PALAKAD-LAKAD si Leon sa loob ng silid nito na hindi mapakali. Mag-uumaga na pero wala pa rin itong tulog na iniisip ang kapakanan ng kaibigan. Mabuti na lang at nakumbinsi din nito ang kaibigan na magsabi ng totoo at kumampi sa side nila. Inaalala kasi ni Leon ang napag-usapan nila ng mga kapatid nito at ang bayaw na si Prince Red. FLASHBACK: Magkakaharap ang magkakapatid na Madrigal sa center table ng library room ng mansion nila para mapag-usapan ang plano tungkol kay Rhea at Douglas. Kung paano i-trap ang dalawa na mahuli sa aktong. . . sila ang puno't dulo sa panggugulo kay Leon at Chelle. "So, what's our plan?" basag ni Prince Red sa nakabibinging katahimikan nilang lahat na nagpapakiramdaman. Napahinga ng malalim si Delta na napahilamos ng palad sa kanyang mukha. "Tayo ng bahal

