•Hailey•
Kasama ko ngayon si Cheska at Maureen, habang hinihintay ang paglabas ni Schyn at Celine sa may entablado para kumanta. Pareho silang nasa larangan ng showbiz at aprubado sa mga fans nila ang relasyon ng dalawa.
Gusto ko rin naman sila. Kinikilig ako sa mga videos nilang dalawa, ngunit habang tumatagal ang panunuod ko kay Schyn ay nag-iiba na ang nararamdaman ko para rito.
"I love you, Schyncel!" Iyon ang tawag sa loveteam nilang dalawa. Ngunit hindi katulad ng dati ay hindi na ako nakisabay sa pag-sigaw sa kanila. "Be happy both! Stay forever!"
Napangiwi ako dahil sa aking narinig. Hindi ko hahayaan na mapunta na lang si Schyn kay Celine nang hindi ako lumalaban.
"Huy, bruha! Anong tingin ang binibigay mo sa dalawa?" Napatingin ako kay Cheska dahil sa sinabi nito. Halata ba sa mukha ko ang pagkadisgusto? Napaawang ang aking labi nang sabay silang tumango sa akin, kahit hindi ko naman iyon sinabi. "Naiitindihan namin ang tinatakbo ng utak mo babae! Matagal pa ba itong matatapos? Hinahanap na ng boyfriend niya si Maureen. Seloso pa naman iyon."
"Hindi ko alam kung bakit gusto mo ang lalaking iyon. He's poor right?" Pranka akong magsalita kaya wala akong masyadong kaibigan, pero kahit ganoon ay nakakaya pa rin naman ni Cheska ang ugali ko. "Huwag kang magalit, Maui, ah—"
"Hindi naman ako magagalit sa simpleng bagay na iyon," nakangiti nitong saad bago tumingin sa entablado. "Malalaman mo rin ang sagot sa tanong mo kapag nahanap mo ang taong mamahalin mo. Mayaman ang pamilya mo 'di ba? Paano naman si Schyn, magugustuhan ba siya ng daddy mo kung wala naman itong pakialam sa negosyo niyo?"
Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa sinabi ni Maureen. Tama nga naman ito, pero bilang nag-iisang anak nila daddy sa tingin ko ay ibibigay naman nito ang lahat nang gusto ko, kaya ko naman palaguin ang negosyo kahit walang tulong ni Schyn, basta mapasaakin lang ito.
"Ang kinang sayong mata ay naghahatid sa puso ko nang kakaibang ligaya," kanta ni Schyn habang nakatingin sa kay Celine. Puno nang pagmamahal ang tingin na ibinibigay nito sa huli.
Gusto kong palaging masaya si Schyn, kaya kapag sinaktan na ito ni Celine ay gagawin ko ang lahat para mapalapit ito sa akin.
—
Pagkatapos ng concert ay hindi ko na muling nakita si Schyn. Ngayon nga at nandito ako sa club kasama ang ka-klase ko.
"Nag-away iyong dalawa?" tanong ko kay Cheska nang makita kong lasing na si Maureen at sumasayaw na sa mga kasamahan naming lalaki, habang si Nathaniel naman ay nanatiling nakaupo at nakakuyom ang kamao, habang nakatingin sa huli. "Bakit daw?" tanong ko ulit at tiningnan si Cheska na nakabusangot na ngayon.
"Nakipaghiwalay si Nathaniel pera lang daw ang habol kay Maui." Tinaasan ko siya ng aking kilay at tumayo sa aking kinauupuan. Lumapit ako kay Nathaniel at aambahan na sana ito ng suntok nang makita ko si Schyn na papasok sa loob ng club. "Oh? Hindi mo na itutuloy ang pagsuntok?"
Nilingon ko si Nathaniel at sinamaan ito ng tingin ngunit nanatili lamang ang mga mata nito kay Maureen. Bumaling ako kay Cheska at binulungan ito, "Ayaw ni Schyn ng mga sigang babae."
Napahawak ito sa kanyang bibig at pinipigil ang kanyang tawa. Hindi ko na siya pinagsalita pa at mabilis na lumapit sa kinauupuan ni Schyn. Hindi niya kasama ang nobya kaya may tsansa akong makausap ito.
"Hi!" bati ko nang makaharap na ako sa kanya. Tiningnan niya lang ako saglit at ibinalik ang atensyon sa alak. Tumaas ang sulok ng aking labi at nagpipigil nang inis na umupo sa tabi nito. "Fan mo ako, Schyn—"
"Please, I need space. Ayaw ko nang istorbo ngayon." Kinagat ko ang aking labi dahil sa sinabi niya. Nanatili lamang akong nakaupo roon at tinitingnan siyang uminom. "Miss, may girlfriend na ako. Wala akong balak na palitan siya kahit magkaaway kami ngayon, kaya pwede ka nang umalis."
Napigil ko ang aking hininga dahil sa sinabi nito. Napatingin ako kay Maureen nang bigla itong lumapit sa amin, nakapaskil ang magandang ngiti nito sa kanyang labi, habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Schyn.
"Hi, Schyn!" Napatingin ako kay Schyn nang bigla itong tumayo at nakipag-beso kay Maureen. Lumingon naman sa akin ang huli habang umupo sa aking tabi. "Huwag kang mag-alala, kaibigan ko 'to! Pasensya ka na kung nakaka-istorbo 'to sa'yo, sobrang idolo ka lang niya at ni Celine."
Tumingin naman sa akin si Schyn na may ngiti na ngayon sa kanyang labi. "I'm sorry, ayaw ko lang talaga lumapit sa ibang babae at baka mag-selos si Celine," hinging-paumanhin nito.
Tumango naman ako kaagad at inabot ang kamay niyang nakalahad. "Magkakilala kayo? Hindi ko yata alam iyon, Maui?" Tumawa naman sila pareho at umakbay sa isa't-isa.
"He's my friend. Nagkasama na kami sa isang photoshoot dati at—"
"Maureen, tayo d'yan!" Napaigtad ako nang marinig ko ang boses na iyon. Kahit nasa senior high pa lang kami ay hindi maipagkakaila na malakas at panlalaking-panlalaki na ang boses ni Nathaniel.
Hindi naman nakinig si Maureen at mas hinigpitan ang pagkaka-akbay kay Schyn.
"Maureen, sumama ka sa akin—"
"Sino ka ba? Kilala ba kita?" naiinis na sagot nito kay Nathaniel at tumayo sa kanyang kinauupuan. Sa halip na sagutin iyon ng huli ay binuhat nito ang kaibigan ko na parang isang sakong bigas. Hahampasin ko sana ito, nang hinawakan naman ni Schyn ang braso ko.
"Hayaan mo sila. May kailangan silang pag-usapan na dalawa," saad nito at binitawan ako. Napahawako ako sa aking bibig sabay tango sa kanya, kinikilig ako ta*na!
Mabilis akong lumayo rito at pinuntahan si Cheska sabay hila rito papunta sa banyo ng club.
"Bakit ka nanghihila, bruha! May kasayaw pa ako roon, eh—" Hinawakan ko ang kanyang balikat at niyugyog ito nang malakas, na nagpatigil dito sa pagsasalita.
"Kinikilig ako, Cheska! Hinawakan ni Schyn ang braso ko! OMG!" Nakitalon din naman ito sa akin, ngunit ilang saglit lang ay tumigil ito at pinitik ang aking noo. "Bakit ba?"
"Hey, wake up, babe! May girlfriend iyong tao." Natauhan ako sa sinabi ni Cheska. Hanggang doon na lang ba talaga ang lugar ko sa buhay ni Schyn?
Paano kaya kung gagamitin ko ang kapangyarihan ng pamilya ko? Mapapasaakin na ba ito?