Chapter Nine

2272 Words
"ANO ba ang gagawin natin sa labas?" tanong ni Sam kay Razz, habang pilit niyang binabawi ang kamay niyang mahigpit nitong hawak. "Papaarawan ka! Anak ka ng tinubuang lupa! Isang linggo ka nang hindi lumalabas ng bahay ah!" sagot nito, sabay hila ulit sa kanya. "Lumalabas ako! Pumapasok ako sa trabaho! Bitiwan mo nga ako!" depensa niya sa sarili, saka siya napahawak sa hamba ng pinto gamit ang isang kamay niya. "Tse! Lumabas ka! Hindi mo pwedeng taguan ang problema!" anito. "Wala akong problema!" "Ilong mo tabingi! Huwag kang echusang palaka diyan! Pinagdaanan ko na 'yang drama mo sa buhay!" ganti naman nito sa kanya. Napasigaw siya ng pagtulungan na siya ng mga kaibigan niya. Hanggang sa makalabas na siya ng bahay nila. Marahas siyang napabuga ng hangin. "Nakakainis naman kayo eh!" maktol pa niya. Pabirong tinakpan ni Jhanine at Marisse ang ilong ng mga ito. Saka kinampay pa ang isang kamay ng mga ito sa tapat ng mukha nito. "Dahan-dahan sa pagbuga 'te, medyo di maganda amoy." Pang-aasar pa na wika ni Jhanine. Mas lalo niyang hiningahan ang dalawa. "Ewww!" maarteng reaksiyon ni Marisse. "Ano ba gagawin ko dito? Inaasar n'yo lang naman ako eh," sabi pa niya. Nagtawanan ang mga ito, saka siya niyakap. "Ikaw naman oh, naglalambing lang kami. Miss ka na namin eh." Sabi pa ni Sumi sa kanya. "Busy lang ako," sagot niya. "Busy o nagpapaka-busy? Kilala kita, Samantha." Sabi naman ni Marisse. "Look, I'm okay. I'll be okay." Seryosong sagot niya sa mga ito. Tinignan siya ni Kim. "No, you're not okay. Malungkot pa rin ang mga mata mo." "Hindi mo kailangan magtago, girl. Face him." Payo sa kanya ni Kamille. "I can't. Hindi ko pa kaya." Sagot niya. "Sam, I think you two have to talk. As in, you and Jefti. I think there's a misunderstanding on both sides." Suhestiyon naman ni Marisse. "I know you care for me, Marisse. Pero hindi na kailangan. Siya mismo ang nagsabing wala ng pupuntahan ang friendship namin. Siya mismo ang pumutol niyon." "Sayang naman ang lahat kung tatalikuran n'yo." Sabi naman ni Razz. "I told him everything. Even what I truly feel for him. Sinabi ko sa kanyang, mahal ko siya ng higit sa kaibigan. That's my only chance, at least even before we parted our ways. Naging honest ako sa nararamdaman ko." Paliwanag niya. Napailing ang mga kaibigan niya. "Seryoso, gusto kong sapukin sa lungs sa Jefti." sabi pa ni Razz. "Ayoko lang talaga muna siyang makita. Hindi ko pa kaya." Aniya. Unti-unti ay muli na naman nangilid ang luha sa mga mata niya. Napapadyak siya, saka umiling. Nang bumagsak na iyon ay mabilis niyang pinahid iyon. "Eh, kasi naman eh. Kaya hindi ako lumalabas eh, dahil ayokong makita n'yo akong umiiyak." Garalgal ang tinig na sabi niya. Niyakap siya ni Jhanine. "Girl, its okay to cry. Iiyak mo habang hindi pa nawawala ang sakit. Nandito kami, kahit na anong mangyari. Hindi ka namin iiwan." Sabi pa nito. "Tama si Jhanine, nawalan ka man ng isang kaibigan. Marami naman kaming pumalit." Sang-ayon ni Sumi. "Hindi lang namin kayang i-replace si Jefti sa parteng pag-ibig. Pero may nakalaan naman para sa'yo. Sigurado ako diyan." Dagdag naman ni Kim. "But I missed him, so much. Sa tuwing magkakasalubong kami. Gusto ko siyang lapitan, kulitin, makipagkuwentuhan at makipagtawanan, gaya ng palagi namin ginagawa. Pero hindi na puwede, ayaw na niya sa akin. At iyon ang malinaw sa akin ngayon. Sa kabila ng pangungulila ko sa kanya, nakakaramdam ako ng galit, dahil basta na lang niya akong iniwan ng dahil sa isang rason na hindi ko maintindihan." Buong hinanakit niyang paglalahad. "Did he ever tried to talk to you again?" tanong pa ni Kamille. Tumango siya. "Oo, pero hindi ko sinasagot ang mga tawag niya. Hindi ko rin siya hinaharap. Ayokong magmukhang tanga na naman. Kakausapin niya ako, pagkatapos ipapamukha na naman niya sa akin na ayaw na n'ya akong maging kaibigan. That's too much." Paliwanag niya. "Sa tingin ko, kailangan nga talaga kayong mag-usap. Hangga't hindi mo nalilinaw sa kanya ang mga bagay na 'yan. Hindi ka matatahimik." Sabi ni Razz. "Right. Kilala ko si Jefti. Hindi rin natatahimik 'yon," sang-ayon naman ni Marisse. "What's going on?" Napalingon sila sa nagsalitang iyon. Si Wayne. Kunot ang noo nito habang nakatingin ito sa kanya. May bitbit pa itong travelling bag. "Wayne," aniya. "Wala ito. Nagku-kuwentuhan lang kami." Pagdadahilan pa niya. "Hanggang ngayon umiiyak ka pa rin." Seryoso ang mukha na wika nito. "I'm fine." Sagot niya. "Marisse, nasaan si Jefti?" baling nito sa pinsan nito. Mababakas sa mukha nito ang galit, nagtiim bagang ito. Nagkatinginan sila. "Uhm, ano, nandoon sa Billiard Hall." Sagot nito. Walang salitang tumalikod ito. Mabilis na umahon ang kaba at takot sa dibdib niya. Alam niyang galit si Wayne, at malaking posibilidad na magpang-abot ang dalawa. At malinaw na siya ang dahilan ng lahat ng iyon. Isang bagay na ayaw niyang mangyari. "Wayne, sandali!" habol niya dito. Hindi siya nito pinansin saka dumiretso sa second floor ng Jefti's. "Tara! Sundan natin!" yaya sa kanila ni Marisse. Kabadong sumunod siya dito, saka abot hanggang langit ang dalangin niya na sana'y maayos na ang lahat. NAHILOT ni Jefti ang sentido niya. Naroon siya sa second floor ng restaurant niya, ang billiard hall. Kasama niya doon ang mga pinsan niya, maliban kay Wayne. Ang iba sa mga ito ay naglalaro, habang ang iba naman ay naroon sa tabi niya at dinadamayan siya sa kanyang problema. "That's the dumbest thing you ever did, insan." Komento pa ni Wesley. Nang pumunta ang mga ito sa kanya. Diretsahan siyang tinanong ng mga ito kung ano ba talaga ng tunay na problema niya. Ang dahilan kung bakit madalas ay naglalasing siya. Kung bakit mainit ang ulo niya. Kinuwento niya ang lahat, ang tunay niyang nararamdaman para kay Sam. Ang nakita niya sa loob ng kotse ni Wayne. "Magsabi ka nga sa akin ng totoo, gaano mo kamahal si Sam?" diretsong ni Gogoy sa kanya. Tinignan niya ito. "More than you could ever known." Diretso din sagot niya. "'Yun naman pala eh. Bakit mo pinagtulakan kay Wayne?" tanong ni Marvin sa kanya. "Look, I know it's my entire fault." Pag-amin niya. "Jefti!" Napalingon siya. Si Wayne na kadarating lang ay nakita niyang nakatayo sa di kalayuan. May galit sa mukha nito at alam na niya ang dahilan. Hinanda niya ang sarili sa posibleng kahihinatnan ng tagpong iyon. "What?" tanong niya. Nagulat siya ng sugurin siya nito. Hinablot nito ang kuwelyo ng suot niyang t-shirt, saka galit na galit na binangga siya nito sa kinauupuan niya. Hinawakan niya ang mga kamay nito. Saka pilit na kumakawala mula sa mahigpit na pagkakahawak nito. "Lay off, Wayne!" sigaw niya dito. "What the hell did you do to her?!" galit na tanong nito. "Labas ka na sa problema namin!" galit din sigaw niya. Nakipagtitigan siya dito. Saka tinulak niya ito palayo sa kanya. Ngunit mabilis itong nakabawi kaya nahablot na naman siya nito sa kuwelyo. Ngayon naman ay naihiga siya nito sa billiard table. Pilit itong inaawat ng iba pa nilang pinsan, ngunit walang makahila nito palayo sa kanya. "Heck no! May pakialam ako! Dahil nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak ng dahil sa'yo! Ikaw ang nagsimula ng pustahan n'yo! Pina-date mo siya sa akin, pagkatapos, aarte ka ng ganyan! Mahal mo na pala simula pa noon, bakit mo tinataboy palayo? Sabihin mo sa akin ang totoo! Bakit mo siya sinasaktan? Sinasadya mo ba lahat ng ito? Tell me!" "Oo! Sinadya ko siyang saktan! Sinadya ko siyang ipagtabuyan! Dahil sa'yo! Dahil nakita ko kayo! I saw it when you kissed her! At nasaktan ako ng labis dahil doon!" sigaw din niya dito. "Wayne! Tama na 'yan!" awat ni Miguel dito. Saka pilit na nilayo ito sa kanya, inayos niya ang nagusot na t-shirt. "Kung alam ko lang na sasaktan mo siya. Hindi na lang ako pumayag na itigil ang panliligaw sa kanya. Hindi na lang sana ako nagparaya." mahinahon ng sabi nito. Natigilan siya. "What?" "Mali ang nakita mo, Jefti. Yes, I intend to kiss her that day. Pero umiwas siya. Niyakap n'ya ko dahil sinabi niya sa akin na ikaw ang mahal niya at hindi niya kayang magmahal ng iba. Isang yakap ng magkaibigan." Pagtatapat nito. Pakiramdam ni Jefti ay para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Natakpan niya ng isang kamay ang mga mata niya, sabay hilamos ng palad niya sa mukha niya. Gusto niyang isumpa ang sarili, lalo niyang naramdaman ang katangahan niya. Ang basta na lang niya paghusga sa mga nakita niya. "Bakit hindi mo sinabi agad?" galit na tanong niya dito. "I tried! But you won't listen! Noong gabing naglasing ka ng husto, sinabi ko sa'yong may sasabihin ako sa'yo pero hindi mo ako pinakinggan!" sagot nito. "Totoo ba?" Nanlaki ang mata niya nang sa paglingon niya ay nakita niya si Sam na nakatayo malapit sa pintuan. May mga luha sa mga mata nito. Base sa itsura nito, alam niyang narinig nito ang mga palitan nila ng salita ni Wayne. "Sam, I..." "Totoo ba!" sigaw nito. Napapikit siya. Saka napilitang tumango. Dahan-dahan itong lumapit sa kanya, saka siya nito binigyan ng isang malakas na sampal. "Wala kang kuwentang kaibigan!" galit na galit na wika nito. Pagkatapos ay tumakbo ito pababa. "Sam, wait!" habol niya dito. Hindi sigurado si Jefti kung mapapatawad pa siya nito sa nagawa niya. Pero susubukan niya, kapag hindi siya nito pinatawad. Susubukan ulit niya. Kahit na maghintay siya habang buhay, gagawin niya. Mapatawad lang siya nito. Bumalik lang ito sa buhay niya. WALANG patid ang pagpatak ng luha ni Samantha. Hindi niya matanggap ang lahat ng narinig niya. Sinadya siyang saktan nito at ipagtabuyan palayo dahil lang sa isang maling akala. Napahinto siya sa tapat ng malaking puno ng mangga, at doon napakapit siya at saka umiyak ng umiyak. Pakiramdam niya ay parang pinaninikipan siya ng dibdib. Napuno ng galit ang dibdib niya. Pinagmukha siyang tanga nito. Wala na siyang pakialam kung may mga nakakakita man sa kanya. Basta siya, nasasaktan at kagagawan lahat iyon ni Jefti. Maraming puwedeng gumawa niyon sa kanya, bakit ito pa? "Sam!" "Lumayo ka sa akin!" pagtataboy niya dito. "Please, let me explain." Pakiusap nito. Hinarap niya ito. "Sige, Jefti. Subukan mong ipaliwanag lahat!" "Nasaktan ako ng husto ng makita ko kayo sa loob ng kotse ni Wayne. Akala ko, sinagot mo na siya. At sumama ang loob ko. I've been your bestfriend eversince we can remember. And half of it, I'm loving you more than just your bestfriend. Sa tuwing nagkaka-boyfriend ka, o nakikipag-date ka. Wala kang alam kung gaano kasakit sa akin 'yon. And damn! It's killing me deep inside! Pero nagtiis ako. Dahil sabi ko, kahit hindi mo ako mahalin. Okay lang. Ang importante, nasa tabi pa rin kita. Ayos na sa akin 'yun. Pero lately, hindi ko na mapigilan ang sarili ko. I wanted to tell you how much I love you, but I don't know how." "Kaya pinilit kitang makipagpustahan sa akin sa billiard. Alam kong mananalo ako. My original plan was, ako mismo ang magpi-prinsita para maka-date mo. But Wayne came in, hindi ko alam na interesado siya sa'yo. At wala na akong nagawa kung hindi magparaya. Gusto kong bawiin ang ginawa ko, pero naduwag ako. Hanggang sa nakita ko nga ang eksenang iyon na hindi ko kinaya. Nasaktan ako ng husto. Hindi ko matanggap na sa kabila ng pagsisikap ko para mapansin mo ang pagmamahal ko sa'yo. Iba pa rin ang nakikita mo. Gusto kong umamin sa'yo na mahal kita. Pero natakot ako sa maaari mong maging reaksiyon." Lalo siyang naiyak sa mga nalaman niya. "Kaya mo ako pinagtabuyan? Tinapon na parang basura? Nasaktan ka, kaya sinaktan mo din ako? Gusto kong matuwa sa lahat ng sinabi mo. Gusto kong ipagpasalamat na pareho pala tayo ng nararamdaman. Pero paano? Kung naunang tumambad sa harapan ko ang katotohanang pinaglaruan mo pala ako. Ginawang tanga. Iyong pustahan na inakala kong laro lang. Ang biglaan mong pagtalikod sa akin. Ang saktan ako ng sadya, para lang makapagparaya ka? Hindi ko matatanggap 'yon. Dahil noon pa, kahit kailan, wala akong ibang naging priority kung hindi ikaw. Ang friendship natin, at ang pagmamahal ko sa'yo." Lumuluhang lumapit ito sa kanya, saka nito hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "I'm sorry, I'm so sorry. Hindi ko sinasadyang maging ganito lahat. Hindi ko alam. Patawarin mo ako." Pagmamakaawa pa nito. "Huli na ang lahat, Jefti. Nasaktan na ako ng sobra. Tinapon mo na ang lahat ng taon na pinagsamahan natin." At sa bawat salitang binibitiwan niya. Pakiramdam ni Sam ay parang minamaso ang dibdib niya. Gusto niyang patawarin ito. Gusto niyang maging masaya sa nalaman niya na mahal din pala siya nito. Ngunit, puro hinanakit ang laman ng puso niya ngayon. "Kung sana'y hindi ka nagpadaig sa takot. Kung naging matapang ka lang sana sa pagsabi sa akin ng katotohanan. Hindi sana aabot sa ganito. Wala sanang masasaktan at iiyak." Sabi niya. Hinawakan niya ito sa magkabilang braso, saka niya binaba ang mga kamay nitong nasa mukha niya. "Samantha, please..." "Pabayaan mo muna ako, Jefti." Pabulong na sabi niya, sabay talikod. Hindi pa siya nakakahakbang palayo, ngunit pinigilan siya nito. Niyakap siya nito mula sa likuran. "Please, forgive me. I love you, Sam." Napapikit siya. Saka pilit na kumalas mula sa pagkakayakap nito. At sa bawat hakbang niya palayo. Parang may tumatarak na punyal sa puso niya. How can this love be so painful? Napakaraming sana. Sana noon pa ito umamin sa nararamdaman nito. Sana hindi ito nagpadaig sa takot. Sana noon pa niya na-realize na mahal niya ito. Sana hindi na lang nangyari ang lahat ng ito. Gusto niyang balikan ito, at yakapin ng mahigpit. Hanggang sa mga sandaling iyon, walang nagbabago sa nararamdaman niya para kay Jefti. Mahal na mahal pa rin niya ito. Ngunit, mas nadadaig siya ng galit at pighati sa mga oras na iyon. Ang labis na lungkot, na tila unti-unting pumapatay sa kanya. Bakit ikaw pa ang gumawa ng ganito sa akin, Jefti? Pinaglaruan mo ang damdamin ko? Sinaktan mo ako. Iniwan mo ako sa ere. Sunod-sunod na tanong niya sa isip. Pagdating niya sa loob ng kuwarto niya. Dumapa siya sa kama. At doon binuhos ang lahat ng kanyang luha. Saka siya umusal ng maikling panalangin. "Lord, help me... ang sakit sakit na po..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD