Chapter 18

1655 Words
》TORY《 Nakabusangot kong pinanuod ngayon si Alas habang lagok siya nang lagok ng alak. Ilang baso na rin ang nainom ko kaya hindi ko na dinagdagan pa. I’m so weak when it comes to drinks. Sabi nga ni Van, madali lang akong malasing. Ayaw ko naman na maulit ang nangyari noon sa bar. Tho, kahit wala kami sa bar ngayon, ayaw ko na uminom pa. I still want to hear his story. Kung magsasalita man siya. Nasa baybayin kami ngayon. Medyo dumidilim na din kasi nga kanina pa kami dito. Nag-order ako ng mga alak saka isang malaking tela para maupuan namin. Like what I’ve said, kanina pa kami dito. Nakita na namin ang sunset pero ni minsan hindi siya nagsalita simula nung hinila ko siya para yayaing uminom. Napabuntong hininga ako at tumingin sa payapang dagat. I think I need to start the conversation. Kasi kapag hindi pa ako nagsalita, mapapanis na ang laway ko. “Van and I met when we’re still in highschool back then. Matalino siya, sikat, gwapo, mayaman—halos lahat nasa kanya na. Pinagpi-pyestahan nga siya ng mga babae sa tuwing dumadating siya sa school. While me? I’m just a simple highschool girl na pilit inaangat ang sarili mula sa pagkakalugmok” Hindi ko na siya sinulyapan pang muli. Alam ko naman na nakikinig siya. I can feel his stares. “I was okay—we were okay noong hindi pa namin kilala ang isa’t-isa. Syempre kahit isa ako sa mga babaeng humahanga sa kanya, hindi ko na sinubukan pang mangarap na balang araw, mapapansin niya rin ako. Like hell, paniguradong kapag nangyari ‘yun, mahigit sa isang libong sabunot ang matatanggap ko mula sa mga fans niya”, I smiled when I remembered what happened next. “I thought it was just a dream, shock na shock ako nung malaman kong siya ang magiging ka-partner ko sa isang play about Romeo and Juliet” [FLASHBACK] Hindi parin ako makapaniwala. Ang isang famous Giovanni Ty Ramos ang magiging partner ko sa isang play! Kahit ramdam ko ang mga mapanghusga at nandidiring titig ng mga babae sa paligid namin, I don’t care anymore. Ang tanging atensyon ko ay nasa kanya. I cleared my throat when he turned his head to me and smiled. Oh, s**t! That smile! Parang gusto kong himatayin! “So, you’re my Juliet, eh?”, aniya nang makalapit. Nahihiyang tumango naman ako. “Nice, ang suwerte ko naman”, dagdag pa niya na mas lalo kong ikinapula. “So let’s start practicing our lines?” [END OF FLASHBACK] “Dahil nga mahaba-haba pa naman ang oras namin para ma-practice nang mabuti ang bawat gagawin, simula noon lagi na kaming magkasama. Sa breaktime, lunch at kahit sa uwian magkasama parin kami. We’re practicing our lines but at the same time, enjoying the company of each other. Then I realized. I’m falling for him. Akala ko nung una infatuation lang, pero hindi eh. Sobrang hulog na hulog na ako sa kanya. Sino ba namang hindi diba? Kahit sinong babae mahuhulog sa kanya” Si Van kasi ang tipo ng mga babae mapa- noon man o ngayon. He’s a perfect resemblance of Romeo. Mabait, gwapo, mayaman, talented, mapagmahal at matalino. “After years of being in a friends-relationship, he decided to court me up. Nanligaw siya for 1 year ata? Then sinagot ko siya nung birthday niya. Okay naman ang relasyon naming dalawa. May mga konting hindi pagkakaintindihan pero naaayos naman. Not until nagpaalam siya kasi may oportunidad daw na naghihintay sa kanya sa US. Nakuha kasi siya bilang leading man sa isang teen romance movie. We decided to continue our relationship—LDR. Noong una ayos lang naman ang takbo ng relasyon namin. Hanggang sa ipinakilala niya saakin ang best friend niya daw kuno” My smile slowly fades as I reminisced our break up. [FLASHBACK] Maluha-luha kong tinawagan si Van matapos kong makita ang nag-viral na video. Ayaw kong paniwalaan ang napanuod ko dahil gusto kong marinig mula sa kanya mismo. He said she’s just his best friend. Ang sabi niya magtiwala lang ako. Hindi niya ako kailanman lolokohin. At mas pinaniniwalaan ko ang mga sinabi niya kaysa sa napanuod ko kanina lang. Ilang beses ko siyang tinawagan bago niya sinagot. “Babe! Bakit ang tagal mong sinagot?”, tanong ko. Pilit kong ginagawang normal ang naginginig kong boses. Hindi niya dapat mahalata na umiiyak ako. “Tory...” Napatakip ako sa bibig ko habang pinipigilan ang paghagulhol. He called me Tory. Pangalan ko. That means may nangyari nga. May mali siya. “I’m sorry” I closed my eyes and forced myself to be fine. I can do this. Huwag kang umiyak, Tory. Hindi ka iyakin... “Let’s break up—” Shit! Agad kong napatay ang telepono. Napasandal ako sa pader habang dahan-dahang napaupo. Ang sakit kingina. Buong buhay ko nagtiwala ako sa mga pangako niya. Pero ngayon... Akala ko kasinungalingan ang napanuod ko. Pilit kong pinapatatag ang loob ko kasi alam kong hindi niya kayang halikan ang best friend niya sa harap ng camera. Pero nagkamali ako. Sinungaling siya! [END OF FLASHBACK] “After our break up, nalaman kong umuwi siya sa Pinas kasama ang best friend niya. We decided to meet again para malinawan na ang lahat. He said naguguluhan siya kung sino ang pipiliin niya. Sinabi kong si Halli nalang ang piliin. Kasi kung talagang mahal niya pa ako, hindi siya mag aalinlangang piliin ako. If he really love me, I won’t be one of the choices” I sighed. Kahit na sabihin kong naka-move on na ako, hindi ko parin mapigilan ang masaktan. Since we broke up, naiinis ako kapag may nagtatanong kung talagang ex ba ako ni Van. I don’t want to hear the word “ex”, ‘coz that only means I failed as his girlfriend. “At pinili nga niya si Halli. Bumalik sila ng US and they live happily ever after—Charot. mukhang wala talagang forever kasi bumalik pa siya dito without his girlfriend” Not that I think of it. Hmm, posible kayang kaya siya bumalik dito ay dahil naghiwalay na sila ni Halli? Or maybe nandito lang talaga ang next project niya at babalik rin agad siya sa US kapag natapos na? Oh, well... Whatever. Past is past. I took one glass of vodka and drank it straight. Napangiwi pa ako nang halos masunog na ang lalamunan ko. Darn! Kaya ayaw ko ng alak eh. I put the glass down and looked at him. “Nasabi ko na ng akin. Mind if you’ll tell yours?” Umiwas siya nang tingin at kinuha ang isang bote ng alak sabay inom. “I met Xyla at the bar back then. Nagkayayaan ang barkada dahil birthday ni Drey. She’s a waiter in that bar. We met, date, and then we became together. I gave her everything she wants. Money, dress, jewelries, etc. Years after I saw her with an old man. I confronted her. She said may utang siya sa matanda that’s why she used me. We broke up, she flew to US—the end of the story”, aniya at saka lumagok ulit ng alak. My jaw literally dropped. The heck. Ang haba ng kuwento ko tapos sa kanya hindi man lang tumagal ng limang minuto. “Wow! Just wow”, ngumiwi ako at kinuha ang alak mula sa kanya. “Tama na, marami ka nang nainom” Tumingin naman siya saakin at bumuntong hininga. Sinimulan ko nalang ligpitin ang mga kalat. “I know that’s not the whole story yet, but it’s okay kung ayaw mo pang i-share. Pero sana naman huwag mo akong pigilan na ipagtanggol ka mula sa babaeng ‘yun. Ayaw ko lang na masaktan ka ulit. You don’t deserve a woman like her” Tumayo ako at inilahad ang kamay ko sa kanya. “Gumagabi na. We need to go back” He looked at my hand then shifted his gaze to me. Bumuntong hininga siya at tumayo mag-isa. Nahihiyang ibinaba ko ang kamay ko at lumuhod para gawing supot ang tela na ginamit namin. Hindi ko naman kayang dalhin lahat ng bote kaya patalinuhan na lang. Dahan-dahan akong tumayo at binitbit ang supot na may lamang mga bote ng alak at baso. “Let’s go, gutom na ako”, pagyayaya ko sa kanya at naunang naglakad. Nagulat ako nang hilahin niya ang dala ko at siya na mismo ang bumitbit. “Kaya ko naman”, giit ko at sinubukang bawiin ang supot pero inilayo niya sa’kin. “I know. I just want to help you”, usal niya at inunahan ako sa paglalakad. Napangiti ako nang pilit. Minsan, ang hirap din intindihin ni Alas. Minsan, mabait kadalasan masungit. I just shook my head at tumakbo nalang para makaabot sa kanya. Nang makarating kami sa room namin agad akong tumungo sa kusina para makapagluto. I’m so hungry at wala atang balak si Alas na dalhin ako sa isa sa mga restaurant dito. I can’t go on my own, baka mamaya makasalubong ko na naman si Xyla at Van. Ayaw ko muna magmaldita. “Hoy!”, tili ko nang hilahin niya ako at isinandal sa ref. Seryoso bakit sa ref pa. Saka bakit parang nakakasanayan na niyang isandal ako sa kung saan-saan. “I’m hungry”, reklamo niya habang nakatitig sa lips ko. “Magluluto pa nga ako huwag ka ngang malandi” Kumunot ang noo niya. “Malandi?”, taka niyang tanong at marahan na tumawa. “You’re the only one I am flirting with, Tory. Ayaw mo ba?” Umiwas ako nang tingin at napa-lip bite. “Gusto”, nahihiya kong sagot. Mas lalo pa siyang humalakhak at binuhat ako. “Gusto mo naman pala, nagrereklamo ka pa”, aniya at tuluyan na akong binuhat patungo sa kama. Tangina, gutom pa ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD