Chapter 70

1318 Words

NAPAPAPILANTIK ng mga daliri si Leon habang nakahawak sa manibela ng van nito. Hinihintay ang hudyat ni Haden na pumasok na sila sa hideout ni Douglas. Tinawagan ni Chelle si Douglas na nagpasaklolo para tulungan ng binata na tumakas. Mabuti na lang at kumagat ito sa bitag nila kaya sinundo nga si Chelle na naghihintay sa kanya sa labas malapit sa mansion ng mga Madrigal. "Ang tagal naman," nababagot nitong reklamo na nanggigigil ng pasukin ang lungga ni Douglas. "Baka mamaya mapahamak na sa loob ang mag-ina ko." "Relax, Kuya. Nakikita mo namang maayos ang reyna mo," natatawang saad ni Noah na pinaningkitan nito. May suot kasing reading glasses si Chelle na may nakakabit doong maliit na hiden camera na naka-connect sa Ipad na hawak nila Leon. Napahimas ito sa baba na hindi inaalis

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD