Chapter Four

2134 Words
PAPUNTA na sila sa parking area mula sa hotel kung saan binaba ang lahat ng pasahero ng naturang yate. Doon din kasi nito pinarada ang kotse nito. That day was the best day of her life. Kahit na nabahiran ng lungkot ang araw na iyon, dahil sa magiging busy ito sa trabaho. Masaya pa rin siya dahil, they just had a wonderful and romantic dinner over cruise. "Ano? Nag-enjoy ka?" tanong nito. Tumango siya. "Oo naman." sagot niya, sabay sulyap sa kamay niyang hawak nito. Hindi na siya nagprotesta pa. Hinayaan na lang niya, dahil ayaw din naman niya ang ideyang bibitiwan siya nito. At gusto niya ang pakiramdam na nakakulong ang kamay niya sa kamay nito. She felt safe and totally secured. "Ganito ka ba ka-sweet sa mga babae mo?" pabirong tanong niya. Kunot-noong tinignan siya nito. Pagkatapos ay pinisil ang ilong niya. "Aray!" daing niya, sabay hampas sa kamay nito. "Kung makapagsabi ka ng "mga babae". Miss Samantha Lei Gonzales, for your information. Ikaw lang trinato ko ng ganito," pagmamayabang pa nito. Natawa siya. "Joke lang 'to naman," aniya. "Ikaw? Ilan na sa naging boyfriend mo ang gumawa sa'yo ng ganyan?" balik-tanong nito. Nagkibit-balikat siya. "Waley," sagot niya. Napailing ito habang natatawa. "Nahahawa ka na sa pananalita ni Olay ah?" Ngumisi lang siya dito. Habang naglalakad, bigla silang napahinto ng harangin sila ng tatlong lalaki. Pawang may kalakihan ang katawan ng mga ito at may dalang balisong ang isa. Nabalot siya bigla ng takot. Hinawakan ng mahigpit ni Jefti ang kamay niya, pagkatapos ay tinago siya nito sa likod ng matipunong katawan nito. "Jefti," bulong niya. "Halika na, umalis na tayo." Natatakot na wika niya. "Huwag kang lalayo sa akin. Diyan ka lang. Kapag sinugod nila ako, tumakbo ka agad, humingi ka ng tulong." Sa halip ay sabi nito. "Huwag ka ng lumaban. Baka kung mapaano ka pa." aniya. "I'll be fine." Wika nito, pagkatapos ay hinarap nito ang tatlong lalaki. "Ano bang gusto n'yo? Pera? Cellphone? Ibibigay namin sa inyo. Huwag n'yo lang kaming sasaktan." Sabi pa nito. Nagtawanan ang tatlo. Maging ang tunog ng tawa ng mga ito ay nakakatakot. Halatang mga halang talaga ang kaluluwa ng mga ito. "Mayroon pa bukod doon." Anang isa. "Ang kasama mo." Sabi naman ng isa. Nanlaki ang mata niya. Napayakap siya sa beywang ni Jefti ng mahigpit. Habang pinoproteksyunan naman siya ng mga braso nito. Nangilabot siya ng husto. Hindi siya papayag na mapunta sa tatlong demonyong iyon. "Pasensiya na, Pare. Pero hindi ko siya pwedeng ibigay sa'yo." Sagot ni Jefti. "Bakit hindi? Hihiramin lang namin s'ya." Sabi naman ng pangatlo. "Kunin n'yo na lahat nang pera ko, pati kotse ko kung gusto n'yo. Pero hindi ko puwedeng ibigay pati ang babaeng mahal ko!" sagot ni Jefti. Gulat na napalingon si Sam dito. Sa gitna ng panganib, biglang nabalot ng saya ang puso niya. Hindi niya alam kung tama ang narinig niya, o naghahalucinate lang siya dahil sa takot. Nang lumingon ito sa kanya at nagtama ang mga mata nila. Nakita niya ng malinaw ang pag-ibig nito para sa kanya. Gusto niyang lumundag sa saya. Tila pinawi niyon ang takot niya. "Ibigay mo sa amin ang babae!" sabi naman ng isa. Nagsimulang humakbang ang tatlong lalaki palapit sa kanila. "Dukutin mo 'yung cellphone ko sa likod ng bulsa ng pantalon ko. Sumimple ka ng tawag kay Miguel. Baka nandito pa 'yon sa paligid. Pindutin mo ang number one, tapos i-call mo. Makakarating na 'yung alarm code sa kanya. Alam na n'ya 'yon." Paliwanag nito sa kanya. Kahit na nginginig ang kamay at hindi naiintindihan ang sinasabi nito ay nagawa niyang sundin ang instructions nito. Nagulat siya ng biglang sumugod ang tatlo. "Takbo Sam!" sigaw ni Jefti, sabay suntok sa isa. Napatili siya. Hindi niya alam kung tatakbo siya. Ayaw niyang iwan si Jefti. Umagos ang luha niya, hindi niya hahayaan na mapahamak ito. Tumakbo siya palayo para humingi ng tulong, ngunit paglingon naman niya ay nakita niyang hinahabol na siya ng isa sa tatlo. "Tulungan n'yo kami!" sigaw niya ng malakas. "Tulungan n'yo kami!" Diyos ko, tulungan n'yo po kami. Iligtas mo po kami laban sa masasamang loob na ito! Dalangin niya sa sarili habang takot na takot. Napasigaw siya ng bigla siyang hablutin sa braso ng humahabol sa kanya. "Halika dito! Akala mo makakatakas ka ah?" sabi pa nito. "Bitiwan mo ako!" pagpiglas niya. Sabay igkas ng isang tuhod niya, kaya tinamaan ang nasa pagitan ng hita nito. Napaigik ito sa sakit kaya nabitawan siya nito. Nakahinga siya ng maluwag ng matanaw niya ang isang mobile patrol. Nakatayo sa labas ng sasakyan ang tatlong pulis. Mabilis niyang nilapitan ito. "Mamang Pulis! Tulungan n'yo po ako! May humahabol sa akin, iyong kasama ko, binubugbog nila!" nagpapanic na wika niya. "Nasaan?" tanong ng isang pulis. Agad na binunot ng tatlo ang baril nito. "Ayun po!" sagot niya, sabay turo sa kinaroroonan ni Jefti. Nagtangkang tumakbo ang isang humabol sa kanya, pero nahuli din ito. Pagdating nila sa kinaroroonan ni Jefti, nakabulagta na ang dalawang hold-uper. Naroon na rin si Miguel. Nagsaludo dito ang dalawang pulis na kasama niya dito. "Sir," anang isang pulis. "Dalin n'yo na sa presinto ang dalawang 'yan." Utos ni Miguel sa mga ito. "Tayo!" utos nito sa dalawa habang nakatutok ang baril nito. Mabilis na nilapitan ni Sam si Jefti na nakasandal sa isang kotse at humihingal. Agad niyang hinawakan ang mukha nito. Namumula ang kaliwang bahagi ng gilid ng mata nito, bukod pa ang putok sa labi nito at nagdudugo. "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya. Tumango ito. "Don't worry, I'll be fine." Sagot nito. "Ano bang you'll be fine? Eh hayan at bangas ang mukha mo!" singhal pa niya dito. Pumalatak ito, saka umiling. "Grabe ka, ako na nga nabugbog sinisigawan mo pa ako." Pagdadrama nito. "Ewan sa'yo. Pasalamat ka, dumating agad si Miguel." Aniya. Binalingan niya ang huli. "Buti dumating ka agad." Aniya dito. "Natanggap ko kasi agad ang code na kailangan ni Jefti ng tulong." Sabi nito. "Anong code?" tanong nito. "Kapag dinaial 'yung number one, automatic 'yun magda-dial sa number ni Miguel. Pagkatapos may matatanggap siyang code. Alam na n'ya 'yon." Paliwanag ni Jefti. "Ang importante ligtas ka," sabi niya. "Maiwan ko na muna kayo, susunod ako sa presinto. Umuwi na kayo, ako ng bahala dito." ani Miguel. "Thanks Pinsan," sabi ni Jefti dito. Nagyakap pa ang dalawa. "Wala 'yon," sagot nito. Nang makaalis na si Miguel. Nagulat si Sam nang bigla siyang niyakap ni Jefti ng mahigpit. Gumanti naman siya ng yakap. "Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito. Tumango siya. "Oo, kaya lang natakot ako. Baka kasi kung anong gawin nila sa atin." Sagot niya. "Hindi papayagan ng Diyos na mapahamak tayo." Wika nito. "I know. Thank you, best. For saving my life." Aniya. "Hindi ako papayag na mawala ka sa akin, Sam. And I'll do anything just to make sure you're safe. Kahit na ang katumbas niyon ay buhay ko." Sabi pa nito. "Pengkum ka talaga, tumahimik ka nga!" saway niya dito, bahagya niyang hinampas ang likod nito. Nang bumitiw na ito. Hinaplos nito ang pisngi niya. "God! Natakot din ako doon! Akala ko mawawala ka na sa akin," sabi nito. Then, he kissed her in the forehead. Napapikit siya. Gusto niyang itanong dito kung totoo ba ang sinabi nito kanina na mahal siya nito. Maaari, pero bilang isang matalik na kaibigan. Ngunit may kung anong pag-asa ang nasa puso niya na sana'y higit pa doon ang ibig nitong sabihin. "Jefti, 'yong sa—" "Ang mabuti pa, umuwi na tayo. Para makapagpahinga na. Lalo na ikaw," putol nito sa sinasabi niya. "Okay," usal niya. Hindi na niya sinubukan pang ungkatin pa iyon. Marahil, nabigla lang ito sa sinabi nito. O dala ng nakaambang panganib kaya nito nasabi iyon.  "GANDA naman ng anak ko," puri sa kanya ng Mama niya, pagbaba niya galing sa silid niya. "Thanks, Ma." Sagot ni Sam. "Eh saan ba ang lakad mo Samantha? May date ba kayo ni Jefti?" tanong nito. Napalingon siya dahil sa huling tanong ng Mama niya. "Jefti? Ma, bestfriend ko po iyon. Bakit naman kami magde-date no'n?" pagtatama niya dito. Pabirong ngumiwi ito. "Sigurado ka?" tanong ulit nito. Naumid ang dila niya. Bumuka ang bibig niya, pero wala naman lumabas na salita doon. Bakit bigla siyang hindi naging sigurado sa pagkakaibigan nila? "O-oo naman po." Kandautal na sagot niya dito. Napailing ang Mama niya, saka tumingin sa kanya. "Anak, papunta ka pa lang. Nakabalik na ako, nakaliko na pa nga eh. Akala mo ba hindi ko kayo na-oobserbahan dalawa? Kitang kita sa mga mata n'yo ni Jefti na may gusto kayo sa isa't isa." Anang Mama niya. "Mama! Hindi po." Mabilis na tanggi niya. "Umamin ka nga sa akin, Samantha. Ikaw ba kahit kailan hindi mo man lang ba nakita iyang si Jefti nang higit sa isang kaibigan? Hindi man lang ba bumibilis ang t***k ng puso mo kapag nandiyan ka? O parang may paruparo sa tyan mo?" usisa pa nito. Nakagat ni Sam ang labi niya. Hindi siya maaaring magkamali, ganon na ganon ang nararamdaman niya lately kapag nariyan sa tabi niya si Jefti. Huminga siya ng malalim. May kung anong pangalan ng damdamin ang nabubuo sa kanya isip. Mabilis niyang pinalis iyon. Hindi puwede. Mag-bestfriend sila. Iyon lang sila dapat. At kung mangyari man na maging higit doon ang turing niya dito. Alam niyang, hindi sila pareho ng damdamin. Hindi nga ba't sinabi nito sa kanya na hindi ang tipo niya ang type nito. Masakit ngunit totoo. "Mama, wala pong ganoon." Tanggi niya. Bumuntong hininga ang Mama niya. "Sayang naman kung ganon, boto pa naman ako kay Jefti. Bukod sa guwapo, mabait na bata pa." puri nito dito. Ngumiti lang siya sa Ina. "Eh teka, kung hindi si Jefti ang kasama mo. Sino?" tanong ulit nito. Sasagot pa lang sana siya, nang marinig niya ang boses ni Wayne na tinatawag siya. Napakunot-noo ang Mama niya, saka sumilip ito sa pintuan at tignan ito. "Si Wayne?" baling nito sa kanya. Tumango siya. "Ay siya, papasukin mo." Anito. Pinapasok siya nito sa loob ng bahay nila. Magalang naman na bumati ito sa Mama niya at sa Papa niya na noon ay kabababa lang mula sa silid ng mga ito. "Magandang gabi po," magalang na pagbati ni Wayne sa mga magulang niya. "O, Wayne. Ikaw pala 'yan. Maupo ka." Anyaya ng Papa niya. "Maraming Salamat po." Anito, saka umupo sa katapat na bakanteng single sofa. "Anong sadya mo?" tanong ng Papa niya. Nagkatinginan sila ng Mama niya na abala pa rin sa pananahi ng kurtina. Tumingin pa si Wayne sa kanya, saka ngumiti. Pagkatapos ay muling tumingin sa Papa niya. "Gusto ko lang po na pormal na magpaalam sa inyo, Mang Arnel. Gusto ko po sanang manligaw kay Sam. Saka po, kung ayos lang sa inyo na imbitahan ko siya ngayon gabi na lumabas." Walang gatol na sabi nito. Nanlaki ang mata niya, saka mabilis na napalingon kay Wayne. Ano bang sinasabi nitong lalaking ito? Lagot! Paano na si— Bahagyang binaba ng Papa niya ang suot nitong salamin sa mata. Saka tumingin dito ng seryoso. Tila sinusuri nito ang tunay na intensiyon ni Wayne sa kanya, pagkatapos ay tumingin ito sa kanya. "Walang problema sa akin kung manliligaw ka dito sa anak ko. Kilala naman kita, pati ang pamilya mo. Alam ko naman na disiplinado kayong pinalaki ni Ka Badong. Kaya lang, itong dalaga ko ang tanungin mo." Anang Papa niya. Tumingin ito sa kanya. Alanganin siyang napangiti dito. Hindi kasi niya alam kung paano ito tatanggihan. Ayaw naman kasi niyang ipahiya ito sa harap ng mga magulang niya. Hindi rin naman kasi niya inaasahan na sasabihin nito iyon. Buong akala niya, ipagpapaalam lang siya nito para sa date na iyon. "Samantha, hindi ka na kumibo diyan." Puna sa kanya ng Papa niya. "Uhm, ano po. Ah, sige, ayos lang." sagot niya. Nakitang lumiwanag ang mukha nito. Jusme! Ano ba 'tong nangyayari? Pahamak talaga 'tong si Jefti! "Thank you, Sam! Thank you so much!" masayang wika nito Tumango ang Papa niya. "O sige na, kung aalis kayo. Umalis na't baka gabihin pa kayo masyado." Anito. "Sige po, maraming salamat po ulit." Sabi pa ni Wayne. "Walang anuman." Sagot ng Papa niya. Bumaling ito sa kanya. "Let's go?" tanong nito sa kanya. "Sige," sagot niya. Matapos nilang magpaalam sa mga magulang niya ay lumabas na rin sila ni Wayne. Sa tapat ng gate nila ay nakaparada ang magarang sasakyan nito. Bago siya sumakay ng kotse, lumingon muna siya sa loob ng Jefti's. Kitang kita niya sa loob ng Restaurant si Jefti, tila wala sa sarili at malalim ang iniisip. Sumikdo ang puso niya ng lumingon ito sa gawi nila. Ngumiti siya dito. Isang simpleng tango at kaway lang ang naging sagot nito. Pagkatapos ay tumayo ito at pumasok sa loob ng pribadong opisina nito na naroon din sa loob ng Restaurant. Lihim siyang nalungkot sa ginawa nito. "Sakay na," sabi ni Wayne. Napakurap siya, saka tumingin dito. "Ah, Oo. Pasensiya na, suplado ng pinsan mo eh." Pabiro na lang niyang sabi, na ang tinutukoy ay si Jefti. Habang lulan ng sasakyan. Pilit niyang binaling ang atensiyon niya sa mga kuwento ni Wayne. Kahit na ang puso niya ay hinahanap ang presensiya ni Jefti. Hindi niya sigurado kung alam nito ang ginawang pagpaalam ni Wayne sa mga magulang niya na panliligaw sa kanya. Ngunit, ramdam niya na may alam ito. Na siyang dahilan kung bakit tila binalewala siya nito. Bakit ako nasasaktan? Wala akong karapatan na masaktan. Mag-bestfriend lang kami. Pangungumbinsi pa niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD