Chapter 1

802 Words
"Lo, paki sabi po sa kung sino man na maghanap sa akin na roon po ako dumaan," I said and pointed the way na hindi ko naman talaga dadaanan. I will only confuse that person who's looking for me. I ran quickly toward the gate. Nagtago ako sa gilid ng bahay ng kapitbahay namin, sa may sulok na siyang nahaharangan ng isa pang bahay. It's already 10 in the evening. I hugged my trembling body when the wind blew coldly. I heard footsteps coming in my direction. Ang kaninang nilalamig kong katawan ay ngayo'y pinagpapawisan na. He found me. I hurriedly went outside of the corner where I was hiding. He damn followed me! Ang lalaking panot na mukhang butete! I saw him earlier at our kitchen. May kinakalkal sa lababo. Pagkakita ko sa kaniya kanina ay agad akong bahay at may ibinilin kay lolo . I entered an alley that leads out to the compound. I can no longer see that puffer fish. But I can't assure if he's really gone. Ngunit nagulat ako ng makita ko siyang nasa harapan ko na. I was about to run when I suddenly.... woke up. Oh my God, that was just a dream. Lumabas ako ng aking silid para uminom ng tubig. Nakita ko si lola na nagluluto ng agahan. Naalala kong Huwebes nga pala ngayon, PE day. Pagkaluto ni lola ay kumain na ako saka naligo. Maaga naman akong nagising pero hindi ko alam kung bakit late na ako. Isinuot ko ang uniform ko. Isang color gray na paldang below the knee na may stripes, white blouse, white knee sock at ribbon para sa collar. "Anong sub na?" tanong ko kay Jazel. May isinusulat na kasi sa black board na kulay green. Nandito na rin si ma'am at siguro ay nasa 20 na kami. "ESP," aniya. Tumango naman ako saka kinuha ang notebook at ballpen sa bag ko. "Alam n'yo si Mary Jane, may bagong jowa nanaman oh," wika ni Jergen saka ipinakita sa amin ang nasa 'My Day' ni Jane. "E? Jowa n'ya iyan? Akala ko ba ay sila no'ng Mark?" Takang tanong ko kay Jergen. "Break na agad sila no'n, 'di nga manlang nagtagal ng isang linggo," aniya. Si Ayesha naman ay may kinakalkal sa kuko niya. Habang si Jazel naman ay nagsusulat lang. Dumating na ang pang second subject teacher namin. Science time na. Minsan inaantok ako sa subject na ito. Saglit lang nag discuss si ma'am Arenas, saka may pinagawang activity. Nang matapos na sa pangalawang subject ay nag recess na. Hindi uso rito sa amin ang magpunta sa canteen. May soup at tray kada section. Naiinis pa nga ako minsan dahil once na 50 peso bill ang ibabayad mo, nasa 20 pesos o higit pa ang ipabibili sa iyo. Hindi pa natatapos ang recess namin nang biglang dumating ang teacher namin sa Filipino. Pinatigil bigla ang nagtitinda. Ang epal lang, nagugutom na ako e. Kapag ako talaga nagkasakit, sisisihin ko 'tong si ma'am Patpat este ma'am Pat lang pala. Oh, kitams, hindi magtuturo tapos sandamakmak ang pagagawin. Hindi na kami nag-PE dahil wala si ma'am Jess, kaya hiniram nalang ni ma'am Pat ang time namin sa PE para magdagdag ng ipapagawa niya sa amin, kesyo wala naman daw kaming gagawin. Nakakainis, hindi pa kaya kami tapos mag-recess. May sumunod nanaman na sub, ang Math. Hindi na kami nakapag recess, kaya ang ending ay hindi kami makakalabas ng room para mag-lunch hangga't hindi ubos ang tray. 5 pesos lang ang nabili ko. Limang cringles lang kasi na tinda ni ma'am ang binili ko dahil iyon nalang ang natira. Nakalabas na kaming apat pero kaming tatlo lang nila Jergen at Ayesha ang magkasama dahil si Jazel ay nag half day, sumasakit daw ang tiyan. Pumunta kaming tatlo sa seven eleven dahil doon kami kakain. Sisig ang binili ko habang si Jergen naman ay Giniling. May baon ng ulam si Ayesha kaya hindi na siya bumili. Pagkapasok ko sa room ay napaka init. Ang baho rin. Mga nag-uunahan na tumutok sa electric fan. Sumisingaw tuloy yung amoy nila. Pero ako, ang bango ko kaya. Naka aircon ako kanina't walang pawis. Tuwang tuwa ang mga kaklase ko nang sinabi ni ma'am na manood nalang daw kami dahil may meeting sila. Horror movie ang naisipan naming panoorin. Kotodama ang title. Wala akong maintindihan sa pinapanood. Bang-iingay ba naman kasi. Bigla tuloy dumating si ma'am Pat, may pinapagawa sa AP. Hindi niya pa kaya time. "Ma'am may pinapagawa pa po sa amin si ma'am Jen." Wika ni Ariene. "E bakit nanonood kayo?" tanong ni ma'am Pat. "Pinapapanood po kasi kami ni ma'am," ani Sean. Tumingin muna sa amin si ma'am Pat bago ulit nagpatuloy sa paglalakad. Ng mag 3PM na pilabas na kami. Dumiretso na ako sa waiting shed na siyang abangan ng tricycle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD