Chapter 45

2020 Words

NAKUROT ng pinong-pino ni Chelle si Leon sa tagiliran na natatawang bumitaw sa kanya. Nagniningning ang mga mata na napakalapad ng ngiti na hindi makaangal sa kanya ang mahal. Nag-iinit naman ang mukha ni Chelle lalo na't tinutukso na sila ng paligid nila. "Naakakainis ka. Ang bilis mo, ha?" ingos nito na ikinahalakhak ni Leon na sinamantalang niyakap ito. Para namang maiihi sa magkahalong kilig at hiya si Chelle na napapapadyak ng mga paa habang nakasubsob sa dibdib ni Leon na basang-basa pa ng pawis. Mabuti na lang at mabango pa rin ito kahit naliligo na ng pawis. Nangingiti itong kusang umangat ang mga kamay na napayakap sa baywang ni Leon na panay ang halik sa ulo nito. "Tara na?" anito na inakbayan si Chelle. Hindi na lamang umangal si Chelle na nagpatianod ditong inakbayan siyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD