Chapter 3 – Bad Day

1960 Words
Napasapo ako sa ulo habang naroon sa conference room para sa meeting na ipinatawag ni sir Val. Kanina pa kasi ang palitan namin ng mensahe ni tita Alicia, ang mommy ni Gio. Pinipilit niya akong dumalo sa birthday party niya. Naiiling na inilapag ko ang cellphone sa mesa at sinulyapan ang boss ko. Mukhang masayang masaya siya dahil sa deal na nakuha namin kay Walter. Sigurado akong sikat na naman siya sa management. “Everyone, let us congratulate Loraine! Siya ang nagkumbinse kay Mr. Werner sa pinakamalaking deal natin ngayong month!” puri sa akin ni sir Val. Nakangiting nagpalakpakan ang mga kasamahan ko sa opisina. Ang ilan ay kinantyawan ako samantalang si Mary ay nakataas ang kilay na sinulyapan ako. Ni hindi niya itinago ang pagkadismaya sa papuri sa akin ng boss namin. Sa aming dalawa, parang siya yata ang hindi pa nakaka-move on. Natapos ang pa-meeting ni sir Val ay halos uwian na. Pagkalabas namin sa conference room ay namataan ko agad si Jean sa pwesto ko at naghihintay. Abala siya sa cellphone niya at malawak ang ngiti. Mukhang kausap na naman niya si Eddie. “Sa una lang ‘yan sweet,” bungad na pang-aasar ko sa kaniya. Agad naman siyang napasimangot pagkarinig sa sinabi ko. “Hoy! Consistent si Eddie sa mga chats niya sa akin! Inggit ka lang diyan eh!” Natawa lang ako sa patola kong kaibigan. Dinampot ko ang mga gamit sa desk at magkasabay na kaming naglakad palabas ng building. “Kumusta ba si Walter? Hindi ka na ba tinawagan?” biglang usisa niya. Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya. “Hindi! At bakit naman siya tatawag?” Hindi ko na sa kaniya ikinwento ang mga sinabi sa akin ni Walter pati na rin ang nangyari noong isang araw sa car show. Hindi ko alam kung bakit, pero napapagod na ako magkwento. Parang ayaw ko na lang pag-usapan ang mga nangyayari sa buhay ko. “Girl, sayang naman! Akala ko pa naman type ka,” aniya. Natigil kami ni Jean sa pag-uusap nang may tumawag sa pangalan ko. Kahit hindi ako lumingon ay nakilala ko ang boses ni Gio. Ito ang unang pagkakataon na nilapitan niya ako matapos kaming maghiwalay. Nilingon ko siya at hinintay ang kaniyang sasabihin. “Mom asked me to give you this.” Inabot sa akin ni Gio ang isang card. Tiningnan ko iyon at nakita kong invitation iyon para sa paparating na birthday ng kaniyang mommy. “Gio, I don't think I should go to this party,” sagot ko. Humalukipkip naman si Jean na hindi itinago ang pagka-irita sa lalaking kaharap namin. “Si mommy ang may gusto na pumunta ka. You know how much she likes you. Inutusan lang niya ako,” paliwanag ni Gio. “Okay. Pero hindi ko maiipangakong pupunta ako,” sagot ko. Inabot ko ang invitation at mabilis na tumalikod. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya lalo pa at namataan ko si Mary na papalapit sa pwesto namin. Nagpatuloy na lang kami ni Jean sa palabas ng opisina. “So, invited ka sa birthday ni tita Alicia?” tanong niya noong nasa hintayan na kami ng sasakyan. “Oo,” walang-buhay na sagot ko. Mabait ang mga magulang ni Gio, lalo na ang mommy niya. Napakabuti ng pakikitungo nila sa akin at naging malapit na kami sa isa’t-isa. Sa lahat ng okasyon ay kasama nila ako noon. Nakarating sa akin na tahasang ipinapamukha ni tita Alicia ang disgusto niya kay Mary ngayon. Ang totoo, palagi pa ring nagpapadala ng mga messages sa akin ang ginang. Hindi pa umano siya nawawalan ng pag-asa na magkakabalikan kami ni Gio. Hindi ko lang sa kaniya masabi na wala na akong balak makipagbalikan sa anak niya matapos ang ginawa nitong panloloko sa akin. “Oh? Pupunta ka? Ano ka doon? As a friend?” nakakalokong tanong ni Jean. “Sabi ko nga hindi ako pupunta! Kalokohan naman kung nandoon ako, magmumukha pa akong desperada!” tanggi ko agad. Ang sakit sa ulo ni Gio! Sana siya na lang ang nagpaliwanag sa mommy niyang hindi na ako dapat nagpupunta sa mga okasyon ng pamilya niya. Para ano pa? Lalo lang magiging issue, at sa huli naman ay ako ang talo. Bakit nga ba ganito ang sitwasyon ko? Ako na iyong niloko, pero ako pa ang lumalabas na kontrabida sa kasiyahan ni Gio at Mary? “Mabuti naman kung ganoon! Pakiramdam ko hindi pa move-on ‘yang si Gio eh!” sagot pa ni Jean. “Ano ka ba? Baka may makarinig sa ‘yo dito!” saway ko sa kaniya. “Syanga pala, samahan mo ako bukas sa talyer ha!” Biglang napasimangot si Jean sa akin. “Sabi ko naman sa ‘yo ibenta mo na ang sasakyan na ‘yon! Always na lang sira, girl!” Sa ilang taon na pagtatrabaho ko ay nakabili ako ng sasakyan. Mura ko lang iyon nabili dahil lumang modelo na. Ibinenta iyon ng katrabaho namin na magpapalit ng unit. Ang kaso, nitong mga nakaraang buwan, halos palagi iyong sira. Kaya naman pakiramdam ko ay lalong dumami ang problema ko. Pera na naman ang kailangan ko sa pagpapaayos noon. Minsan iniisip ko na talagang ibenta ang sasakyan dahil sa laki ng gastos ko sa tuwing nasisira. KINABUKASAN ay maaga akong naghanda para puntahan ang sasakyan sa talyer. Sinamahan naman ako ni Jean dahil plano naming mamasyal pagkatapos. Maliit lang ang pinuntahan naming talyer, may mga listahan ng pyesa na ibinigay sa akin ang mekanikong kausap ko. Ang kaso ay wala pala silang tinda na pyesa kaya ako ang kailangang bumili noon. May dala pa akong ilang parts noong sasakyan para daw hindi magkamali ng bigay sa akin sa tindahan. Ang init at talagang matinding abala ang magpaayos ng sasakyan. “Ibenta mo na girl at mag-commute na lang tayo araw-araw! Mas malaki pa yata ang nagagastos mo pagpapaayos niyan kumpara sa pamasahe kung commute tayo eh!” baling sa akin ni Jean habang nasa bilihan kami ng pyesa. Inaambagan niya ako sa gas at ilang pa-maintenance ng sasakyan kahit hindi ako humihingi. Madalas kaming magkasabay pumasok, kaya nag-aabot na din siya. “Pinag-iisipan ko na rin ‘yan. Hintayin ko lang maayos at ibebenta ko na. Sumasakit na ang ulo ko. Hindi na tumino ang sasakyang ‘yon. Napamahal na lang kasi talaga sa akin kaya nag-aalangan akong ibenta,” paliwanag ko. Totoo namang sa tuwing naiisipan kong ibenta ang sasakyan ay nakakaramdam ako ng lungkot. “Hay ewan ko sa ‘yo! Ayan na nga at napapamahal ka na! Napamahal ka na kabibili ng pyesa!” Hindi na ako nagsalita dahil tama naman si Jean. Binalingan ko ang isang lalaki at inabot ang listahan ng pyesa na kailangan ko. “Kuya, mga magkano kaya ang aabutin niyan?” nag-aalalang tanong ko. “May sukli pa ang anim na libo mo dito, ate,” sagot naman niya. Napapikit ako sa narinig. Anim na libo? Eh kakapaayos ko lang nito last month at limang libo din ang inabot noon! Tapos babayad pa ako sa labor ngayon. Nakakainit lalo ng ulo! “Oh, ayan na nga ba! Anim na libo? Plus, labor fee pa! Alam mo Loraine may car repair shop daw si Walter. Doon mo kaya ipa-check after? Malay mo doon magtino yan! Sabi ni Eddie ay magagaling ang mekaniko doon. Kung saan saang pucho puchong mekaniko mo kasi ‘yan dinadala eh! Kaya siguro lalong nasisira! Malay mo kina papa Walter magtino at maka-discount ka pa. Tanungin ko ba si Eddie?” mahabang litanya ni Jean. Lalo akong nainis pagkarinig sa pangalan ng lalaki. “Ano? Bakit naman pupunta pa ako sa car repair shop niya? Di ka maka-move on sa Walter na ‘yon eh ang sama-sama naman ng ugali non!” hindi ko na napigilang sabihin. Bunsod na rin siguro sa init ng ulo ko dahil sa panibagong kagastusan. Napatingin naman sa akin ang mga tao sa shop na iyon pero hindi ko sila pinansin. Nagulat naman si Jean sa sinabi ko. “Ha? May nangyari ba sa inyo? Akala ko ba, okay naman kayo? Inaway ka ba niya?” “Anong okay? Ang sama ng ugali niyang friend ng boyfriend mo sa totoo lang! Kaya mag-ingat ka diyan kay Eddie ha! Baka mamaya may itinatago din ‘yang sama ng ugali!” “Mabait si Eddie!” pagtatanggol agad ni Jean sa boyfriend. “Mabuti kung ganoon! Pero ‘yang si Walter, siya na yata ang pinakamasamang ugaling lalaking nakilala ko sa balat ng lupa!” hindi ko na napigilan ang bibig. Napansin ko namang nakanganga at nanlalaki ang mga mata ni Jean pero hindi siya sa akin nakatingin. Ang mga mata niya ay nakatuon sa bandang likod ko habang patuloy ako sa pagsasalita. Hindi na siya nakatiis at kinalabit ako kaya natigilan ako. “Ano ba ‘yon?” inis na tanong ko sabay lingon sa likod. Napanganga din ako pagkakita kay Walter na nakatayo sa likod ko. Napakurap kurap pa ako. Si Walter ba talaga ito? Bakit siya nandito? Sa kaniya din ba ang shop na ito? Magkasalubong naman ang kilay niya habang nakamasid sa akin at halata ang pinipigil na galit. “Talking about me?” mapanganib na tanong niya. Iniwasan ko naman siyang tingnan nang mapagtantong siya nga si Walter. “Kuya! Yong binibili ko asan na ba?” sigaw ko sa mga tauhan ng shop na naroon. Ngunit ang lalaking kausap ko kanina ay hindi ko na mamataan. “Miss, nakuha pa ng stock. Pakihintay na lang,” baling naman sa akin ng isa pang lalaki. Kabadong sinulyapan niya din ako at si Walter. “You love ruining my day, don't you? How come I keep running into you?” makahulogan na tanong ni Walter na noon ay naroon na sa tabi ko. “Aba ewan ko! Kung alam kong nandito ka ay hindi na lang ako pupunta dito!” pagtataray ko para maitago ang takot kaya napatingin sa amin ang ilang naroroon. “Then why are you here talking dirty about me? Alam ko na ang trick na ‘yan! As I told you, I have no intention of contacting you again.” Napasinghap si Jean sa narinig at ako naman ay nag-init ang pisngi sa hiya. Agad din ang pag-ahon ng inis ko sa sinabi niya sa harapan pa ng kaibigan ko. “Hindi mo ba ako narinig kanina? Bumibili ako ng pyesa! Ang kapal ng mukha mong mag-assume na ikaw ang pinuntahan ko dito! Ni hindi ko alam na nandito ka!” Wala na akong pakialam kung ang lakas ng boses ko sa galit. “Tss! What a desperate woman,” bulong niya pero sapat para marinig ko. Hindi na ako nakasagot dahil walang ano mang pumasok siya sa loob ng shop. Kung pwede lang sundan ko siya sa loob at suntukin ay gagawin ko! Nang wala na sa paningin namin si Walter ay saka lang si Jean tila nakahinga ng maluwag. “Girl, hindi mo sinabi sa akin, magkaaway pala kayo? Kaniya din kaya ang shop na ito? Sabi ni Eddie ay hobby lang niya ang sasakyan at iba ang business niya.” “Wala akong pakialam!” singhal ko na rin kay Jean na napamulagat sa akin. Nang iabot sa akin ng lalaki ang mga binibili kong pyesa ay mabilis kong hinablot iyon at tumalikod. Sa dinami-dami naman ng makikita, ang Walter pa na ‘yon! Lalong nakakapag-init ng ulo! “Oy miss, bayad n’yo ho!” tawag sa akin ng lalaki kaya natigil ako sa paglalakad. Oo nga pala! Nakalimutan ko na magbayad! Paglingon ko ay pinagtitinginan na ako ng mga tao at kasama na doon si Walter na mukhang nag-e-enjoy sa pagkapahiya ko. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha. Nakakainis talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD