XII

2276 Words
CHAPTER TWELVE NASIMOT ni Carson ang niluto ni Nanang habang naubos ko namang mag-isa ang butterscotch. Pumasok na siya sa kwarto para magbihis at ako na lang ang nagligpit ng kinainan namin. Sumunod na rin ako sa kwarto dahil kailangan ko nang magpalit ng damit. Hindi ko siya nadatnan pero naririnig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo. Nakita ko ang mga damit niyang nakatiklop sa ibabaw ng kama. Kinuha ko iyon at ipinasok sa cabinet ko dahil maluwag pa naman. Namamangha ako kung paanong gumaan na lang basta ang pakiramdam ko dahil nandito ngayon si Carson. Hindi ko siya nagustuhan noong unang beses kaming nagkakilala kaya hindi ko inakala na posible pa lang magkasundo kami. Hindi ko alam kung saan kami dadalhin nito pero umaasa ako na meron kaming magandang patutunguhan. Hinubad ko ang uniform ko at nagtapis ako ng tuwalya. Kumuha rin ako ng damit sa cabinet ko at saktong lumabas na rin si Carson ng banyo. Sinalubong ako ng perpektong hubog ng katawan niya. Nakatapis lang siya ng tuwalya ngayon. Nag-iwas ako ng tingin at baka tumulo na lang basta ang laway ko. The truth is when I think of him, I think of our intimate moments and how closed our naked bodies were. Pero normal lang naman `yon, `di ba? Mag-asawa naman kami kaya kahit pagnasaan ko siya, walang sino man ang pwedeng humusga sa `kin. “Ipinasok ko na sa cabinet ang mga damit mo,” sabi ko sa kanya. “Salamat,” nakangiting sabi niya sa akin. Ngiti lang ang tugon ko. Ang hot ng asawa ko. Whew! Pumasok na rin ako sa banyo. Isinabit ko ang pamalit ko at tuwalya at saka hinubad ang natitira ko pang saplot sa katawan. Kinuha ko ang dutsa at binasa ang katawan ko. Malaking ginhawa ang naging epekto ng malamig na tubig sa balat ko. Binasa ko ang mukha ko. Magiginhawaan na rin ang pakiramdam ko. Natigilan ako nang marinig kong bumukas ang pinto at paglingon ko ay nakapasok na si Carson sa banyo. Nataranta ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Una kong naisip na takpan ang kahubaran ko pero ano pang silbi? Ilang beses naman na niya akong nakitang ganito. “C-Carson.” Lumapit siya sa akin. I could now hear his irregular breathing. “I-I want you now, Cris.” Sandali lang ang pagkatigil ko at napalunok ako. “H-hindi ba pwedeng pagkatapos ko na lang mag-shower?” “Pero galit na si Jun-jun. Kanina pa, actually.” He swallows and I stifle my giggle. Nag-init ang mukha ko nang hagurin niya ng tingin ang katawan ko. Tinawid niya ang pagitan namin at hinapit niya ako sa baywang. I could feel his erection underneath the towel. Carson claims my mouth for a hot kiss. Iyon lang at bumigay naman agad ang katawan ko. I moan and fist his hair as I kiss him back. Something inside of me has woke up. “Nai-stress din si Jun-jun dahil diet siya,” bulong niya nang matapos ang halik at bumaba ang mga labi niya sa ilalim ng tainga ko. Napakislot ako dahil sa pagkakiliti at napahagikhik. “Kawawa naman pala si Jun-jun.” “I’ll make this quick.” Inalis ni Carson ang tuwalya sa baywang niya at bumungad sa akin ang pagkakalaki niyang buhay na buhay at handang-handa na. I could only bite my lip in amusement and anticipation. Isinandal ako ni Carson sa dingding at patuloy na hinalikan ang leeg ko. He gently raises my leg and positions himself to enter me. Napakapit ako nang husto sa mga balikat niya. Napatingala ako at halos hindi ko maimulat ang aking mga mata dahil sa pagkaliyo. We both moan as our bodies finally joined together. Carson lifts me and I snake my legs around his waist. I almost lost my mind when he starts to drive me wild. “Oh, my gosh...” I moan. I could only think about how amazing it is to have him filling me. Oh, his hardness against my tenderness is simply driving me insane. His tongue licks and teases my n*****s. He would circle his tongue and his teeth would playfully nip my tip. Hindi ako makapaniwalang nanggagaling sa akin ang mga naririnig kong malakas at impit na ungol. Sinusubukan kong pigilan pero nabibigo ako. At naramdaman kong nadagdagan ang bilis ng paggalaw niya sa loob ko. Napayakap na lang ako sa kanya. Nararamdaman ko na rin ang paparating na kaluwalhatian. We both reached the climax. Halos himatayin ako sa nakakaliyong sensasyong iyon. Pareho naming habol ang paghinga namin. My body tremble against him as he continues to pour his hot seed inside me. “My wife is so beautiful,” he whispers in a husky voice. Napangiting idinikit ko ang noo ko sa noo niya. Kinintalan naman niya ng halik ang mga labi ko. Walang na uling ano mang sinabi si Carson. He’s still catching his breath with a sweet smile on his face. NAG-SHOWER kami nang sabay at hindi ko mabilang kung ilang beses ko siyang kinurot dahil sa pagkapilyo niya. Pagkatapos naming magbihis ay nahiga na lang kami dahil masyado pa namang maaga para maghapunan. “Nakakatulog ka naman nang mahimbing no’ng wala ako?” tanong niya sa `kin. Nakaunan ako sa braso niya at iniyakap pa niya ang isang braso ko sa baywang niya. “Oo naman,” sagot ko. Pero kapag pagod ako sa pagtuturo. Kung hindi, nami-miss ko lang si Carson at wala na akong ginawa kundi ang isipin siya. “Kaya mo talaga akong tiisin?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Alam mo bang gustong-gusto ko nang hilahin ang mga araw para makabalik ako sa`yo?” Napatingala ako sa mukha niya at hindi ko naman napigilang matawa nang makita kong kunot na kunot ang noo niya. “Alam mo, kung minsan, nagdududa ako kung boss ka nga ba talaga ng sarili n’yong kompanya. Ang dami mong alam na kalokohan, `tapos para ka ring isip-bata. Ang sarap mong ibalik sa Grade I.” “Naii-stress ako sa trabaho kaya gumagawa ako ng mga bagay na makakapag-divert ng atensiyon ko. Ayokong kainin ako ng stress. So I always make sure I take a break at nagkakaroon ako ng rason para tumawa para makalimutan ang problema ko. Pero seryoso naman ako pagdating sa trabaho. I just make sure na approachable pa rin ang dating ko sa mga empleyado. Dahil sila naman talaga ang susi ng success ng kompanya namin,” paliwanag niya. Nakinig naman akong mabuti. Ang sarap niyang panoorin at pakinggan habang nagsasalita. I think he possessed that ‘command’ of a great leader. “Ang sabihin mo, ang trabaho mo lang ang break mo sa paggawa ng kalokohan,” biro ko naman. Lumapad ang ngisi ni Carson. “You could say that.” “Sabi na nga ba.” Nagkatawanan naman kaming dalawa. “Wow,” sabi pa ni Carson. “I never had this kind of conversation before.” “Ako rin.” And I really find it surprising and amazing at the same time. Nagkatinginan pa kami ni Carson. Sinuklay ng kamay niya ang buhok ko. “Gawin natin `to every time na may pagkakataon.” Pumalatak pa si Carson. “Kapag sinabi ko sa mga kaibigan ko na may ganito tayong conversation, maiinggit `yong mga `yon sa `kin,” mayabang pang sabi niya. “Sira-ulo ka,” natawang pakli ko at bumangon. Pero nakakakilig din ang idea na `yon kasi ibig sabihin lang n’on, proud siyang ganito kami. Sana nga palagi kaming ganito. “Halika. Manood tayo ng TV habang nag-uusap at kumakain ng brownies.” “Mas lalo silang maiinggit kasi wala silang asawang kasabay kumain ng brownies.” Napabunghalit na lang ako ng tawa. “MERON nga pala akong ipapakita sa`yo,” sabi ko nang meron akong maalala. Magsasalita pa sana si Carson pero maagap kong pinindot ang tungki ng ilong niya. “Huwag mo `kong pagtatawanan, ha.” “Takot ko lang sa`yo,” natawang sabi niya at ibinaba ang kamay ko. “Ano ba `yon?” “Teka lang.” Iniwan ko muna siya at naghanap ako ng ballpen. Nakakita ako sa taas ng ref. Agad kong binalikan si Carson at kinuha ang palad niya. “Naninibago `yong co-teachers at mga estudyante ko na tawagin akong ‘Mrs. Florencio’ pero nasasanay naman na sila.” “Dapat lang.” Proud na hinimas ni Carson ang baba niya. “Ipinanganak ka yata para gamitin ang apelyido ko.” “Hmp.” Sinulatan ko ang palad niya. “Nagkasakitan nga tayo bago tayo ikinasal, eh.” Tumawa na naman siya. “Ayos ba?” tanong ko nang ipakita ko kung ano ang isinulat ko sa palad niya. Pirma ko lang naman iyon na ‘MT Florencio’. Simple lang kasi hindi ko talaga alam kung paano aartehan. Sandali lang na kumunot ang noo ni Carson dahil agad siyang napangisi nang malapad. “Gustong-gusto mo talaga akong nakikitang kinikilig,” sabi niya. “Misis, this is just so cute. Ipa-tattoo ko kaya `to para hindi na matanggal?” “Tse,” kunwari ay pakli ko. Para akong batang hindi sanay na pinupuri at nahihiya. “Pakita naman ng pirma mo,” pilyang sabi ko. “`Yon lang pala, eh.” Kinuha niya ang ballpen mula sa akin. Napapahagikhik ako dahil sa pagkakiliti habang sinusulatan niya ang palad ko. Napakunot naman ang noo ko nang makitang nag-drawing lang naman siya ng tatlong heart. “Niloloko mo ba `ko?” “Joke lang,” natawang bawi niya. Kinulang yata ang space ng palad ko nang pumirma siya. Napangiwi naman ako. Sa sobrang komplikado, ang hirap gayahin. “Ano `to? Parang dinumihan mo lang naman ang kamay ko.” Carson pulls me to his lap. “Magulo lang tingnan pero pinakaimportante sa lahat ang pirma kong `yan.” Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likuran ng palad ko. “`Yabang, ah.” Piningot ko ang tainga niya. Pinigilan naman niya ang mga kamay ko. “Misis, naman, eh.” Natawa ako nang umasim ang mukha ni Carson. “Joke lang.” Ang pisngi naman niya ang kinurot ko. Hindi ako umalis sa kandungan niya. Kinuha ko na lang ang brownies sa mesa at ipinagpatuloy ang pagkain. Napansin kong hindi masyadong mahilig sa matamis si Carson. Inalok ko naman siya kanina pero sinabi niyang ako na lang daw ang kumain nitong lahat. Ipinulupot niya ang mga braso niya sa baywang ko at inihilig ako sa dibdib niya. Nakakaadik ang amoy ni Carson kahit wala siyang pabango. Ngayong ganito lang kami, parang kontento na `ko sa buhay ko. Parang wala na `kong mahihiling pa. ISINAMA ko si Carson sa pagsamba. Gusto kong ma-relax siya sa maikling panahong nandito siya. Sasalubungin na naman siya ng tambak na trabaho pagbalik niya kaya sana sa ganitong paraan, mabawasan ang stress niya. Natatawa rin ako sa sarili ko. Parang ginagalingan ko rin bilang misis niya. Gustuhin ko mang pigilan ang sarili ko pero nagiging masaya ako kapag nakikita kong nagugustuhan ni Carson ang mga pagkaing pinagsasaluhan namin, kung gaano siya ka-sincere na makipag-usap sa akin at sa pamilya ko at kung paano siya nagkukwento sa mga nangyayari sa kanya kapag hindi kami magkasama. Parang mas lalo ko pa siyang gustong alagaan dahil do’n. “Misis, do you think we should have an endearment for each other?” biglang tanong ni Carson. Kanina pa kami gising pero nanatili lang kaming nakahiga at magkayakap. Maaga pa naman at masarap talagang makipagyakapan lalo na at malamig sa umaga. “Hmm?” Endearment daw? Natawa ako. “Ang corny naman n’on, Mister.” “Gusto mo bang ‘Mister’ at ‘Misis’ lang ang tawagan natin?” “Okay na `yon,” sabi ko. Ewan ko ba. Basta ko na lang naisip na para saan pa ang endearment namin kung maghihiwalay din naman kami. Paano kung masanay ako? Mahirap naman `yong hindi na kami mag-asawa pero gano’n pa rin ang tawag ko sa kanya. Ngayon pa lang, hindi ko na ma-imagine sakaling naghiwalay na kami ni Carson at makahanap na siya ng iba. Dahil ako, alam ko sa sarili kong hindi ko na bubuksan sa ibang lalaki ang puso ko. “Kailangan,” giit naman niya. “Hindi na.” “Mas maganda `yon. Sige na.” Napalatak ako. “Wala akong maisip.” “Mag-iisip ako.” “Iba na lang ang pag-usapan natin,” pag-iiba ko. “Ano’ng gusto mong ulam mamaya? Ipagluluto kita.” “Talaga?” manghang tanong niya at ilang sandali pa ay ngumisi nang malapad. Gustong-gusto ko talaga kapag ngumingiti siya nang gano’n kasi para siyang bata. “Ipagluluto ako ng misis ko? Ang sweet naman.” Napabangon ako at pinagmasdan si Carson. “Eh, kasi pinasalubungan mo ako kaya dapat meron din akong gawin para sa`yo. Ikaw ang masusunod ngayon.” “Napansin ko na kakaiba ang sarap ng manok dito sa inyo. Gusto ko ng manok, Misis. Ano bang magandang gawin sa manok?” “Tinola? Ilagay sa bihon? Lagyan ng sotanghon? Adobo? Prito?” “Parang gusto ko lahat.” Nakangising bumangon siya. “Gusto ko ng tinola, Misis.” “Okay. Kung gano’n, tara na. Manghuli tayo ng manok.” “Ha? Manghuhuli ng manok? Tayo mismo?” hindi makapaniwalang sunod-sunod niyang tanong. Mayabang ko siyang nginitian. “`Di ba tinanong mo `ko kung may iba pa `kong kayang gawin? Tara na at pabibilibin kita.” “I like that!” Nauna pa siyang bumaba ng kama ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD