NAKABIBINGING hiyawan at tilian ng mga tao ang naghari sa loob ng gym court na nagtungo si Leon sa harapan ng stage na may ngiti sa mga labing kumaway sa lahat. Kahit simpleng khaki cargo pants at plain vneck black shirt ang suot ay napakagwapo nitong tignan lalo na't nakabakat ang shirt nito sa kanyang makisig na pangangatawan! "Good evening, guys," pagbati ni Leon na ikinaingay lalo ng paligid. Napapangiti itong napapakaway sa mga tao dahil hindi na magkandamayaw ang mga itong sinisigaw ang pangalan nito. "Alam kong lahat kayo ay nakikilala na ako. Uhm, gusto ko lang ipakilala sa lahat ang soon to be misis kong nanonood ngayon," tuloy nito na ikinasinghap at tili ng mga tao. Napalapat ng labi si Chelle na nagpipigil mapangiti. Nag-iinit ang mukha dala ng kabiglaan, saya at kilig na

