Hindi na gustong umalis ni JC sa kinauupuan. He felt like he could stay there with Corrine forever. They decided to stop consuming alcohol. Inamin ni JC na hindi niya sigurado kung ano ang magiging reaksiyon ng kanyang katawan kung napasobra siya at hindi pa niya gaanong kabisado ang mga daan sa siyudad. Kaagad na pumayag si Corrine. Mukhang katulad niya, hindi rin ito sanay na nalalasing. “Hindi nila sinabi nang deretsa pero alam ko na dinala ako nina Mila rito para lasingin at maghanap ng lalaking makakapagwala sa isip ko sa mga nangyari. I think naniniwala sila na kailangang pagdaanan iyon ng lahat ng nakaranas ng painful breakup.” “Let’s not be a cliché,” natatawang sabi ni JC. Ang totoo, hindi niya makita na nagwawala ang isang Corrine. Hindi rin ang tipo nito ang susubok ng hookups

