NAPATAKIP ng palad sa bibig si Leon na impit na napahagulhol habang nakikinig sa usapan ng ina at asawa nito. Bawat paghikbi ni Chelle ay tila kutsilyong tumatarak sa puso nito. Gusto man niyang aluhin ang asawa, kung pwede kunin na ang bigat at sakit na naidulot nito sa asawa ay gagawin niya. "I love him so much, Mommy. Mahal na mahal ko si Leon. Kaya sobrang sakit din sa aking tanggapin na magkakaanak na siya sa iba. Ngayon pa lang ay nadudurog na ako para sa anak ko. Na may magiging kapatid na siya. . . pero iba ang ina. Akala ko po kaya ko eh. Pero ngayon pa lang ay nauupos na ako. Ang sakit lang po kasi wala namang kasalanan 'yong bata pero, Mom. . .galit ako sa kanya. Galit ako sa batang 'yon kahit alam kong hindi naman dapat. Nagiging masama na po ba ako? Masama na po ba ako na hin

