bc

DigosTheSeries1: Lost In Digos

book_age16+
4
FOLLOW
1K
READ
suicide
independent
student
drama
bxg
serious
female lead
city
highschool
school
like
intro-logo
Blurb

Marami sa atin ang pinangarap na maging mayaman o kahit makaahon lang man sa kahirapan. Iilan din sa atin ang pinangarap na magkaroon lamang ng simpleng buhay. Iisa si Dixie sa iilang nangangarap na sana naging anak mahirap na lang siya o kahit magkaroon lamang nang simple at matiwasay na pamumuhay. Kung tutuosin, nasa kaniya na lahat ng kailangan niya sa buhay. Pero, bakit ayaw niya sa buhay na meron siya? Kasabay ang pagdating ng dalawang lalaki sa buhay niya. Matutulungan ba siya ng mga ito o mas gugulohin lang nila ang buhay ng dalaga. Maiiligtas ba nila si Dixie sa balak nitong wakasan ang buhay na meron siya o hindi?

Sabay-sabay nating tunghayan ang kwento nang buhay ng isang dalaga na gustong takasan ang kaniyang buhay sa siyudad ng Digos.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
FORTY years ago, politics and state of life mattered the most sa pamilya ng mga Lopez at D’Amelio. Pareho silang pinaka makapangyarihan sa siyudad ng Digos. They were known as good politicians dahil sa mga magagandang nagagawa nila. Projects and programs for the people, like, agricultural factories and establishments. Mayaman kasi sa agrikulutra ang lupain ng Digos. It was their main source of economic growth. Kaya mas binibigyan nila ito nang pansin at tamang pundo.            When it comes to politics, hindi maiiwasan ang magkaroon ng kalaban. Lalo na’t magkaiba ang mithiin nila para sa iisang siyudad. These two parties are used to be best friends. Magkaklase at sabay silang grumadweyt sa kursong Bachelor of Arts in Political Science. Mautak at may prinsipyo. Halos pareho sila ng gusto sa buhay, ngunit magkaiba ang paniniwala at paninindigan. And because of these, it leads to an epic battle of goodness.            They both wanted to serve the city of Digos and give what’s best for the people. Nagkasundo ang dalawa na si Carlos Lopez ang mamahala sa siyudad ng Digos at si Robert D’Amelio naman ang mamahala sa buong probinsya ng Davao del Sur. Tumakbo sila para sa matataas na posisyon at hindi naman sila nabigo. They both have what they wanted.            Ayaw nilang masira ang pagkakaibigan ng dahil lang sa kapangyarihan at posisyon sa lipunan. Kaya they made a pact. They should never against each other’s wanted. Kung ano ang meron sa isa ay dapat meron din ang isa, at kung wala man ang isa ay dapat pareho silang wala.            Tumagal ang kasunduang iyon. Ngunit, sa hindi inaasahang pagkakataon. May dumating na isang malaking pagsubok para sa magkaibigan. It will test their loyalty to each other. Kung sino ang mananatiling susunod at tutupad sa kasunduan nila.            It was a girl who came to destroy their friendship. Maitim ang kaniyang buhok, kasing itim ng uling at makulot ito. Ang kaniyang mga mata na nakakaawa kung pagmamasdan, para itong diyosa. Labi nito’y mamula-mula na parang bagong buklad na rosas. Kutis porselana. Sobrang napakaganda niya kung ilalarawan ni Lopez.            Nagkita sila sa iisang pagdiriwang sa bahay ni Carlos, kasama nito ang iba’t ibang opisyal at mga taga-suporta para sa kaniyang pagkapanalo bilang bagong mayor sa siyudad ng Digos. Nabighani si Carlos sa kagandahang taglay ng dalaga.  