to? Hindi na talaga nadadala tong babaeng to. Ewan ko ba. Malapit ko tong masabunutan. Hahabulin ko sana siya para sabayan umuwi, at tanungin bakit hindi siya pumasok. Ay tumakbo na ito sa gate. Ano ba naman yan! Bukas na nga lang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD