Chapter 43 Amery POV NAKAUPO ako sa ibabaw ng stretcher at ginagamot ng isang nurse ang galos ko sa kanang braso at sa noo nang hangos na dumating ang Mommy at Glecel. Kasunod nila sina Brad at Clark. "Ethan!" Nag–aalalang bulalas ni Mommy sa may bungad pa lang ng ER. "Ano ang nangyari? Are you alright?" Sunod–sunod nitong tanong, halos mawalan ng kulay ang mukha ni Mommy sa matinding pag–alala. "Were you hurt?" Nag–alalang susog naman ni Glecel na agad na humawak sa braso ko. "Ano ang magagawa ko for you?" Tinitigan ko ang babae, pagkatapos nilipat ko kay Clark. Nagkaroon ako ng duda na biglang umahon sa dibdib ko. Hindi ko p'wedeng ipahalata sa kanila, that my memory was restored. Bigla kong naalala ang nakita ko sa hotel. Nakita ko silang magkasama na tatlo. Brad, Clark and Renz.

