bc

Tears of the Unwanted Wife

book_age18+
525
FOLLOW
3.3K
READ
possessive
arranged marriage
self-improved
band
billionairess
drama
bxg
heavy
city
wife
like
intro-logo
Blurb

Blurb:

Unang nakilala ni Hailey si Schyn sa concert nito. Ginawa niya ang lahat para mapansin ng binata, na may nobya na noon. Dahil sa impluwensiya ng kanyang pamilya, ay napalapit naman siya rito. Kinaibigan at sa tuwing may tampuhan ito ng girlfriend niyang si Celine ay siya ang palaging takbuhan ng binata.

Mas lalong nahulog ang puso niya dahil sa ibinibigay na atensyon sa kanya ng huli. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nangyari sa kanila ng binata, habang lasing silang dalawa. At gusto ng kanyang ama ay maikasal silang dalawa.

Ayaw man ng binata ay napilitan pa rin ito dahil sa pamimilit ng kanyang pamilya at sa takot na masira ang pangalan sa media. Ngunit ang hindi inaasahan ni Hailey ay ang pagbabago ng ugali ni Schyn. Nagdadala na ito ng mga babae sa bahay nila at hindi na siya nito kinakausap.

Gulong-gulo sa mga pangyayari, lalo na at palagi siyang nakakarinig nang masamang salita sa fans ng dalawa. Makakaya kaya niyang paibigin sa kanya ang lalaki? O maghihintay na lang siya na ang puso naman niya ang mapagod sa pagmamahal dito?

chap-preview
Free preview
Prologue I:
•Third Person• Ungol sa kabilang kwarto ang nakapagpatigil kay Hailey na lumabas sa kanyang kwarto. Mapait siyang napangiti at bumalik sa pagkakahiga sa kanyang kama. Nasasaktan man ay wala siyang magawa kundi ang maghintay hanggang sa matapos ang asawa niya at ang babae nito sa kanilang ginagawa. Ilang beses na niya itong nararanasan, gusto niyang mag-sumbong sa kanyang ama. Ngunit ayaw naman niyang masira ang reputasyon ng asawa. Sikat itong idol kaya hindi pwedeng may lumabas na scandal nito, sa impluwensiya ng kanyang ama tiyak niyang babagsak ang kanyang asawa kapag kumilos ang kanyang ama. "Ahh, Scyhn, move faster," ungol ng babaeng katalik ng binata. Nakagat ng dalaga ang kanyang labi at itinakip sa kanyang mga mata ang kaliwa niyang braso. Gusto niyang palagyang ng soundproof ang kanilang kwarto para hindi niya marinig ang mga ungol sa kabila, ngunit naman siya pinagbigyan ng binata. Gusto nito na masaktan siya at mapagod para siya na mismo ang makipaghiwalay. Napaigtad siya nang tumunog ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng bedside table. Kinuha niya iyon at binasa ang mensaheng dumating. "Hindi ka sasama?" Si Kiel iyon, matalik niyang kaibigan noong nasa highschool pa lamang siya. Nag-aaya ang mga kaibigan niya na gumala pero nagdadalawang-isip siyang sumama dahil pamilyado na siyang tao. At baka magalit sa kanya si Schyn. Simula nang maikasal sila ni Schyn ay nangako na siya rito na bilang pambawi sa pagpapakasal sa kanya ng binata ay hindi na rin siya gagala. "Ewan ko, baka magalit si Schyn. Ayaw pa naman noon na lumalabas ako at baka makita raw ako ng mga paparazzi." Mabilis akong nagtipa ng mensahe at ipinasa iyon kay Kiel. Ilang oras lang ay tumatawag na nga ito. "Sama ka na, ngayon lang ako nakauwi, eh. Hindi mo ba ako nami-miss?" Napakagat-labi siya sa sinabi ng kaibigan. Galing itong America dahil sa negosyong inasikaso ng pamilya nito. "G*go ka, Kiel, babalik din naman tayo sa paaralan next month," natatawang bitiw nito ng mga salita. Nasa huling baitang na ang dalawa sa kolehiyo at masaya siya roon dahil matutulungan na niya ang pamilya sa pagtatakbo ng kanilang negosyo. "Pero sige sasama ako. Hintayin mo ako sa baba, bye!" Humina na ang ungol sa kabilang kwarto. Sa tingin niya ay malapit nang matapos ang dalawa. Kakatukin sana niya ang pinto ng si Schyn naman ang narinig niyang umuungol sa pangalan ng babae. Minsan naiisip niya kung ginagawa ba ito ng lalaki para inisin siya at maghiganti sa kanya, dahil sa naikulong niya ito sa sitwasyon na ito. Nanginginig ang kanyang buong katawan habang umaatras sa kwartong iyon. Hawak-hawak niha ang dibdib dahil sa mabilis na pagtibok nito, ilang ulit pa ba niyang hahayaan ang sarili na masaktan? Kailan pa kaya mapapagod ang puso niya na mahalin ang binata? Pinahid niya ang luha at bumaba na sa hagdan. Hindi na siya nagpaalam kay Schyn, dahil wala rin naman itong pakialam sa gagawin niya. — Thirty minutes lang ang hinintay niya at dumating na nga ang kaibigan. Suot nito ang ibinigay niyang t-shirt na nagbigay ngiti sa kanyang labi. Bumaba ito sa sasakyan at inalalayan ang dalaga papasok sa loob ng kotse. "Umiiyak ka na naman dahil sa lalaking iyon, Hailey?" tanong ni Kiel sa kaibigan, nang makita ang pamumugto ng mata ng babae. Hindi naman ito sumagot at nanatili lamang na nakatingin sa malayo. "You should learn to love yourself first, hon." Lumingon sa binata ang kaibigan. Walang ngiti sa labi nito at mukhang tutulo na rin ang luha sa mga mata nito. Mabilis na hininto ni Kiel ang sasakyan at niyakap ang dalaga nang mahigpit, wala pakialam kung mabasa man ang kanyang damit. "I'm sorry, Kiel. Naging mahina na naman ako," humihikbing usal nito sa binata. Nagsusumbong at naghahanap ng kakampi. "Pinipilit ko naman, eh, kaso ayaw makinig ng puso ko." Hinaplos ng huli ang kanyang likuran para pakalmahin siya sa pag-iyak, ngunit hindi naman siya nito pinipigilan kahit ramdam na nito ang pagkabasa ng kanyang balikat. "Hindi pa sa ngayon pero makikita niya rin ang halaga mo," madamdaming saad nito at inilayo sa kanya ang dalaga. Tiningnan niya ito sa mukha at tinuyo ang luhang dumadaloy roon. "Let's get drunk tonight, hon!" Sabay silang tumawa na dalawa nang tumango ang dalaga sa suhestiyon ng binata. Hindi na niya pipigilin ang sarili para naman kahit papano ay mawala ang sakit na kanyang nararamdaman. — Sa kabilang dako naman ay makikita ang nakangising si Schyn. Ayaw niya sa dalaga kaya ginagawa na niya ang lahat para palayasin ito sa pamamahay niya. Kinuha niya ang camera na may litrato ng dalawang taong nagyakapan sa loob ng sasakyan. "Isang maling galaw pa, Hailey, makakalaya rin ako sa kulungang pinagsidlan mo sa akin." Kanina pa niya sinusundan ang dalawa at hindi niya hahayaang matapos ang araw na ito na hindi siya makakuha nang dahilan para maghiwalay sila. "Kailangan ba natin silang sundan, babe? Doon na lang tayo sa kwarto." Napalingon ang binata sa babaeng katabi niya at hinawakan ang pisngi nito. Simula nang maghiwalay sila nang tuluyan ni Celine marami na siyang babae na dinadala sa bahay nila Hailey, at wala siyang pakialam kung masaktan man ang asawa. "Later, babe," usal niya at inangkin ang labi nito. Itinabi muna nito ang kotse at mas diniinan ang halikan nilang dalawa. Gumapang ang kamay niya at hinaplos ang malalaking dibdib ng katalik. "Damn! You're beautiful." Tinanggal ni Schyn ang seatbelt at bumaba ang halik sa dibdib ng dalaga. Palipat-lipat at parang bata na nauuhaw sa gatas ng kanyang ina ay sinipsip niya nang mabuti ang mga iyon. "Hmm, Schyn," ungol ng dalaga at ibinaba rin ang kamay para hawakan ang p*********i ng binata. Ngunit napatigil silang dalawa nang biglang tumunog ang cellphone ng huli. Kaagad iyong binuksan ni Schyn at tiningnan ang mensahe, napangiti ito nang makita ang pangalan ni Celine na nakatatak doon. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ito na magkakabalikan sila ng dalaga. "Ayusin mo iyang sarili mo dahil may pupuntahan akong Iba," seryosong saad nito. Gusto sanang mag-reklamo ng babae, ngunit pinaandar na kaagad ni Schyn ang sasakyan. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook