XVI

2130 Words
CHAPTER SIXTEEN NAKAKALUNGKOT na nakakapanlumo ang nakita naming sitwasyon sa home for the aged. Hindi dahil kinakapos na sa budget ang kumukupkop sa kanila kundi dahil ang iba sa kanila ay tuluyan na raw nakalimutan ng kanilang mga pamilya. We’d like to remain as anonymous donors as much as possible kaya naging tahimik lang din ang ginawa naming pagbisita sa mga kinukupkop na matatanda sa institusyong iyon. “Hindi ko alam kung paano kami lubos na makakapagpasalamat sa inyo, Mr. And Mrs. Florencio. Siguradong malaki ang magagawa ng generous amount na ipinagkaloob n’yo sa amin. Pero siguradong higit na matutuwa ang mga lolo’t lola rito dahil magkakaroon na rin sila nang mas maayos na tulugan at sapat na pagkain,” sabi sa amin ng nangangasiwa doon na si Mrs. Fernando. “Makakaasa po kayo na sisimulan agad namin ang pagpapaayos at pagpapatayo ng mga bagong facility rito.” “Salamat din po, Mrs. Fernando,” tugon ko naman habang hindi maalis-alis ang tingin ko sa mga matatandang nag-aagahan pa lang. “Marami bang tumutulong sa inyo sa pag-aalaga sa kanila?” tanong naman ni Carson. “Meron namang mga volunteer na tumutulong sa amin pero kakaunti lang sila.” “Baka pwede akong magpadala ng mga scholar dito para tumulong sa inyo kapag wala silang pasok.” “Gagawin mo `yon, Mister?” manghang tanong ko. “Hindi ako. Ang mga scholar.” Napabungisngis naman ako. “Pwede ho ba silang kausapin, Mrs. Fernando?” tanong ko pa. “Pwede naman po. Halina po kayo.” “OKAY KA lang, Misis?” tanong sa akin ni Carson nang sakay na kami ng sasakyan papunta sa opisina niya. Hinawakan niya ang isang kamay ko at ikinulong sa mga palad niya. “Okay lang, Mister. Ang totoo, mas magaan na ngayon ang pakiramdam ko. Iniisip ko nga kung ano pa ang tulong na pwede kong ibigay sa kanila,” sabi ko naman. “Baka maubos na ang pera mo niyan,” biro pa niya. “May trabaho naman ako, eh. Isa pa, hindi ko problema ang pagkain dahil magtapon lang ako ng buto sa lupain ng Bianon, eh, tutubo na lang `yon.” Nagkibit-balikat pa ako. “Siguro kapag naubos ko nang ipamigay ang pera, isusunod kita. Ano sa tingin mo?” Pinanlakihan niya ako ng mga mata. “Hindi magandang biro `yan, Misis, ha.” Traffic ang isa sa mga pinakaayaw ko sa lungsod. Sayang sa oras at nakakaubos din ng pasensiya. Pero nagpapasalamat na rin ako na safe kaming nakarating sa building kung nasaan ang opisina ng kompanya nina Carson. Kinukwentuhan niya ako tungkol sa mga negosyo nila. Meron silang textile factory sa Japan at sila ang pinakamalaking supplier ng silk sa market. Nagmamay-ari rin sila ng mga yate. Mag-cruise daw kami kapag nagkaroon na kami ng pagkakataong mag-honeymoon. Loko talaga. Meron din silang mga pension house sa iba’t ibang parte ng bansa. Meron din siyang shares sa coffee farm na mina-manage naman nina Ziggy at Thirdy. At hindi lang `yon, may shares din sila sa pinakamalaking TV network sa bansa. At ang pinagmulan ng yaman nila? Dahil daw sa nahukay na treasure ng lolo nila sa tuhod noong matapos ang World War II. Nakakalulang isipin. At hindi ko ma-imagine kung paanong mina-manage lahat ng iyon ni Carson. “Kaya kailangang gumawa tayo ng maraming anak para every business, may hahawak,” pahabol pa niya. Natawa na lang ako. “Welcome to my world, Misis,” sabi niya pagkalabas na pagkalabas namin ng elevator. “Wow,” mahinang anas ko. Late na nang mga oras na `yon kaya naabutan naming tutok na tutok na sa trabaho ang mga empleyado niya. “Ang sisipag nila.” “Guys.” Pumalakpak si Carson sa ere. Agad namang tinigilan ng mga empleyado ang ginagawa nila pagkarinig sa boses niya at tumayo. Nakangiti si Carson nang kabigin niya ako nang paakbay. “Pasensiya na sa istorbo. I just want to take this moment to introduce to you my beautiful wife, Mary Cris Florencio.” Nakita ko ang pagkasorpresa sa mga mukha nila. Naiilang ako sa mga tingin nila sa akin. Para nila akong kinikilatis. “Wife, meet all the people behind our success.” Nginitian ko sila at kinawayan. “K-kumusta kayo?” “Good morning, Mrs. Florencio! Welcome po sa company,” sabay-sabay nilang bati sa akin. Nakahinga na rin ako nang maluwag kahit papaano. Mukha naman silang mababait at approachable. “T-thank you.” “ANG SAYA-saya mo, ah.” Pabirong pinisil ni Carson ang pisngi ko nang pumasok na kami sa magara niyang private office. “Halata ba?” pasakalye ko naman. Nakausap ko kasi kahit sandali ang mga kababata ko na nakapasok dito sa kompanya nina Carson nang maka-graduate sila ng college. Ang tagal ko ring hindi nakita ang ilan sa kanila. Nakita kong napatigil si Carson nang makita ang tambak na papel sa mesa niya. “Ito na ba lahat ang trabaho ko?” Nakita ko ang pagtamlay niya. “Happy Monday.” Natatawang tinapik-tapik ko ang likod niya. “Nandito lang ako, Mister. Kaya mo `yan.” Finally, makikita ko na rin kung paano siya magtatrabaho. “Magiging okay ka lang ba, Misis? Hindi ka ba mabo-bore?” tanong niya sa `kin. “I’ll be fine, Mister. Marami naman siguro akong pwedeng gawin dito.” Marahan ko siyang itinulak papunta sa upuan niya. “`Trabaho ka na. Kailangan ka ng ekonomiya.” Lalayo na sana ako nang bigla na lang niya akong hinawakan sa braso at pinaupo sa kandungan niya. “Ayoko pang harapin ang katotohanan.” “Ikaw yata ang bored na kahit wala ka pa namang ginagawa. Mukhang isa yata akong malaking distraction, Mister. Uuwi na lang siguro ako.” Carson snakes his arms around me. “Dito ka lang. Magtatrabaho na `ko. Para may pambili tayo ng bigas.” Hinawakan niya ang likod ng ulo ko at idinikit ang noo ko sa kanya. Pagkatapos ay pinagkiskis niya ang tungki ng mga ilong namin. Napabungisngis naman ako dahil sa pagkakiliti. “Brother, I heard you’re back! You owe me!” Napaigtad ako nang basta na lang mambulabog ang boses ni Ziggy na ngayon ay nakapasok na sa opisina ni Carson. “Oops.” Kunwari ay nagtakip siya ng mga mata. “Am I supposed to see this?” “Hindi ba uso ang katok sa inyo?” tanong ko kay Carson. Carson smiles sheepishly at me. “Hey, Teacher Cris. Pasensiya na sa behaviour ko. Though I’m happier to see you.” “Ako rin,” kimi ang ngiting tugon ko at binalingan uli si Carson. “Mag-usap na kayo, Mister. Mukhang importante ang pag-uusapan ninyo.” “`Yaan mo siya. Sawang-sawa na rin naman ako sa pagmumukha ni Ziggy kaya wala akong pakialam kahit importante.” “Come on, Carson,” Ziggy groans. “Ganyan ka na sa `kin ngayon? Palibhasa lagi mong bukambibig na nami-miss mo na ang asawa mo kapag nandito ka.” I can’t believe what I just heard. Sinabi ba talaga ni Ziggy na nami-miss ako ni Carson? Well, kahit wala siyang sabihin, nararamdaman ko naman. Pero masarap pa rin naman kasing pakinggan at ulit-ulitin. “Mag-usap na kayo.” Inayos-ayos ko ang collar ng damit ni Carson at kinintalan siya ng mabilis na halik sa mga labi. TAHIMIK lang ako sa tabi habang nag-uusap sina Carson at Ziggy. Pinahiram ako ni Carson ng tablet niya para meron akong mapaglibangan. Nagba-browse ako ng magagandang music videos habang nakaupo sa malaking sofa. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa mga commercial building na pwedeng i-renovate bilang pension houses at coffee shops. Wala akong marinig na bahid ng kalokohan sa pag-uusap nila. I could only hear endless possibilities and positive outcomes. Hindi ako makapaniwala sa nakikita kong side na iyon ni Carson. Parang alam na alam niya kung kailan magiging pilyo at kailan magiging seryoso. Kinikilig ako kahit pagmasdan ko lang siya. Parang gusto kong ipagsigawan na ‘asawa ko `yan’! Para akong sira. “I’ll bring it up to the board meeting then,” Carson concludes. “Thanks, Brother.” Bumalik ang pagiging cheerful ni Ziggy. “Lunch date tayo mamaya?” Nangalumbaba ako sa armrest at pinanood lang silang dalawa. “Ano ba? Nandito ang asawa ko, o.” Nang balingan ako ni Carson ay nagpatay-malisya ako at ibinalik kunwari ang tingin sa tablet. “Misis.” Napatikhim ako. “Yes, Mister?” tugon ko sa pinakaswal na tono. “Anong gusto mong kainin para sa tanghalian? Do you have anything or a place in mind?” “Uhm...” Sinubukan kong mag-isip pero walang pumapasok sa isip ko. Ang totoo, parang alien uli sa akin ang makabalik dito sa kabihasnan. “Ikaw na lang ang bahala, Mister.” “Siguradong magugustuhan ni Cris sa restaurant ni Granny,” singit ni Ziggy. “Ikaw, ayaw mo lang naiistorbo kayo ng asawa mo, eh.” Dismayado pa itong napalatak at umiling-iling. “Mag-asawa ka na rin kaya?” “Sige, pero ipa-clone muna natin ang asawa mo. Gawin mo nang dalawang kopya para kay Thirdy `yong isa.” “Aalis ka ba o aalis ka?” walang kangiti-ngiting tanong ni Carson. Napapangiti na lang ako sa kanilang dalawa. “Pwede both?” Tumayo na rin si Ziggy. “See you later, Mrs. Florencio,” nakangiting paalam niya sa `kin. “See you later,” tugon ko naman. “Come here, wife,” sabi sa akin ni Carson nang tuluyan nang makaalis si Ziggy. “Hmm? Bakit?” nangingiting tanong ko. “May gagawin dapat tayo bago nang-istorbo si Ziggy.” “Ikaw ang may kailangan, ikaw ang lumapit,” napalabing sabi ko at bumungisngis. ILANG minutong drive lang at narating na namin ang Selina’s, ang restaurant na pagmamay-ari ng granny nina Ziggy at Thirdy. The three men I’m with are certified head-turners. Napatunayan ko iyon kanina nang pumasok kami sa restaurant. Ang totoo, nakakaalangan nga. Pero gusto ko ring mapangiwi. Hindi siguro alam ng mga nakakakita sa tatlo na puro rin sila mga loko-loko. Naupo kami sa parte ng restaurant na hinaharangan ng mga fortune plant at malapit sa glass-paneled wall. Malayo sa ibang kumakain at kahit papaano ay meron pa rin kaming privacy. In-assume ko na nakalaan talaga ang area na `to para sa kanilang tatlo. “They serve all kinds of Filipino food and seafood here,” sabi sa akin ni Carson nang buksan niya ang menu na nasa mesa na. “Ano ang gusto mo, Misis?” Ibinigay niya sa akin ang menu at inilagay niya ang kanyang braso sa sandalan ng upuan ko. I hear Ziggy’s groan. Hindi ako makapili, sa totoo lang. Mukhang masasarap ang mga pagkain na sini-serve dito. Gusto kong order-in lahat. “Ah, ito,” sa huli ay sabi ko at itinuro ang picture ng bulalo. “Na-miss kong kainin `to. Magpapaluto ako nito kay Nanang pag-uwi ko.” “Pag-uwi natin,” pagtatama naman ni Carson nang idikit niya ang mukha niya sa mukha ko. Napakislot naman ako dahil sa pagkakiliti. “Hay, naku,” Ziggy groans again. “Takpan mo na nga lang `yang mga mata mo,” hindi nakatiis namang sabi ni Thirdy at idinudtdot sa mukha ng pinsan nito ang menu. “Ngayon lang nagkaganyan si Carson. Hayaan mo siyang ma-in love sa asawa niya.” Hindi ko alam pero napatigil ako sa sinabing iyon ni Thirdy. Tingin ba niya, ginagawa ito ni Carson dahil nai-in love ang asawa ko sa `kin? Nakakatawang isipin `yon. Hindi namin pinag-usapan ni Carson ang tungkol sa pag-ibig. Wala kaming ginawang kasunduan na bawal kaming ma-in love sa isa’t isa dahil hindi naman namin napag-usapan ang tungkol do’n. I don’t think love is Carson’s cup of tea. Ginagawa lang naman namin `to ni Carson dahil gusto naming magkaanak. Si Thirdy naman, o. Umaasa na nga ako, pinapaasa pa `ko lalo. “Inggit kasi,” kantiyaw naman ni Carson at ikinawit ang braso niya sa balikat ko. Wala talaga akong pakialam sa reaksiyon ni Ziggy dahil kinikilig ako sa ginagawa ng asawa ko. “Okay, we’ll have this one. I think dapat mo rin `tong i-try.” Itinuro niya ang beef steak. “It’s sweet and sour. And for the dessert, let’s have this.” Itinuro niya ang halo-halo. Napangiting tumango naman ako. “Sige, gusto ko rin niyan.” Inilagay ko ang kamay ko sa hita niya. “Pupunta lang ako muna ng rest room.” “Gusto mo, samahan na kita?” “Wow, possessive ka na rin ngayon,” hindi napigilang sabad ni Ziggy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD