HATINGGABI na nang lumabas si Leon sa silid ni Chelle at bumalik sa silid nito. Kung hindi pa ito sapilitang pinalabas ni Chelle ay hindi pa ito lalabas ng silid. Pagod at nanghihina si Chelle na nakahiga ng kama sa hindi na nito mabilang kung ilang beses siya inangkin ni Leon. Ang taas pa naman ng libido nito sa katawan na pinakamababa na sa kanya ang limang rounds! Para tuloy siyang nalantang gulay na hinang-hina at hindi makakilos sa kinahihigaan. Kaya ultimo paglilinis ng katawan niya ay si Leon ang gumawa bago iniwanan ito ng silid. Pasipol-sipol naman si Leon na naglakad ng hallway. Nangingiti na iniisip ang asawang nahihimbing na sa kabilang silid. Kung hindi lang buntis si Chelle ay magdamag nitong hindi tantanan ang asawa. Habang tumatagal pa naman ang pagsasama nilang dalawa a

