XIII

2657 Words
CHAPTER THIRTEEN NAGPAALAM muna kami kina Nanay at Nanang. Pumayag naman sila. Sila na rin daw ang bahalang magluto ng almusal. Payag naman silang ako ang magluluto ng tanghalian dahil meron akong pangako kay Carson. Dinala ko siya doon sa madalas paghulihan ko ng mga manok malapit sa talon. “Ilalagay ko `tong mga patibong tapos ikaw ang bahalang humabol sa mga manok papunta sa patibong, okay?” sabi ko kay Carson. Katatapos ko lang itusok ang mga patibong sa lupa malapit sa mga manok na busy sa pagtuka sa lupa. Hinagisan ko kanina ng mais ang mga manok para dumugin nila. “Hindi ko alam ang gagawin ko, Misis,” sabi naman niya habang napapakamot sa ulo. Natawa ako. Hinila ko siya sa braso at umikot sa mga manok. “Hello, ulam!” sigaw ko at tumadyak sa lupa. Nagsipulasan ang mga manok at napatakbo. Hinabol ko sila papunta sa direksiyon ng pinaglagyan ko ng patibong habang hila-hila pa rin sa braso si Carson. “Ayon!” May nahuli akong dalawa! “May ulam na tayo!” Hinuli ko ang isang manok at hinuli ang ulo at katawan nito. Nang balingan ko si Carson ay nakatulala lang siya sa akin. “Mister, tulungan mo naman ako.” Napakurap siya at umuklo sa tabi ko. “A-ano’ng gagawin, Misis?” “Hawakan mo ang katawan niya tapos dito naman ako sa ulo.” Nakita ko ang nag-aalalangang mukha at nanginginig na kamay ni Carson nang hawakan niya ang manok na nagpupumiglas pa. “Huwag kang matakot, akong bahala,” nakangiting sabi ko sa kanya. Inilabas ko ang kutsilyo sa bulsa ko at ginilitan sa leeg ang manok. Agad na lumabas ang dugo. Lalong pumalag ang manok pero sandali lang iyon dahil unti-unti na rin itong nanghina. Nakita kong napapapikit na napapangiwi na lang si Carson. Hindi niya kayang tingnan ang kawawang manok. “Mister, okay ka lang?” natawang tanong ko. “Kung noon ko pa `to nakita, baka noon pa `ko naging vegetarian,” nakangiwing sabi niya. Napahagikhik naman ako. Sinamantala ko naman ang pagngiwi niya para kintalan siya ng halik sa mga labi. “Eh, kaso may isa pa tayong kailangang todasin, Mister. Kaya pa?” “Isa pa ngang kiss, Misis. Pampalakas lang ng loob.” Siya naman ngayon ang humalik sa `kin. Natawa naman ako. “Nakakatakot ka talaga.” Iniabot ko sa kanya ang kutsilyo. “Kaya mo na `yan, Mister.” Carson swallows hard. “MISIS, ano’ng gagawin sa mga manok pagkatapos?” tanong sa akin ni Carson nang pabalik na kami ng bahay. Ako na lang ang nagdala ng dalawang patay na manok. Natakot kasi siya. Feeling ko, na-trauma na siya noong gilitan niya ng leeg ang isang manok kanina. Ngayon naman, natakot siya na baka bigla raw gumalaw. “Magpapakulo tayo ng tubig tapos `yon ang gagamitin natin para tanggalan ng balahibo `tong mga manok. Hindi kita masisisi, Mister. Nasanay kang luto na ang manok na inihahanda sa`yo,” sabi ko naman. “Pa’no kung sa susunod, gusto kong kumain ng manok tapos hindi ako pwedeng manghuli ng manok kasi buntis ako? Sinong gagawa n’on?” Nang tingnan ko siya ay kakaiba naman ang mga ngiti niya. Para siyang may narinig na kung ano na nakapagpangiti sa kanya nang husto. Kumunot ang noo ko. “Bakit, Mister?” “Sinabi mo kasing kapag nabuntis ka.” “Oo nga, kapag nabuntis ako.” Lalong lumalim ang kunot ng noo ko. “Kinikilig ako isipin ko pa lang na buntis ka!” Napabungisngis na napakamot pa sa ulo niya si Carson. Nalaglag naman ang panga ko. Seryoso ba siya? Kinikilig siya sa idea na buntis ako? “Huwag mo `kong pahihirapan kapag naglilihi ka na, ha.” At basta na lang akong natawa. Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ko at binanggit ko ang pagbubuntis? Baka isipin ni Carson na excited ako. Pero totoo naman kasi talagang excited ako. Naging pangalawang nanay na rin naman ako ng mga estudyante ko nitong mga nakaraang taon pero iba pa rin `yong pakiramdam kapag ako na mismo ang nagluwal ng anak ko. Ng anak namin ni Carson. O magiging mga anak pa. Tumataba ang puso ko kahit sa isipan ko pa lang `yon. “E di huwag mo rin akong pahihirapan habang nagbubuntis ako,” napakibit-balikat na sabi ko. “Akin na `yan.” Basta na lang kinuha ni Carson ang dalawang manok na hawak ko. “Kailangan kong mag-practice para sa pagbubuntis mo.” Bahagya pa niyang itiniklop ang mga tuhod niya at inialok ang likod sa akin. “Sumakay ka na sa likod ko para hindi ka na mahirapang maglakad, Misis.” “OA na, Mister, ha,” nakataas ang kilay na sabi ko at hinampas ang likod niya. “Aray, Misis.” Tumayo nang tuwid si Carson. Nakangiwi pa siya nang bumaling sa akin. “Nagmamagandang-loob na nga ang pogi mong mister, eh.” “Hawakan mo na lang ang kamay ko,” napalabing sabi ko. Ay, shocks. Parang ang pabebe yata ng dating ko ro’n, ah. “Ah, mas gusto mo `to.” Pinaghugpong ni Carson ang mga kamay namin. Then he smiles at me. “Gusto ko rin `to.” Naglakad na kami at pa-sway-sway pa ang kamay namin. Siyempre, kasabay ring dumuduyan ang mga manok sa isa pang kamay niya. “Ay, `yong mga manok, baka mahilo.” Napabunghalit naman ako ng tawa. HINDI ko masabi kung ano na ang tingin ni Carson sa akin ngayon matapos niyang masaksihan kung paano ko tinanggalan ng balahibo at kinatay ang mga manok. Ewan ko ba sa kanya. Siya naman ang nag-request nito, `di ba? Pero nang sa wakas ay maluto na, excited naman niyang inamoy ang mainit-init pang sabaw. Niyaya rin namin si apong na samahan kaming mananghalian dahil marami para sa apat ang niluto ko. At siguradong aabutin pa ito ng hapunan. “Ano’ng oras ka susunduin ng chopper bukas?” tanong ko kay Carson. Hapon na at namamalantsa ako ng uniform ko sa loob ng kwarto. Sina Nanay at Nanang naman ay nanonood ng TV. Si Apong naman ay siguradong bumalik na naman sa pagbabasa. Nakaupo naman si Carson sa kama habang pinagdidiskitahan ang isang textbook ko. “Sabi ko sa piloto, maaga pa. Pero kahit hindi niya `ko sunduin, okay lang naman. Ang sarap kaya ng buhay ko rito.” “Sira,” pakli ko naman. Ini-hanger ko na ang uniform ko at isinabit sa cabinet. Iniligpit ko na rin ang mga gamit ko sa pagpaplantsa. Pagkatapos ay tumabi ako sa kanya. “Ano bang binabasa mo riyan?” tanong ko. “Misis, bakit walang asawa at anak si Apong? Is he gay?” walang ano-ano ay tanong ni Carson. “`Oy, hindi, ah,” maagap kong sabi at pinanlakihan siya ng mga mata. “Si Apong kasi, mas inuna pa niya ang paglilingkod kaysa unahin ang sarili niya. Matalino kasi siya at athletic noong kabataan niya. Naging abogado siya saka naging sports commissioner. Naging maganda ang record ni Apong. Tumanggi lang siyang pumasok sa politika. Hanggang sa namalayan niya na tumatanda na pala siya. At no’ng naisipan na niyang mag-retire, bumalik siya rito sa Bianon at binalikan ang pinakahilig niya, ang pagbabasa. Tapos kinilala siya ng gobyerno bilang pinuno ng Bianon. Kaya nagkaroon siya ng kapangyarihan na magkasal. Masaya naman si Apong kasi nagawa niya lahat ng gusto niya sa buhay. `Yong tanging regret lang niya ay `yong hindi siya nagkaroon ng sarili niyang pamilya. Meron siyang unang pag-ibig, hindi lang sila nagkatuluyan. Kasi raw mahirap magsilbi sa bayan nang wala kang isinasakripisyo.” Napataas pa ang kilay ko. “Bakit mo tinatanong, Mister? Huwag mong sabihing chismoso ka na rin?” “`Oy, hindi, ah,” kaila naman niya. “Curious lang ako sa mga mahahalagang tao sa buhay ng misis ko.” Itinabi ni Carson sa kama ang textbook at kinuha ang mga kamay ko. “My parents died in a car accident. Nag-away sina Mom at Dad no’n at nag-alsa-balutan si Mom papuntang resthouse namin sa Baguio. Sira-ulo kasi `yong tatay ko. Ipinagkasundo lang din sila. Nagkaanak si Dad sa dalawang babae. Dinala niya sina Chamomile at Calla sa bahay when they were seven and five. Namatay ang nanay ni Chamomile sa panganganak sa kanya at hindi na siya kayang buhayin ng lola niya. Si Calla naman, OFW ang nanay niya na binitay sa Hong Kong dahil sa drug trafficking. “Ilang taong itinago ni Dad kay Mom na may mga anak siya sa labas kasi mahal na mahal niya kami at ayaw niyang masira ang pamilya namin. But some secrets are not meant to be hidden forever. Ang akala ni Mom, nagbago na si Dad. She loved him so much. Umalis siya para makapag-isip. Sinundan naman siya ni Dad. Nagkasundo rin naman sila. Napakalaki ng puso ni Mom para patawarin si Dad sa kagaguhan niya. Kahit kailan, hindi ko kayang sukatin ang laki ng pagmamahal na meron si Mom para kay Dad para bigyan uli siya ng pagkakataon. Nang pauwi na sila, they met an accident. Nang umuwi sila sa `min, nasa kabaong na sila.” Tinititigan ko lang ang mukha ni Carson the whole time he was talking. Nagulat ako sa nalaman kong kapatid lang nila ni Camya sa ama sina Chamomile at Calla. Pero kahit gano’n ay matibay ang bond nilang magkakapatid. There was sadness and longing in his eyes. Matagal na panahon na silang ulila sa mga magulang pero nakikita kong nami-miss pa rin niya sila. Hinaplos ko ang mukha niya. Sinabi niya sa `kin ang masalimuot na parte ng nakaraan niya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Pinagkakatiwalaan din ako ni Carson para i-share sa `kin ang mga bagay na `to. “I’m sorry to hear that, Mister,” sabi ko. “That’s why I’m afraid of commitments,” napabuntong-hiningang sabi niya. “I’m an asshole. Baka makasakit lang ako at ang mas malala pa ro’n, baka may ibang taong maapektuhan.” “Naranasan mo man lang bang ma-in love?” “Puppy love.” Ibig sabihin, hindi pa siya nai-in love nang totoo? Hindi pa siya nagkakaroon ng seryosong relasyon? Tuturuan ko na ba siya? “Sigurado ka bang wala ka nang ibang kapatid sa labas?” pag-iiba ko. “Subukan kaya nating magpa-DNA test? Malay mo, magkapatid din pala tayo.” Carson’s eyes widen in horror. “Misis, hindi magandang biro `yan, ha!” “Gwapo ba ang tatay mo? `Yong tatay ko kasi gwapo rin, eh.” Nang malaglag ang panga niya ay napahagalpak naman ako ng tawa. “Kuya, ikaw ba `yan?” Carson groans. Ginulo-gulo niya ang buhok niya at napahilamos pa sa kanyang mukha. Lalo akong natawa sa kanya kasi mukha siyang masisiraan ng bait. “Hindi kita kapatid!” “Kuya...” pang-aasar ko pa. “Wala ka bang naramdamang lukso ng dugo no’ng unang beses tayong nagkita?” “Lukso ng pagnanasa lang, Misis.” Tiningnan niya ako at bakas sa mga mata niya na meron siyang binabalak na ‘hindi maganda’. “Galit na si Jun-jun, Misis. Isang ‘kuya’ pa raw.” Iniikot ko naman ang mga mata ko. “Bahala ka riyan. Katatapos ko lang magplantsa. Pagod ako.” Nahiga ako sa kama at tinalikuran siya. “Misis!” Napabalikwas ako nang palundag na sumampa sa kama si Carson. “Ikaw, maninira ka pa ng kama ng may kama,” pagalit na saway ko sa kanya at kinurot siya sa tagiliran. Napaigtad lang si Carson at natawa. “Mamaya, kapag lumubog na ang araw at bago maghapunan, maligo tayo sa talon.” Natahimik si Carson at hindi makapaniwalang napatitig sa akin dahil sa sinabi ko. Tumaas-baba naman ang mga kilay ko at pinapungay ang mga mata ko. “Okay na?” tanong ko. “Okay na okay,” nakangising tugon naman niya. “Good.” Pagkatapos ay binigyan ko siya ng seryosong tingin. “Huwag ka nang maglililikot diyan.” HINATID ako ni Carson sa classroom ko sumunod na araw. Hindi niya sinabi kung anong oras siya susunduin ng chopper at alam naman na niyang hindi ko rin siya maihahatid. Kailangan naman kasi ng nanay ng mga estudyante ko. Pinagtitinginan kami ng kapwa ko teachers na nakakasalubong namin. Mapanukso ang mga ngiti nila at natatawa na lang ako. Si Carson pa mismo ang nagbitbit ng mga gamit ko. Pinababalik ko na siya bago magsimula ang flag ceremony pero nag-insist pa rin siyang mamaya na lang dahil ihahatid pa niya ako sa classroom. Wala na rin akong nagawa kundi ang pumayag. Kinikilig ako kahit sa simpleng bagay lang na ginagawa ni Carson para sa `kin. Sino ba naman ako para tumanggi? “I-text mo na lang ako kung aalis ka na,” sabi ko sa kanya nang nasa tapat na kami ng classroom. Kinuha ko na rin sa kanya ang mga gamit ko. Ano ba `yan? Ngayon pa lang, nami-miss ko na siya. Sana hindi uli siya busy next weekend para mapuntahan niya ako. Kahit wala na siyang pasalubong sa akin, basta dalawin lang niya ako. “Ngayon pa lang, nami-miss na kita, Misis.” Pinagmasdan ni Carson ang mukha ko habang hindi maalis-alis ang ngiti sa mga labi niya. Nag-init naman ang mukha ko. “Puro ka kalokohan, Mister. Papasok na `ko, ha?” It’s my turn to look at his handsome face. Ngayon pa lang, nami-miss ko na rin siya. “Ingat ka rin.” Hinawakan niya ang mukha ko at kinintalan ng halik ang noo ko. “I’ll see you soon,” sabi niya. Nagkaroon ng pag-asa ang puso ko. Ibig sabihin, gagawin niya ang best niya para magkita kami ulit. “See you.” Kumaway na ako sa kanya bago pumasok sa classroom. Sinalubong ako ng masiglang pagbati ng mga estudyante ko. “Good morning, Mrs. Florencio!” “Good morning, class!” “Teacher, nasa’n na po `yong asawa ninyo?” tanong sa akin ni Nicole. “Magkaka-baby na po ba kayo?” “Gawa kayong maraming baby, ha, Teacher?” Natatawa na lang ako dahil hindi ko paano sasagutin ang mga tanong nila. Itinaas ko ang mga kamay ko para awatin sila. “Wala pa, wala pang baby kaya kayo muna ang babies ko ngayon. Kaya kailangan makinig kayong mabuti sa lessons natin. Next month, magsasara na ang school year. Magiging Grade III na kayo sa susunod na pasukan. Gusto ko, marami kayong matutunan sa `kin. Kayo talaga.” Kinuha ko na lang ang class record ko. “Check muna tayo ng attendance.” Inisa-isa ko ang mga estudyante ko at kagaya ng dati, wala isa man sa kanila ang absent. Iba na talaga kapag maganda ang teacher. Ganadong pumasok ang mga estudyante ko. “Teacher,” si Dindo. “Bakit, Dindo?” “May isa pa po kayong hindi natawag.” “Huh? Sino?” takang tanong ko. Imposible `yon. Kilalang-kilala ko ang mga estudyante ko kahit nakapikit ako. “Siya po!” Sabay-sabay na itinuro ng mga estudyante ko si Carson na nakasilip sa jalousy window ng classroom. Nanlaki ang mga mata ko. Kanina pa ba siya diyan? Akala ko, bumalik na siya pagkahatid niya sa `kin? Malapad ang ngisi ni Carson habang kumakaway sa `kin. Lumapit siya sa pinto at sumandal sa frame n’on. Pinagkrus niya ang mga braso sa tapat ng dibdib niya. “Teacher, pwede bang maki-sit in?” painosente niyang tanong sa akin. “Mr. Florencio,” nakapaningkit na sabi ko. “Yes, Mrs. Florencio?” “Hindi ba papasok ka pa?” “Oo nga. Pero hindi pa dumadating ang sundo ko kaya dito na muna ako. Please?” Hay, naku. Sige nga. Paano ko tatanggihan ang mukhang `yan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD