Frailties of a Woman

2108 Words
“Talitha, are you okay?” nag-aalalang tanong ni Dorcas sa kaibigan. Nasa loob sila ng ladies’ room ngayon dahil kinailangan niyang samahan ang kaniyang kaibigan dahil sa sunod-sunod na pagsusuka nito. Kung bakit kasi napadami pa rin ang nainom nitong alak kahit ilang beses pa niya itong sinaway. Hindi makasagot si Talitha. Putlang-putla ito at tila nanghihina. Hindi nakatulong ang marahan niyang paghagpos sa likod nito. “I guess we need to go home. Ikaw kasi, bakit ba ang tigas ng ulo mo? Para kang lalaki kung uminom,” inis na sabi niya habang inilalagay sa sariling balikat ang isang braso ng kaibigan. Hindi nito kayang maglakad mag-isa kung kaya kailangan niya itong alalayan. Wala namang kibong sumunod lang si Talitha. Dinampot niya ang sling bag ng kaibigan at kahit kapwa nahihirapan ay paika-ika silang lumabas ng ladies’ room. Medyo mahaba ang pasilyong nilakad nilang dalawa upang makalabas sa pribadong lugar na iyon. Pagtapat nila sa men's room ay tiyempo namang may tatlong lalaki na nakatambay sa pinto. Agad niyang namukhaan ang mga ito. Ito ang grupo ng mga lalaki na katabi nila ng table at nahuli niyang nakatitig sa kanila ni Talitha. Pulos guwapo, makikinis at maaayos ang mga damit palatandaang may sinasabi sa buhay. Ang may mahabang buhok ang pinakaguwapo at pinakamatangkad sa tatlo. Ang isa naman ay medyo chubby ngunit may itsura rin. Ang isa naman ay medyo maliit at payat at may mohawk na hair style. Sinadya kaya ng mga ito na tumambay sa parteng ito upang makita ang lasing nilang itsura at kung gaano sila kamiserable? Puwes, nagkamali sila. Dahil si Talitha lang ang lasing at hindi siya. Parang nakakalokong ngumisi ang mga ito pagkakita sa kanila. Makahulugan ang mga palitan ng sulyap sa isa’t isa. “Need help? Mukhang lasing na lasing ang kasama mo, ah.” magaspang na bati sa kanya ng long hair. Guwapo nga ito ngunit bastos kung makatitig. Lumipat ang mga mata nito kay Talitha. “Hi, baby.” “Hi,” mapanuksong tugon naman ni Talitha. Nainis si Dorcas sa malanding sagot ng kaibigan. “No, thanks,” pormal na tugon niya. Binilisan niya ang hakbang hanggang halos makaladkad na niya si Talitha. “Friendship, ano ba? Nagmamagandang-loob lang naman iyong tao,” tutol ni Talitha na tila hindi nagustuhan ang pagmamadali niyang makaalis na agad sa lugar na iyon. “Shut up, Talitha. Binabastos na tayo pero hindi ka pa rin nakakahalata?” gigil na sabi niya. Ngunit sinundan sila ng lalaking nagsalita at maagap na iniharang ang katawan sa kanilang dalawa. Nasa likuran naman nila ni Talitha ang dalawa pa nitong kasama na kapwa nagtatawanan. “Ang suplada mo, ah. Akala mo kung sino kang mahinhin.” Matalim ang pagkakatitig nito sa kanya. Agad na nag-init ang mukha ni Dorcas. Ngunit kahit nakaramdam ng pagkainsulto sa ginawi ng mga lalaki ay pinili na lang niya na magsawalang-kibo. Wala siyang panahong makipag-away at higit na mas mahalaga ngayon ang makauwi sila alang-alang na rin sa kondisyon ni Talitha. “Just let us go,” mahinahong sabi niya. Tila walang narinig si long hair. Agad itong lumapit kay Talitha sabay hapit sa baywang nito. Kapwa nila hindi inaasahan ang kapangahasan ng lalaki. “Come with me, baby. I’m sure you want me to knock you up,” magaspang na sabi ng lalaki. “Bitiwan mo ako,” sigaw ni Talitha na tila biglang nawala ang kalasingan. Nagpipiglas ito ngunit lalo namang humigpit ang yakap dito ng lalaki. “Ow,come on. Nagpapakipot ka pa. I know your kind. Good girls don’t go to places like this.” Hindi na nakatiis si Dorcas. Hinila niya ang braso ng lalaki upang makawala sa pagkakayakap nito ang kaibigan. “Bitiwan mo ang kaibigan ko o tatawagin ko ang guard.” Ngunit parang walang narinig ang lalaki. Lalo nitong hinapit si Talitha at bago pa sila nakakilos ay mariin nitong hinalikan sa labi ang dalaga. Nagpipiglas si Talitha ngunit hindi pa rin ito makawala sa mahigpit na pagkakayakap sa kaniya. Tumagal ng ilang segundo ang halik na iyon. Lalo namang lumakas ang tawanan ng dalawa pang lalaki na tuwang-tuwa sa nangyayari. Pinagbabayo ni Dorcas ang likod at balikat ng lalaki ngunit tuloy pa rin ito sa ginagawa. Hanggang sa makaisip siya nang paraan upang makawala ang kaibigan. “Bite his lips, Talitha. Hard.” Agad naman iyong sinunod ni Talitha. Kinagat nito nang mariin ang pang-ibabang labi ni long hair. Nabitiwan ng lalaki si Talitha habang sapo ang nagdurugong bibig. Biglang natigil ang tawanan ng dalawang lalaki. “Richmond, are you okay?” nag-aalalang tanong ng isang medyo chubby. Ngunit hindi makasagot ang tinawag na Richmond. Hawak pa rin nito ang nagdurugong labi. Sinamantala naman nila ni Talitha ang pagkakataon. Magkahawak-kamay na tumakbo sila palayo sa lugar na iyon. Medyo mabuway ang mga tuhod at binti ni Talitha dahil sa kalasingan kung kaya kinailangan niyang alalayan ito hanggang makarating sila sa pinto ng bar. Tuloy-tuloy silang tumakbo papuntang exit ng bar. Agad niyang hinanap ang guard para magsumbong pero nakapagtatakang wala ito sa puwesto nito kanina. Kung ipatatawag naman niya ang manager ng bar ay baka matagalan pa sila kung kaya ipinasya niyang umalis na lang sila ni Talitha habang hindi pa naiisip ng grupo ni Richmond na sundan sila. “Let’s go home, Talitha,” sabi niya sabay hila muli sa kamay ng kaibigan. “We need to leave this place bago tayo tuluyang mapahamak.” Halos kaladkarin na niya si Talitha patungo sa parking area kung saan naroon ang kaniyang kotse. Medyo madilim at walang katao-tao sa parteng iyon. Matapos buksan ang pinto ng kotse ay hirap na ipinasok at iniupo ni Dorcas sa tabi ng driver’s seat si Talitha. Pagkuwa’y umikot siya upang buksan naman ang kabilang pinto ng sasakyan. Papasok na siya sa loob ng kotse nang biglang may naramdaman siya sa likuran niya. Awtomatiko siyang lumingon at agad na gumapang ang kilabot sa buo niyang pagkatao nang makitang hindi lang isa kundi tatlo ang nasa likuran niya. Si Richmond kasama ang dalawa pang kaibigan. Tila mga demonyong nakangisi ang mga ito. “K-kayo na naman? Ano ba talaga ang kailangan ninyo sa amin?” matapang na tanong niya ngunit ang totoo ay unti-unti na siyang iginugupo ng takot. Palihim niyang sinulyapan ang entrance ng Lightning bar sa pagbabakasakaling makita ang guard doon ngunit nakapagtatakang wala pa rin ito roon. Gusto niyang sumigaw upang makakuha ng atensyon ngunit alam niyang balewala lang iyon. Ilang metro ang layo nila mula sa bar at maingay sa loob. Imposible talagang may makarinig sa kanila ngayon. Dumukwang ang nahihintakutang si Talitha sa bintana ng kotse. “Come in, Dorcas. Let’s leave this place. Mga halang ang kaluluwa ng mga iyan.” “Hindi ba ang mga ganyan ang type mo, Richmond? Iyong mga palaban pero bumibigay din sa bandang huli? Mailap pero hayop kung makadaing sa kama?” panunukso ng isang may mohawk na hair style. Nakangising lumapit sa kaniya si Richmond habang pinapahid ng likod ng kamay ang dumudugo pa ring labi, malaswang nakatitig sa kaniya. “You’re right, dud. Pagkatapos ko kay tisay, ito naman ang isusunod ko.” Ramdam ni Dorcas ang panganib sa harap ng lalaking tila isang lobo na mambibiktima ng isang tupa. Gusto niyang tumakbo palayo rito pero hindi niya kayang iwan si Talitha sa kamay ng mga ito. “Mga bastos! Mga walanghiya!” gigil na sigaw niya. “Huwag na huwag mo akong hahawakan.” Dinuro niya si Richmond. “Binabalaan kita. Hindi mo ako kilala.” Sarkasikong tumawa si Richmond. “Of course I know you, Dorcas Vega. Anak ka ng isang laos na pulitiko sa bayang ito.” Mabilis na umakyat sa ulo ang dugo ni Dorcas sa narinig na pang-iinsulto sa kaniyang ama. Awtomatikong tumaas ang isang kamay niya upang padapuin sa pisngi ni Richmond. Ngunit mabilis nitong nahagip ang kamay niya. “Mukhang ako ang hindi mo kilala, babe. I am Richmond Zapanta, a millionaire’s son.” “To hell with who you are. Bitiwan mo ako at hayaan mo kaming makaalis dito,” nanginginig na sigaw niya. “Sure. Pero pagkatapos naming tatlo sa inyong magkaibigan.” Tumatawang binitiwan ni Richmond ang kamay niya pero nagbigay ng utos sa dalawang kasama. “Get her, Digz. She is yours, sa akin naman si tisay,” sabi nito kay chubby pagkuwa’y bumaling naman sa isa pang kasama. “At ikaw naman, Spike, paandarin mo na ang kotse natin nang makaalis na agad tayo rito. Three horny fuckers will celebrate tonight.” Halos sumabog ang utak ni Dorcas sa isiping nanganganib silang magkaibigan. At isang paraan lang ang naiisip niya ngayon. Nang tumalikod si Richmond ay mabilis niyang binuksan ang kaniyang sling bag at dinukot ang isang maliit na balisong sa loob nito. Nabili niya ang patalim na ito nang minsang pumunta sila ni Talitha sa Batangas. May habang tatlong pulgada ang talim nito. Lagi niya itong dala saan man siya pumunta bilang paghahanda sa mga ganitong pagkakataon. Mahigpit niya itong hinawakan at inihanda ang sarili sa susunod na mangyayari. Desidido siyang gamitin ito kung kinakailangan. Nakangising lumapit sa kanya si Digz. Punong-puno ng pagnanasa ang mga mata nito. Humigpit ang hawak niya sa kutsilyo. Umikot naman sa kotse si Richmond upang kunin si Talitha. Nang mabuksan ni Richmond ang pinto sa tapat ni Talitha ay sapilitan nitong hinablot mula sa loob ang naghihisteryang babae. Nagsisigaw at nagwala si Talitha ngunit wala pa rin kahit isang taong nakapansin sa kanila. “Tiba-tiba tayo sa mga ito. Mukhang sariwang-sariwa pa sila,” tumatawang sinunggaban naman siya ni Digz ngunit alam na niya ang gagawin. Mabilis na umigkas ang tuhod niya patungo sa pagitan ng hita nito. At dahil nakasuot siya ng jeans ay walang kahirap-hirap niya iyong nagawa. Sapul ito. Naglulundag at nagsisigaw ito dahil sa sakit. Siya namang dating ng kotse na minamaneho ni Spike. Kinaladkad ni Richmond si Talitha upang maisakay ito sa kotse. Hindi nag-aksaya ng oras si Dorcas. Tumakbo siya upang mabilis na makalapit sa dalawa. Dahil nakatalikod si Richmond at abala upang maisakay ang nagpipiglas na si Talitha ay hindi nito namalayan ang paglapit niya pagkatapos ay pikit-matang ibinaon niya sa tagiliran ng lalaki ang hawak niyang patalim. Napasigaw sa sakit si Richmond sabay bitaw kay Talitha. Duguan itong bumagsak sa lupa, nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa duguang patalim na hawak niya. Mabilis na napalabas ng kotse si Spike habang paika-ika namang lumapit si Digz. Kapwa hindi makapaniwala ang dalawang lalaki sa bilis ng mga pangyayari. Nakalarawan din sa mukha ni Talitha ang pagkabigla. Wala naman sa sarili na naihagis niya ang hawak na patalim. Ngunit saglit lang ang pagkabigla ni Dorcas. Agad niyang naisip na kailangan nilang magkaibigan na makalayo agad sa lugar na ito bago may makaalam ng ginawa niya. “Talitha, pasok sa kotse. Dali,” utos niya sa nakatulala pa ring kaibigan. Siya man ay agad ding pumasok ng sasakyan at agad na binuhay ang makina nito. “Dorcas…” nag-aalalang wika ni Talitha nang makaupo na sa tabi niya. “N-napuruhan mo yata…” “I know,” nangangatal niyang tugon pero pinipilit pa rin niyang pakalmahin ang sarili. Alam niyang hindi siya dapat magpadala sa takot sa mga oras na ito. Diniinan niya ang accelerator upang mabilis silang makalayo sa lugar na iyon. “Hindi ba’t dapat ay magsumbong tayo sa pulis?” “Ano’ng isusumbong natin? Na nakasaksak ako?” “Paano tayo, Dorcas?” mangiyak-ngiyak na tanong ni Talitha. “Ano’ng paano?” asik ni Dorcas. Gustong-gusto na niyang batukan ang nag-iinarteng kaibigan. Dahil sa kaartehan mo kaya nangyari ito? Gusto niyang isumbat kay Talitha ngunit iba ang lumabas sa bibig niya. “I just did the right thing, Talitha. That was self-defense. Kung hindi ko ginawa iyon, tayo sana ang napahamak.” Matatag niyang sabi kahit balot ng takot ang buo niyang katawan. Alam niyang simula ito ng mas lalo pang kapahamakan lalo na kung totoong anak-mayaman si Richmond Zapanta. “Paano kung napatay mo? Ano’ng gagawin natin?” “Sa ngayon ang gagawin natin ay manahimik. Sikreto natin itong dalawa. Magkasama tayo rito. Hinding-hindi nating ipapahamak ang isa’t-isa. Naiintindihan mo?” Tumahimik na lang si Talitha. Alam niyang katulad niya ay hindi rin ito makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Ngunit mas higit siya dahil mas malaki ang pananagutan niya sa eskandalong kinasangkutan. Ngayon ay hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng ginawa niyang pagtatanggol sa sarili at sa kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD