"L-Leon, sandali," naghahabol hiningang putol ni Chelle sa mapusok nilang halikan. Namumungay ang mga mata na napatitig si Leon dito na bakas sa mga mata ang kalasingan. "Bakit, sweetheart?" anas nito. "May mag-ama na kasi ako eh. At mahal na mahal ko ang ama ng anak ko." Nalukot ang mukha ni Leon na naniningkit ang mga matang napatitig dito. "Huh?" Napalapat ng labi si Chelle na nagpipigil matawa sa mukha ni Leon na kitang lasing na nga. "May mahal na ako," ani Chelle. Pigil-pigil ang pagtawa nito na napababa si Leon mula sa pagkakadagan sa kanya na naupo ng kama. Napasabunot ito sa buhok na biglang. . . umatungal! Inabot ni Chelle ang unan na itinakip sa mukha na hindi na mapigilang mapahalakhak sa pag-atungal ni Leon na dinaig pa ang isang bata! Naiiling na lamang ito na na

