"ANO anak, kaya pa ba?" tanong ng Mama ni Sam sa kanya.
Napahinto si Samantha sa paghahalo ng tinimpla niyang gatas, saka kunot noong tinignan ang Mama niya, habang ang Papa naman niya ay panay din ang sulyap sa kanya.
"Ano po ang ibig n'yong sabihin?" nagtatakang tanong din niya.
"Si Jefti," sabad naman ng Papa niya.
Natahimik siya. Saka binaba ang hawak niyang kutsarita. Simula ng magkaalaman ng katotohanan. Hindi na niya kinausap ito. Hindi na rin niya hinaharap ito sa tuwing nagtatangka itong kausapin siya. Gusto niyang magalit ng husto dito, ngunit tinutunaw naman ng pagmamahal niya ang galit na iyon. Dalawang araw na simula ng mangyari ang tagpong iyon. And yet, she's still hurting. But at the same time, still in love with him.
"Huwag na po natin siyang pag-usapan." Wika niya.
"Samantha, hindi habang buhay maiiwasan mo si Jefti." sabi ng Mama niya.
"Pinapahirapan mo lang ang sarili mo." Dagdag naman ng Papa niya.
"Ano kaya kung sumunod na lang ako kay Kuya sa Dubai?" tanong niya. Ang nakakatandang kapatid niya ay nagta-trabaho sa isang malaking kumpanya sa Dubai, doon na rin ito nakapag-asawa at ngayon ay may anak na.
"Ngayon naman tatakbuhan mo." Komento ng Papa niya.
"Papa naman eh!"
"Anak, ano bang akala mo? Wala kaming alam sa nangyayari sa'yo? Kilala ka namin, maging si Jefti. Noon pa man, alam ko ng may nararamdaman kayo para sa isa't isa. Hindi ko lang sinasabi ang obserbasyon ko dahil wala ako sa posisyon magsalita. Kaya nga nagulat ako nung umakyat ng ligaw sa'yo si Wayne. Nagpapakumbaba na siya sa'yo, hija. Ano pa bang gusto mo?" wika ng Mama niya.
"Nasaktan po ako sa ginawa n'ya," sabi niya.
"Bakit siya? Sa tingin mo ba hindi mo siya nasasaktan? Sa mga pagkakataon na may iba kang nobyo noon at masaya ka pang nagku-kuwento sa kanya tungkol doon. Isipin mo kung anong klaseng sakit ang hatid niyon sa kanya." dagdag ng Mama niya.
"Anak, sino ba sa atin sa mundong ito ang hindi nagkasala? Hindi nakagawa ng mali? Wala naman, hindi ba? Kung ang Diyos nga na may gawa ng lahat ay nakakapagpatawad at nagbibigay ng pangalawang pagkakataon. Tayo pa kayang tao lang." pangaral sa kanya ng Papa niya.
Napalingon siya sa Papa niya. "Bakit parang gusto n'yo si Jefti?" nagtatakang tanong niya.
"Gusto ko nga siyang maging manugang." Nangingiting sagot nito.
Natawa siya. Saka nilapitan ang Papa niya at yumakap siya sa beywang nito. "Ang gusto kong mapangasawa ay kagaya mo, Pa." sabi pa niya.
Tinapik-tapik pa nito ang braso niya. "Kaya nga si Jefti ang gusto ko para sa'yo eh, dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanya noong kabataan ko." Makahulugang wika nito.
Napatingin siya dito. Saka malalim na napaisip. Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng Papa niya.
"Ano pong ibig n'yong sabihin?" tanong pa niya dito.
Ngunit hindi ito sumagot. Tumayo ito, habang natatawa na tumingin sa kanya. Bago ito umakyat ng hagdan ay muli siyang tinignan nito.
"Isipin mong mabuti, anak. At huwag kang tumingin sa kamalian ng isang tao. Kung hindi sa tunay na nilalaman ng puso nito. Mahiwaga ang pag-ibig, minsan, kailangan natin dumaan sa pagsubok. Isang paraan ng Maykapal, upang maging mas matatag tayo. Kung ngayon pa lang ay magpapatalo ka ng dahil sa minsang pagkakamali. Paano pa ang mga mas malalaking pagsubok na darating sa buhay mo?" makahulugang payo nito, pagkatapos ay umakyat na ito.
Nang tignan niya ang Mama niya ay nakangiti lang ito. Habang pinupunasan ang sewing machine nito. "Minsan lang dumating sa buhay ng isang tao ang tunay na pag-ibig. Kapag pinakawalan mo ito, ikaw rin, baka hindi mo na ito matagpuan ulit."
Dala ang mga pangaral ng mga magulang. Bumalik si Sam sa sariling kuwarto niya. At doon sa kama niya, nilapat niya ang kanyang likod. Pinakatitigan niya ang kisame. Napangiti siya ng tila lumitaw sa kanyang isipan ang nakangiti at guwapong mukha ni Jefti. Mula sa bedside table, kinuha ni Sam ang litrato nila nito. Kuha ito nung isama siya sa trip nito sa Batanes.
Hinaplos niya ang larawan. Iyon ang mga araw kung saan napakasaya niya. Hindi lang dahil maganda ang lugar na pinuntahan nila. Kung hindi, higit sa lahat. Ito ang kasama niya. They promised that they will not leave each other's side no matter what happens. Dahil sa pangakong iyon, nabuhay ang eroplanong papel sa edad nilang labintatlong taon gulang.
"Para saan ang eroplanong papel?" tanong ni Sam kay Jefti. Naroon sila ng mga sandaling iyon sa terrace ng bahay ni Lolo Badong.
"Ito ang magiging simbolo ng pagkakaibigan natin. Ang ibig sabihin nito, sa pagpapalipad natin ng eroplanong papel ng magkasabay. Sabay din tayong lilipad papunta sa mga pangarap natin. Sabay natin aabutin 'yon, at walang iwanan. Kahit na ano pa ang pagdaanan natin. Hindi natin iiwan ang isa't isa. Bestfriend forever." Paliwanag ni Jefti.
Nakangiting tumango siya. Hinawakan niya ang isang kamay nito. "Bestfriend habang buhay." Pagpayag niya.
Tumango din ito. Saka sabay nilang pinalipad ang hawak nilang eroplanong papel.
Lumuluhang bumangon siya sa kama at naupo doon. Saka muling tinitigan ang larawan. Sa isang iglap, nangulila siya sa presensiya nito. Ilang linggo na rin pala na hindi niya ito nakakausap. Nasanay na siyang ito ang gumigising sa kanya sa tuwing tinatanghali siya ng gising. Nasanay na siyang ito ang tagadala niya ng meryenda. Clown kapag nalulungkot siya. Sorbetero kapag umiiyak siya. At piloto na siyang kasama niya sa pag-abot sa mga pangarap niya.
Noong natupad ang isa sa mga pangarap niya na maging isang Wedding Planner. Ito ang isa sa mga nasa tabi niya at nakasama niya sa saya. At ngayon na naging malinaw na sa kanya ang tunay niyang damdamin para kay Jefti. Gusto niyang ito rin ang kasama sa pag-abot ng susunod niyang pangarap. Ang harapin ang mga susunod na taon na kasama ito at ang pagmamahal nito.
Kasabay ng mga realisasyon niyang iyon, nahiga siya muli na yakap ang larawan nilang dalawa. Tinunaw lahat ng masasayang alaala nila ang galit na nanahan sa puso niya ng ilang linggo. Bigla ay nais niyang makita ito, gusto niyang hilahin ang oras para sa pagsikat ng araw. Ito agad ang masilayan ng kanyang mga mata. Tama ang Mama at Papa niya. Sa isang banda, hindi man niya sinasadya. Nasaktan din niya ito. At sino nga ba siya para magkimkim ng galit dito? Ngayon, natagpuan na niya ang tunay na pag-ibig. Wala ng rason pa para pakawalan niya ito. Nakangiting pumikit siya.
Hintayin mo ako, Jefti. Aniya sa sarili. Saka unti-unti siyang ginapo ng antok.
"JEFTI!" malakas na sigaw ni Samantha.
Hinintay niyang lumingon ito, ang noo'y naglalakad na palayo nang binata. Nagtaka siya dahil hindi man lang ito huminto. Bagkus ay nagdire-diretso ito sa paglalakad, habang hila nito ang dala nitong maleta. Napangiti siya ng huminto ito sa paglalakad, pagkatapos ay lumingon ito sa kanya.
Mabilis na nilapitan niya ito. Pagtingin niya sa mukha nito, ay malungkot ito.
"Saan ka ba pupunta?" tanong niya.
Ngumiti ito ng may lungkot sa mga mata. "Aalis na ako." Sagot nito.
"Ha? Bakit?" gulat na tanong niya. Nakaramdam ng takot si Sam. Takot na mapag-isa. Takot na tuluyang mawala ito sa buhay niya.
"Dahil wala na akong lugar sa buhay mo. Dahil sa ginawa ko, hindi mo ako nakuhang patawarin. Hindi na ako karapat-dapat sa'yo. Kaya aalis na lang ako." Paliwanag nito.
Sunod-sunod siyang umiling, saka hinawakan niya ang kamay nito.
"Hindi. Hindi totoo 'yan! Pinatawad na kita!" naiiyak niyang sabi.
"Sige, mauna na ako sa'yo. Goodbye, Sam. Ingatan mo ang sarili mo. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Ang nag-iisang bestfriend ko." Sa halip ay wika nito. Saka muling naglakad palayo sa kanya.
"Jefti, sandali lang! Ang sabi ko pinatawad na kita!" habol pa niya dito.
Ngunit tila hindi nito naririnig ang sinasabi niya. Kahit na anong lakas ng boses niya, parang hindi nito naririnig. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad palayo sa kanya. Hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin niya. Napaluhod siya sa gitna ng kalsada, habang patuloy sa pagbagsak ang mga luha sa kanyang pisngi. Iniwan na siya nito. Nawala na ito ng tuluyan sa buhay. Kung sana'y hindi siya nagpadaig sa galit. Kung sana'y inintindi niya ang lahat. Baka hindi ito nawala ng lubusan sa buhay niya. Hindi siya maiiwan mag-isa. Wala na ang bestfriend niya. Wala na si Jefti, ang pinakamamahal niya.
"JEFTI!" sigaw ni Sam, sabay balikwas ng bangon. Habol ang hininga na lumingon siya sa paligid.
Napapikit siya, saka napatungo at tinakpan ang mukha niya ng palad niya. Isang masamang panaginip lang pala iyon. Huminga ulit siya ng malalim, para makalma ang puso niya. Isang panaginip na parang totoo. Napalingon siya sa paligid ng kama niya. Naalala niya, kagabi bago siya tuluyang antukin. Yakap pa niya ang larawan nila ni Jefti. Nang hanapin niya ito sa kama, wala na ito doon. Napatayo siya, saka hinanap maging sa ilalim ng kama ang larawan. Ngunit hindi niya ito makita.
Bago bumaba, nagsuot muna siya ng panloob na damit. Saka mabilis na tinanong ang Mama niya.
"Ma, nakita n'yo po ba 'yung picture na nasa tabi ko kagabi?" tanong niya pagbaba niya.
"O anak, gising ka na pala. Hindi ka ba papasok?" sa halip ay tanong din nito.
"Mamaya po, half day lang ako. Pa-finalize na lang namin 'yung Wedding ng isang client namin sa isang araw." Sagot niya.
"O magkape ka na diyan," sabi pa ng Mama niya.
"Mama, 'yung picture po. Nakita n'yo po ba?" ulit niya sa tanong.
"Ano bang picture 'yung sinasabi mo? Iyon bang kuha n'yo sa Batanes na nakapicture frame?" sunod sunod na tanong din nito.
"Opo, nakita n'yo po ba?"
"Ay, hindi eh!"
"Mama naman eh, ikaw talaga. Dami mo pang tanong. Nangungulit ka lang eh." Sabi pa niya.
Tumawa lang ito. Pag-upo niya sa silya sa tapat ng mesa, pumasok naman galing sa labas ang Papa niya. May hawak itong dyaryo.
"O Mabuti naman at gising ka na, Samantha. Hindi ka ba magpapaalam?" tanong ng Papa niya.
Kumabog ang puso niya ng marinig ang salitang "Paalam". Napatayo siya. Mukhang magkakatotoo pa yata ang panaginip niya. Aalis na si Jefti.
"Si-sino po ang aalis?" tanong niya.
Nagkibit-balikat ito. Saka may tinuro sa labas. "Si Jefti yata eh, hayun at may bitbit na maleta." Balewalang sagot nito.
Hindi na siya nagdalawang isip pa, mabilis siyang humakbang patungo sa pintuan nila. Kailangan mapigilan niya si Jefti. Hindi ito maaaring umalis. Hindi niya kayang wala ito sa buhay niya.
"Hep, teka sandali. Magandang dalaga na mana sa kanyang Ina!" pigil sa kanya ng Mama niya. "Saan ka pupunta?" tanong nito.
"Mama, kailangan ko po makausap si Jefti. Baka umalis na siya." Naiiyak na sabi niya.
"Aba eh, mag-toothbrush ka muna. Hindi ka na nahiya, haharap ka kay Jefti ng bad breath ka." Sabi pa nito.
Sa kabila ng mga luha niya, natawa siya dahil sa kakulitan ng Mama niya.
"Eh Mama!" maktol niya.
"Kapag hindi mo sinunod ang Mama mo, hindi ka makakalabas." Sabi pa ng Papa niya.
Nawi-weirduhan man, ay sumunod na lang siya. Kesa naman hindi siya palabasin. Nang matapos siyang mag-toothbrush, palabas na siya ng pigilan ulit siya ng Mama niya.
"Hinga," anang Mama niya.
"Po?" nagtatakang tanong niya.
"Hinga ka!" uli ng Mama niya.
Huminga siya sa harap nito. Inamoy pa nito ang hininga niya, saka ngumiti.
"O siya sige, labas na!" sabi pa nito.
Napapailing na tinignan niya ang Mama niya. "Mama, ang weird mo ngayon." sabi pa niya dito.
Nagkibit-balikat lang ito. Paglabas niya. Mabilis na umahon ang takot at kaba sa puso niya ng makita niya ang maleta na nasa tapat ng compartment ng kotse ni Jefti.
"Jefti," usal niya.
Napalingon siya sa bakuran ng mga Mondejar ng makita niyang lumabas ito mula sa loob ng bahay. Kasama nito si Lolo Badong, si Glenn, at ang iba pang pinsan nito. Hindi niya alam kung lalapit siya. Nauunahan siya ng hiya, pero walang mangyayari sa kanya kapag nagpadaig siya sa hiya. Lalakasan niya ang loob niya. Mabuti na 'to, kesa naman habang buhay na mawala ito sa kanya.
Lalapit na sana siya ng dumating sila Marisse kasama ang iba pa niyang kaibigan. Nag-uusap pa ang mga ito tungkol sa pag-alis ni Jefti.
"Kelan naman ang balik n'ya?" tanong pa ni Razz kay Marisse.
"Ewan ko diyan. Matatagalan yata eh." Sagot pa ng huli.
"Sayang naman, hindi ba muna sila mag-uusap?" sabi pa ni Jhanine.
"Ayaw n'ya eh. Bigyan daw muna niya ng panahon makapag-isip. Gusto man daw niyang lapitan. Ayaw daw." Paliwanag ni Marisse.
"Gaano ba kahirap magpatawad?" tanong pa ni Kim.
"Sinasayang nila ang pagkakataon. Minsan, tayong mga babae. Ang arte din natin minsan." Komento naman ni Sumi.
"I agree, mahal naman. Kung bakit kasi ayaw pang magpakumbaba." Sang-ayon naman ni Kamille.
"Tapos kapag nawawala, iiyak." Dagdag ni Marisse.
Umiiyak na nilapitan niya ang mga ito. May pagtataka sa mukha ng mga ito na tinignan siya.
"O, napaano ka naman? Ang aga aga umiiyak ka." Tanong ni Marisse.
"Tulungan n'yo naman ako, gusto kong kausapin si Jefti." humihikbi pang sabi niya.
"Akala ko ba galit ka sa kanya?" kunot-noong tanong ni Razz.
Umiling siya. "Hindi na. Ayoko siyang mawala sa akin, please. Tulungan n'yo naman ako." Pakiusap niya.
"Sigurado ka?" tanong pa ni Jhanine.
"Oo, sigurado ako." Sagot pa nito.
Nagulat pa siya ng sumipol si Marisse. Napalingon ang mga pinsan nito. Agad na nag-init ang dalawang pisngi niya, nang magtama ang mga mata nila ni Jefti. Mabilis siyang tumalikod. Sumampung doble ang pagkabog ng puso niya. Naghari ang takot sa puso niya, na baka hindi nito tanggapin ang lahat ng sasabihin niya. Ngunit nakikipag-unahan naman din ang pag-asa, na magiging maayos sa kanila ang lahat at sa wakas ay mapapasakanya ang pag-ibig nito.
"Bakit?" narinig niyang tanong ni Jefti.
"Kausapin ka daw," sagot pa ni Marisse.
Hinintay niyang sumagot si Jefti. Ngunit wala siyang narinig mula dito Nagsisimula nang bumagsak ang pag-asang naiipon sa puso niya. Mukhang ayaw na nitong kausapin siya. Hanggang sa mapapitlag siya.
"What do you want to say?"
Nanlaki ang mata niya pagkarinig sa baritonong tinig nito. Kasunod niyon ay tila pagsalakay ng mas matinding kaba sa puso niya. Dahan-dahan siyang humarap dito, ng nakatungo ang ulo.
"I, I..I'm sorry." Kandautal niyang sabi.
Maingat na inangat nito ang mukha niya. Isang nakangiting Jefti ang tumambad sa harap niya.
"Why are you apologizing?" tanong ulit nito.
"Dahil alam kong nasaktan din kita. Noon, hindi man ako aware noong mga panahon na 'yon. Pero nasaktan pa rin kita. I'm sorry, hindi ko naman sinasadya. Kung sana napansin ko na noon pa ang matagal ng feelings mo para sa akin, hindi sana umabot sa ganito. At kung tumaas man ang pride ko, patawarin mo ako. Masyado lang ako nasaktan. Pakiramdam ko kasi, pinaglaruan mo ako." Paliwanag niya.
"Na-realize ko kagabi, na ayokong mawala ka. Ayokong maiwan mag-isa. Nangako tayo noon, di ba? Walang iwanan? Please, huwag ka ng umalis. Dito ka na lang." umiiyak na dugtong niya.
Kumunot ang noo nito. "Aalis? Ako? Bakit naman ako aalis? Saan naman ako pupunta?" sunod sunod na tanong nito na puno ng pagtataka.
"Ha? Hindi ka aalis?" tanong din niya.
Umiling ito. "No!"
"Eh akala ko aalis ka, sabi ni Papa may dala ka daw luggage eh. Tapos sila Marisse, pinag-uusapan nila kanina 'yung babae daw ayaw magpatawad. So, akala ko tayo 'yung pinag-uusapan nila." Paliwanag niya, sabay lingon. Nagtaka siya dahil biglang nawala ang mga ito. Kanina lang ay nasa likod niya ang mga ito.
"Nasaan na 'yon?" nagtatakang tanong niya.
"Hindi ako ang aalis si Glenn." Nakangiting wika ni Jefti.
Nawala ang atensiyon niya sa paghahanap kay Marisse ng hawakan siya ni Jefti sa baba, saka siya pinaharap dito muli. Mabilis na kumabog ng paulit ulit ang puso niya, ng humakbang ito ng mas malapit pa.
"Hindi mo kailangan humingi ng tawad, Sam. Dahil wala kang kasalanan. Hindi mo alam na mahal kita noon pa. Matagal akong naghintay ng pagkakataon para masabi sa'yo ang tunay kong nararamdaman para sa'yo. Sa tuwing may nagkakaboyfriend ka noon, hindi ko maiwasan na mainggit sa kanya. Sabi ko sa sarili ko, sana ako na lang. Dahil alam kong mas kaya kitang pasayahin, kaya kitang mas mahalin ng higit pa sa kaya nilang ibigay na pagmamahal. Hindi ako nawalan ng pag-asa, sabi ko darating din ang araw na matututunan mo rin akong mahalin ng higit pa sa isang pagiging kaibigan. At dumating nga ang araw na iyon, kaya lang, nagkamali ako ng diskarte. Nasaktan kita. Nagpabulag ako sa selos."
"Wala akong ibang hiniling sa buhay ko noon, kung hindi mapansin mo ako bilang isang lalaking nagmamahal sa'yo. Hindi mo alam, na sa tuwing may gagawin kang isang simpleng bagay para sa akin. Masayang masaya na ako doon. Sa bawat ngiti mo, nakukumpleto araw ko. Sa tuwing sinasabi mong hindi ako ang tipo mong lalaki, nasasaktan ako. Pero kailangan kong itago iyon. At ang mga sinasabi kong hindi ikaw ang tipo ko, hindi totoo 'yon. But in fact, you have everything that I'm looking for in a woman, I want to spend my life with. Wala akong pinangarap kung hindi ang maiparamdam sa'yo ang pagmamahal ko." Buong pusong paglalahad nito.
Walang patumpik-tumpik na yumakap siya dito. Napuno ng saya ang puso niya, nabalot ng pagmamahal ni Jefti. Pagkatapos ng matinding pagsubok na pinagdaanan nila. Isang malaking pasasalamat niya sa Diyos dahil ito ang gumawa ng daan para makabalik sila sa bisig ng isa't isa.
"I'm sorry if it took me a while to realize my true feelings for you. I'm sorry if I didn't listen to you. Sorry kung kailangan mo munang masaktan. Pero sa kabila ng lahat, nariyan ka pa rin. Hindi mo ako iniwan. Akala ko noong una, natatakot akong mawala ka dahil bestfriend kita. Pero mas na-realize ko na mas takot akong mawala ang lalaking pinakamamahal ko. Kung saan saan ako naghanap ng lalaking mamahalin ako. Hindi ko agad nakita na nasa tabi ko lang pala siya." sagot niya dito.
Napapikit siya ng maramdaman niyang gumanti ng yakap ito sa kanya, ng mahigpit.
"You're all I ever wanted, Sam. And nothing in this world can ever compare the joy that you bring in my life. That's why I never let go of my love for you." Sabi pa nito.
Kumalas siya sa pagkakayakap dito. Saka tinitigan ito ng may halong pagmamahal. Alam niyang kumikislap ang mga mata niya sa sobrang saya, at iyon ay dahil kay Jefti.
"I don't deserve anything good from God. But still, He showed me His love and kindness. He brought you back in my life. And with that, I will forever be thankful to Him. Ngayon, alam ko na kung bakit sa tuwina ikaw ang hinahanap ko. Kung bakit nami-miss ko ang tawa mo, ang mga pangungulit mo. Ang minsan pages-sermon mo. Hindi lang pala dahil sa pagiging magkaibigan natin, o dahil nasanay akong nariyan ka. I realized, it's more than that. Because I fell in love with bestfriend." Sagot naman niya.
"Patawarin mo ako sa mga nagawa ko, sa mga pagsisinungaling ko. Sa pagtataboy ko sa'yo. Sa mga kapalpakan ko. I'm so sorry." Hinging-paumanhin pa nito.
Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi. "Shhh, huwag mo ng isipin 'yon. Pinatawad na kita." Sagot niya.
Hindi niya mailarawan ang sayang nararamdaman niya, gayundin ang sayang nakikita niya sa mga mata nito. Tunay nga na mahal siya nito. Walang duda, iyon kasi ang sabi ng puso niya.
"Dati sinabi ko sa'yo na hindi ako aalis sa tabi mo. And I intend to keep that promise. I want to grow old with you. I want you to know, eversince, you were the only girl that I love this much. At wala akong pinagsisisihan, dahil nakamit ko na ang pangarap ko. Falling in love with my bestfriend is the best thing that ever happened to me. And that's what makes it extra special." Dagdag pa ni Jefti, hindi ito nahiyang ipakita ang luha nito. He cried out of joy. Sino ba ang hindi mai-in love sa ganitong klaseng lalaki? Kaya hindi na siya nagtaka kung bakit siya nahulog sa mga bisig nito.
Muling bumagsak ang mga luha niya. Ngunit sa pagkakataon na ito. Luha iyon ng labis na kaligayahan. Inakala niyang huli na ang lahat para sa kanya. Tama ang Mama at Papa niya, ang nangyari ay isang maituturing na pagsubok sa kanilang dalawa. At masaya siya dahil nalagpasan nila iyon.
"Mahal na mahal kita, Sam." Pabulong na sabi nito.
"Mahal na mahal din kita, Jefti." sagot naman niya.
Hindi siya tumutol ng hapitin siya nito sa beywang palapit dito. Ngumiti sila sa isa't isa.
"Ready for a real kiss?" pabirong tanong pa nito, habang pinupunasan ang mga luha niya.
"Yes," nakangiting sagot niya.
"Before that, look up." Anito.
Pagtingala niya. Napangiti siya at nilukob ng labis na saya ng biglang sumulpot ang napakaraming eroplanong papel, na nagliliparan sa paligid. Kasabay ng pag-ihip ng hangin. Napakagandang pagmasdan ng mga iyon. And this is the best day in Samantha's life.
"I missed you," bulong nito sa kanya.
"I missed you too." Nakangiting sagot niya.
"Alam ko, kaya nga palagi mong katabi picture ko sa pagtulog mo eh!" pang-aasar pa nito sa kanya, sabay turo ng picture na hinahanap niya kanina.
Natatawang nagulat siya, saka hinampas ito sa dibdib. "Ikaw ah! Paano mo nakuha 'yan?" tanong niya.
Tumingin ito sa Mama at Papa niya, na nakangiti sa kanila. Napailing na lang siya.
"Can I kiss you now?" tanong pa nito.
Tumango siya. Then, their lips met. And that was the most wonderful feeling she ever felt. The warmth of his embrace. The fiery kind of love that they have for each other. What more could she ask for?
Matapos ang halik na iyon. Nagulat siya ng mapuno ng sigawan at palakpakan sa buong paligid. Nang tumingin siya, ang mga kaibigan niya at pinsan nito ay nasa mga bubong ng bahay at may hawak na eroplano. Ang mga magulang naman niya ay masayang-masaya. Si Lolo Badong at Lola Dadang ay sweet na sweet sa pagkakayakap sa isa't isa.
"Tapos na palabas n'yo? Aalis na 'ko! See you next month!" paalam ni Glenn.
"Bye Insan, ingat ka." Sagot naman ni Jefti.
"Ako na maghahatid sa kanya. Kotse mo na lang ang gagamitin ko." Sabi naman ni Wayne. Bago ito sumakay, tumingin muna ito sa kanya at ngumiti.
Tumango lang siya dito bilang sagot ng pasasalamat.
"Hindi tayo puwedeng magtaguan ngayon, maaga pa!" sigaw ni Marvin mula sa rooftop ng bahay nito.
"Tama na kayo diyan! Ere may huhugasang kotse!" awat ni Lolo Badong sa kanila.
"Wesley, Mark, Karl! Hugasan n'yo 'to!" utos pa ni Lolo sa mga ito.
"Hala, bakit ako na naman, Lolo?" reklamo ni Wesley.
"Ay, tuktukan kita nitong aking tungkod eh. Nagrereklamo ka pa." Banta pa nito.
"Peace, Grandpa. Joke lang po!" biglang kabig ni Wesley.
Napailing silang dalawa. Habang pinagkakaguluhan ng mga bata ang nagkalat na eroplanong papel. At ang mga naging saksi sa pagbuklod ng pagmamahalan nila ay bumalik na sa mga kanya kanyang gawain. Sila naman ay pinagtuunan ng pansin ang isa't isa.
"I love you," bulong sa kanya ni Jefti.
"I love you more," nakangiting sagot niya. Then, they kissed again.
What a wonderful morning! Yes!
WAKAS / THE END