Lorcan's POV
Kinabukasan ay hindi ko maiwasang wag maisip ang nangyare sa'min pagitan ng babaeng yun.
Hindi ko ikakailang maganda siya, She has a pair of brown eyes, Blonde hair. Long haired rin siya, sa ganoong paraan ay ang sarap niyang sabunutan. Nakakapangasar ang boses niya, sa totoo lang. Meron siyang alam mo yung tawag dun? Ayun! Coca-cola body pero yung maliit na bote. Joke! Katamtaman lang ang kanyang tangkad. Pwede siyang sumali sa mga beauty pageant, pero yung sa mga bading. Dont get me wrong ha, hindi ko siya type. At kahit kelan hindi mangyayare yun. Maganda nga, nakakarindi naman ang boses.
"Lor! Anong iniisip mo?" sabay tapik niya sa magkabilang balikat ko.
"Wala naman, yung assignment lang natin." pagdadahilan ko sakanya. Nagulat naman ako ng humahalaklak na siya at nakahawak pa sa tiyan. Ano kayang problema neto?
"Hahahahahahaha! ni hindi ka nga pumapasok! Hahahahahaa! Tapos assignment iniisip mo? Wag nga ako dre! Alam kong babae nanaman yang iniisip mo."
"Hindi ah!"
"Oo!"
"Hindi nga sabi, dre ang aga-aga wag mo kong simulan bibigwasan kita!"
"Imposible, kanina ka pa tulala diyan parang nagiimagine. Dre! Inlove ka na ata!" nakakaasar ang isang to ha! Sabing hindi ako maiinlove dun kahit kelan! Hindi!
"Kristop, alam mo pang hindi ka pa tumigil gagawin kitang snowman."
"Sabihin mo na kasi sino yang babae na yan, wag kang maramot." kanina pa kami nagkekwentuhan ng hindi ko napansin si Ma'am Olivia sa harap namin. Atsaka lang kami bumalik sa katinuan ng maisigaw na niya ang apilyedo namin ng mang-ilang ulit.
"Mr. Yves! Mr. Ler! Stand up now!" masyadong malakas ang bunganga ni Ms. Olivia. Office nanaman ang punta neto panigurado. Bwiset kasi tong si kristop mapang-asar eh. Naasar rin ako, Hays!
Tinitigan niya muna kami ng mga limang minuto. Pati ba naman teacher may crush samin? Kami lang to, kami lang. Nakita ko naman sa gilid na mga mata ko na may nagtatawanan sa gilid. Mukhang kami ang pinagtatawanan. Isa rin sa ayaw kong subject ang Math class. Pagawain mo na ako ng sandamak-mak na essay, pero ang pagkabisaduhin ng formula? Ay wag na tayong magusap kahit kailanman.
"You! Mr. Yves. Don't you mind share your thoughts? Mukhang ang taas na kasi ng pangarap mo kakaisip diyan eh." nakataas pa ang kilay niyang hindi pantay, at saka nakapamewang.
Kinalabit naman ako ni Kristop na parang hindi na niya alam ang gagawin. Maski rin naman ako, parehas kaming boploks neto eh. Tapos ako pa aasahan? Ano bang nagawa namin sa araw-araw para bigyan kami ng ganitong professor.
"Mr. Ler! Did you know how to use Mid point formula? Go infront and explain it." nakanampucha naman oh! Anong mid point formula? Ibalik niyo na lang ako sa elementary. Ayoko na dito sa college.
"I don't know, Ma'am."
"I don't know rin ang grades mo! Sit down! Help your friend Mr. Yves. Puro kayo daldal sa klase ko pero wala kayong masagot? Kahihiyan yan kung alam niyo. Kapag hindi mo pa to alam Mr. Yves ay ibabalik kitang highschool! " sigaw niya nanaman.
Magsasalita na sana ako ng hindi ko alam, nang biglang may babaeng kumatok at hindi ko inaasahang siya nga yun! Parang nagslow-mo ang paligid ng papasukin na siya ni Ma'am, at may inabot dito. Ano ba tong nasa isip ko? Ang ganda niya sa uniform. Isa kasi etong palda na hapit at hindi lalagpas sa tuhod. May slit sa gilid, at ang pang itaas naman ay polo. At may vest pa. Nakapusod ang buhok niya, at lumitaw naman ang maganda niyang mata. Ang dami namang hikaw neto sa tenga, ibebenta niya ba yan? Tch.
"Naghihintay ako ng sagot!" bakit ba ang hilig neto sumigaw? Anong klaseng lalamunan ba meron to?
"Ms. Olivia. Can i help him? I know the answer." pagsabat naman neto.
"Hindi na, bumalik ka na klase mo. Salamat kamo kay Mr. Rejin." ngiti neto sakanya, at bumaling nanaman sakin ang paningin niya.
"Uhm.." pag-iisip ko pa. Hindi ako nakapag-aral. Anong gagawin ko?
Nakadungaw parin siya sa labas ng room at hindi ko alam bakit pa siya andun. Nakikita ko siya sa gilid ng mata ko.
"What? Hindi mo rin alam ang sagot? Iniinit niyo talaga ang ulo ko. Ok, So when we know the endpoints of a line segment, we may locate the point that lies halfway between them. The midpoint is the name of this location, and the formula is called the midpoint formula. The midpoint formula shows how to calculate the coordinates of the midpoint M given the endpoints of a line segment. Did you get it? Magreview kayo, at magtetest tayo bukas! Wag kayong papasok na walang laman ang utam niya sa subject ko. Naiintindihan niyo? Class dismiss." pagpapaliwanag niya na may kasamang sermon. Ganun pala yun, Putangina! Wala parin akong maintindihan.
"Haaaaaay! Natapos rin!" atsaka siya nagunat. Sa harap ko pa ha.
"Tabi nga, tabi nga." paghawi ko sakanya, napakalakas eto at akma na siyang tutumba. Kaya hinawakan ko eto sa bewang. Luminga-linga pa ako sa labas at wala na siya dun. Asan kaya siya?
Naibalik ko ang tingin ko kay Dalilah, atsaka siya nabitawan. At bumagsak siya sa sahig!
"Aray!" hala, anong gagawin ko? Hala! "Ayos ka lang ba? Ano masakit?" pag-aalalang tanong ko. Pero sinamaan niya lang ako ng tingin, nagpagpag, at umalis na.
Break time namin at hindi ko alam saan ako pupunta, pupunta na lang ako sa Garden. At baka sakaling walang tanong. Sa paglalakad ko ay hindi ko naman maiwasang wag magpalinga-linga at nagbabaka-sakaling makita siya. At bakit ko nga ba siya hinahanap? Pakielam ko naman sakanya. Nang makarating naman na ako sa Garden, ay andun siya! Hindi ako nagkakamaling andun siya.
Akma ko sana siyang lalapitan pero naririnig ko siyang humihikbi, ano naman kayang iniiyakan neto?
Naglakad ako papalapit sakanya at inabutan siya ng panyo. "Ayos ka lang?" tumingala siya sakin at para bang kinakabisado ang mukha ko.
"Ha?" taka niya pang tanong. Baliw ata to eh!
"Bakit ka umiiyak?"
"Bakit hindi na lang ako? Bakit kailangan pa niyang maghanap ng iba? Maganda naman ako diba? Matalino, pero bakit hindi ako?" pagmamaktol niya sakin, hindi ko alam pero parang ang bigat ng dinadala niya.
"Pwede mo kong gamitin."
"Saan?"
"Para makalimot."
"Hindi ko ata yan magagawa, ayokong manakit. At baliw ka ba! Hindi nga kita kilala! Kadiri ka no, ew." kasabay nun ang pagpupunas ng luha niya, gamit ang panyong binigay ko sakanya. "Ang baho naman ng panyo mo!" nagreklamo pa.
"Oo eh, pinangpunas ko yan sa pwet ko kanina. Ang arte arte mo, maganda ka ba ha? Hindi!" sinamaan niya ako ng tingin, at binato sa akin ang panyong pinangpunas niya sa luha niya. Walang utang na loob!
"Lorcan Rian Yves." pakikipagkamay ko. Bakit ba ako nakipagkilala? Yun rin ang hindi ko alam.
"Aurelia Freya Lautina." inabot niya na ang kamay kong napaka ganda atsaka nakipagkamay na rin sa'kin.
"Friends?"
"Friends"
At niyaya ko na siyang kumain sa canteen, namumugto parin ang mga mata neto. Ilang minuto na kaya siyang andun? Nang makarating na kami sa canteen, ay pinapili ko naman siya ng gusto niya.
"Yung sandwich na lang."
"Ayoko."
"Gago ka pala eh! Nagtatanong ka anong gusto ko, tapos tatanggihan mo ko?"
"Biro lang babalikan kita mamaya, bibili lang ako."
Pumunta na ako sa tindera at binili ang sandwich na sinabe niya. Gawin daw ba akong utusan. Tch, tinanong ko pala ano gusto niya.
"Iho, girlfriend mo ba iyong magandang babae? Alagaan mo siya, at palagi ko yang nakikitang umiiyak. Mukha maraming pinagdadaanan ang batang yan." takang tumingin naman ako kay manang. Ano ka ba talaga? Anong buhay ang meron ka? Ganito eto kasakit at kalalalim?
"Po? Hindi po, kaibigan ko lang po siya. Sige po salamat po!"
Nagulat naman ako ng bigla naman siyang batukan ng babaeng mas matangkad ng unti sakin!
"Aray ko, bakit mo nanaman ako binatukan?"
"Saan ka galing? Hindi ka nanaman pumasok! Napakatigas ng ulo mo" parang nanay niya naman to. Lumapit na ako sakanila at napatingin naman eto sakin.
Tinignan niya muna ako ulo hanggang paa. "Sino nanaman tong mukhang bundat na to? Wala na ata tong nakikita sa singkit ng mata niya." sinamaan rin ako ng tingin neto. Problema ba neto?
"Excuse me, ibibigay ko lang tong sandwich sakanya. At aalis na ako."
"Sino ka ba?"
"Sino daw ako, Aurelia?"
"Ah, kaibigan ko siya. Ang ano naman ng isip mo Aya nakanamputa oh!" sigaw niya, may ganito ba talagang magandang babae. Nakakarindi.
"Sige chupi!chupi! Maguusap pa kami."
Atsaka ko sila tinalikuran, aba't ibang klase rin ang isang yun magkaibigan nga sila. At sino ba sila para pagsalitaan ako ng ganun! Anong bundat? Badtrip yun ha! Macho macho ko! Tch, pakyu!