Nilapitan niya ito at kinausap. “Magandang gabi binibini,” pagbati nito sa dalaga. Napalingon ang dalaga mula sa pagkakatalikod at sumagot, “Oh, ikaw pala mayor. Congratulations nga po pala,” magalang nitong pagbati. “Sobrang galang mo naman. Carlos na lang ang itawag mo sa akin.” “Nakakahiya naman po, mayor–ay Carlos nga pala,” nahihiyang wika ng dalaga, at kinalaunan pinakilala niya rin ang kaniyang sarili. “Ako nga pala si Meriam.” Lumalim ang kanilang pag-uusap at napagdesisyonan nila na pumunta sa may swimming pool kung saan walang gaanong tao ang nakapaligid dito. Mahilig sa paspasang galawan si Carlos. Gusto niya ang mabilisang estratehiya sa lahat ng bagay. Kaya agad niyang niligawan si Meriam. Subalit agad din naman itong sinagot ng dalaga, hindi nito gusto si Carlos. Labis na nasaktan ang binata marahil sa hindi niya inaasahang pagpasya ng dalaga. Ang hindi alam ni Carlos, matagal na palang may relasyon si Robert at Meriam. Kaya gano’n na lang kadali para kay Meriam ang pagtanggi kay Carlos. Nag-usap ang dalawang nagmamahalan kung paano nila sasabihin kay Carlos ang tungkol sa relasyon nila. Ayaw na kasi ni Meriam na itago pa nila ito. Kaya napagdesisyonan ni Robert na ipagtapat ito sa matalik niyang kaibigan. Nakipagkita si Robert sa kaibigan niya. “Uy, pare!” pagbati ni Robert. “Uy, pare!” sagot ni Carlos. “Ano nga pala ‘yong gusto mo sabihin sa akin?” dagdag pa niya.            Huminga ng malalim si Robert. Halata sa kaniyang kilos ang sobrang kaba at takot sa puwedeng magiging reaksyon ng kaniyang kaibigan, dahil kilala niya ito. Humugot muna siya ng lakas bago siya nagsalita. “Kilala mo si Meriam?” tanong niya. “Si Meriam? Oo, bakit?” kalmadong sagot ni Carlos, pero bigla itong nag-iba ng na-realize niya na si Meriam ang pinag-uusapan nila. “Wait, paano mo na kilala si Meriam?” “Meriam and I–” nagdadalawang-isip si Robert kung itutuloy ba niya ang pagtatapat o hindi. “Are relatives? Tulungan mo naman ako, pare!” excited at sobrang saya na wika ni Carlos. “No, we are not relatives nor blood related.” “So, ano kayo?” pagkatapos sabihin ni Carlos ang salitang iyon ay napatigil siya. Kahit hindi pa sagutin ni Robert ang tanong niya, alam na niya kung ano ang isasagot ng kaniyang kaibigan. “Pare, I’ve tried to fight my feelings for her, but I’ve lost the battle. I know you love her, because Meriam told me so. That night, we we’re supposed to tell you about us. Pero, naunahan mo kami. Ang bilis mo kasi magtapat ng feelings, ang matindi pa do’n, you asked her to be your boyfriend.”            Sa pagkakataong iyon ay mas tumindi ang kanilang nararamdamang tensyon ng biglang nagpakawala nang malakas na suntok si Carlos at tumama sa maamong mukha ni Robert. Dahil dito ay napahiga si Robert sa lupa. Hindi pa ito nakontento at inupuan ang tiyan ni Robert, at sinuntok-suntok nito ang mukha. Hindi nanglaban si Robert at hinayaan niya lang na gawin ito ng kaibigan sa kaniya.            Matapos ang mainit na tagpo ng dalawa ay umuwi sila sa kani-kanilang bahay. Sobrang pag-alala ang naramdam ni Meriam nang makita niya ang kaniyang minamahal na duguan at basag ang mukha. Agad naman niya itong dinala sa ospital para ipagamot. Hindi na nila sinabi sa mga pulis o sa mga taohan nila ang may gawa nito sa kaniya.            Samantala, si Carlos naman ay sobra pa rin ang galit. Hindi niya matanggap ang sinabi ng kaniyang kaibigan. Sobrang natatangahan siya sa kaniyang sarili kung bakit niya naman ginawa ang bagay na iyon. Ang magtapat at tanungin ang isang babae na bago pa lang niya nakilala upang maging boyfriend niya. Lahat ng mga babasagin na nakikita niya sa loob ng kaniyang kwarto ay kaniyang binasag.            Simula noon hanggang ngayon ay hindi na muli pang naging magkaibigan ang dalawang matalik na kaibigan. Nagkaroon ng sariling pamilya at hindi na kailan pa hiniling ng bawat isa ang magtagpo ang kanilang landas.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

WHAT IF IT'S ME

read
67.1K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
240.2K
bc

Rewrite The Stars

read
95.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook