Prologue II:

995 Words
•Hailey• "Hi! I'm, Hailey Mendez," nakangiti kong pakilala sa lalaking kaharap ko. Kaibigan siya ni Kiel at bago siya sa paningin ko kaya kaagad akong nagpakilala sa kanya. "You are?" "Tristan Go," sagot niya. Napakagat ako sa ibaba kong labi, para pigilan ang aking ngiti. Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng kanyang labi, kaya kaagad akong nag-iwas ng tingin. "You can laugh, silly!" Umiling lang ako sa sinabi niya at tumabi sa kay Kiel na naglahad na sa akin ng inumin. Iginala ko ang aking mga mata para pagmasdan ang buong lugar, nasa taas kami ngayon kaya makikita namin kaagad ang mga taong papasok. Halos lahat nang naririto ay mga artista o di kaya'y anak ng mga businessman. May mga lasing na at naghahalikan sa gitna ng dance floor, pero wala namang kumukuha ng litrato, dahil isa itong private club, exclusive for elites. "I'm sorry to say this, pero nabasa ko iyong tungkol sa inyo ni Schyn. Mabuti naman at pinayagan ka niyang pumunta rito?" Naibaling ko ang aking tingin kay Kiel dahil sa tanong ni Tristan.  Gusto kong sabihin dito ang totoo pero baka ma-isyu na naman ito. "Huwag mo na lang sagutin kong—" "Sinundo ko sa kanila, kasi bestfriend ko naman ito," saad ni Kiel at ginulo ang aking buhok. "Nakakaintindi naman si Schyn, malaki ang tiwala ng lalaking iyon dito sa bestfriend ko!" Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga dahil sa pagsagot ni Kiel para sa akin. Mabuti na lang at nandito ito sa tabi ko, at hindi ako nahirapan sa pagsagot ng mga tanong. Ganito kahirap ang buhay kapag naging asawa mo ay nasa showbiz, lahat yata ng mga mata ay nasa kanila nakatingin. "Do you want to dance?" pabulong na tanong sa akin ni Kiel. Tatango na sana ako nang may namataan ang aking mga mata na bagong pasok. Nasa baba si Schyn at si Celine, nakahawak ang una sa maliit na bewang ng huli at nagbubulungan. "Hailey." "Oh, come on! Huwag mong hayaan ang lalaking iyan na apakan ang pagkatao mo, girl!" Napatingin ako kay Tristan dahil sa sinabi niya at sa tono ng kanyang boses. "Huwag kang tumingin sa akin nang gan'yan! Gay ako pero sekreto iyon. Tara baba!" Hinila nito ang aking kamay ngunit nanatili akong nakaupo at nakahawak sa may sofa. Ayaw kong tumayo, nanginginig ang tuhod ko sa isipin na kasama nito ang babaeng pinakakamahal niya. Pinanghihinaan na ako ng loob, maski ang salitang masaya ay nawala na sa bokabularyo ko. "Ano titingin ka na lang sa kanila? Hahayaan mo ang babaeng iyan na angkinin ang asawa mo?" Napatingin ako kay Tristan. Hindi ko alam ang isasagot ko, muli kong ibinaling kay Schyn at Celine ang aking paningin. "Hindi ba at ang saya nilang tingnan? Hindi pilit ang mga ngiting ibinibigay nila sa isa't-isa," mahina kong usal. "Sa tingin mo ba magiging masaya si Schyn kapag iniwan ko siya—" Gulat na tiningnan si Tristan nang bigla niyang sinampal ang aking pisngi. "Hindi ba at gusto mo siya? Bakit bibitiw ka kaagad nang hindi lumalaban, baka dumating ang araw at puro what if's ka na lang." Napaisip ako roon at kinamot ang likuran ng aking batok. Gumastos si daddy ng malaki para lang mag-invest sa mga project ni Schyn at hindi ko sasayangin ang ginawa ni daddy mapasaya lang ako. Tumingin ako sa kanilang dalawa at tumayo na. Kailangan ko lang ipaalala sa kanilang dalawa na ako ang asawa at karapatan kong magalit dahil magkasama silang dalawa ngayon. "Samahan niyo ako?" Napatingin ako kay Kiel nang tinapik niya ang aking likuran, bago hinawakan ang kaliwa kong kamay. Sa kanan ko naman si Tristan na patuloy pa rin sa pagmura kay Schyn. — Pagkababa namin ay sinalubong kami ng nakangising Schyn. Hindi ko maipaliwanag ang sakit sa aking dibdib nang mas hinigpitan nito ang pagkakayakap kay Celine. Napaigtad ako nang bigla akong kinurot ni Tristan. "Bakit ka nandito kasama ang babae na iyan, Schyn?" Hindi ako nito pinansin at lalagpasan na sana nang hinawakan ko ang kanyang braso at pinatili siya sa kanyang pwesto. "Asawa mo ko, Schyn! Kapag tinanong kita, sagutin mo ako." Nilingon ako nito at tinanggal ang aking kamay na nakahawak sa kanya. "Hindi ko pinangarap na maging asawa mo! Ikinulong mo ako sa relasyong hindi ko gusto. Ayaw ko sa mga magnanakaw! You thief!" Tinuro ako nito kaya agad akong napaatras muntikan pa akong mabuwal, mabuti na lang at nahawakan ako ng dalawa. "Anong ninakaw ko sa'yo? Wala akong ninakaw sa'yo, Schyn—" "You stole my happiness, Hailey! Inalisan mo ako ng kaligayahan na ilang taon kong iningatan. Dahil d'yan sa pagkamasarili at kasakiman mo—" "Schyn, stop. Huwag kang gumawa ng eskandalo rito," mahinang usal ni Celine. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanilang dalawa. Ang bilis makinig ni Schyn sa mga sasabihin ni Celine, para bang kontrol na nito ang buhay niya. "Tara na sa taas?" malambing nitong usal sa asawa ko. Kaagad  na pumatak ang luha ko nang tumalikod nga sila sa amin. Walang paalam, walang sinabi, ganoon ako ka walang silbi sa buhay ni Schyn. Mabilis kong nilingon si Kiel at niyakap ito nang mahigpit ko. Gusto ko lang naman sumaya sa piling ng taong mahal ko, ngunit napakahirap pa lang abutin iyon. "Shh, tahan na, Ailey," pagpapakalma sa akin ni Kiel, habang hinahaplos ang aking likod. "Uwi na ba tayo? Ihahatid na kita, ah?" Tumango ako rito at mas yumakap nang mahigpit sa kanya. Nagpaalam naman kami kay Tristan at dumeretso na sa kotse. Paano ba ako napunta sa sitwasyon na ito? Bakit kailangan kong mag-suffer para sa taong mahal ko? Gusto kong bumalik sa nakaraan at baguhin ang naging desisyon ko pero hindi ko rin alam, kung makakaya ko ba na wala sa buhay ko si Schyn. Simula nang una ko siyang nakita siya na ang buhay ko. Siya na ang bumubuo sa araw ko. Kung nauna ko ba siyang nakilala kaysa kay Celine, ako kaya ang mamahalin nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD