Kabanata 1
Halos matumba ako nang salubungin ako ng isang malutong na sampal ng aking ama gamit ang kamay niyang bakal. Nalasahan ko ang pamilyar na lasang kalawang sa bibig ko habang pwersahan akong lumuhod sa harapan niya.
"You really are a disgrace to this family, stupid brat," malumanay ngunit may diin niyang sinabi habang nakatingin sa akin ang mala-halimaw niyang mga mata.
Paalis na ako sa isang abandonadong gusali na nagsisilbing isang arena tuwing gabi sa bungad lamang ng kabilang bayan, nang biglang nagsidatingan ang national guards upang arestuhin lahat ng tao roon sapagkat karamihan sa kanila ay mga rebelde at kriminal. Sa kasamaang palad, isa ako sa mga dinakip at idinala sa isang t*****e Chamber sa gitna ng kagubatan paakyat sa Mount Saige na siyang sinunod sa pangalan ng pamilya namin.
Sa pag-aakalang isa ako sa mga rebelde, labis na p**********p ang dinanas ko roon buong gabi. Gamit ang tatlong buntot pagi, nilatay nila ang buong katawan ko sa pamamagitan ng paghampas niyon sa akin sa tuwing hindi ako nakakasagot sa mga katanungan nila. Pinakawalan lamang nila ako nang halos hindi na ako makatayo sa sobrang sakit ng katawan ko at inihatid ako sa lupa ng angkan namin. Malamang ay nasabihan na rin ang mga ito na maaari nila akong parusahan sa oras na mahuli akong may ginagawang kalokohan, kahit na isa pa akong Saige.
"I'll be better," tanging tugon ko na hindi mababakasan ng sinseridad. Sinubukan kong tumayo mula sa pagkakaluhod ko nang muli niya akong sampalin sa pisngi. Sa pagkakataong iyon, hindi na nakaya ng katawan ko at tuluyan na akong natumba sa sahig ng aming balkon. Kasabay noon ay ang malakas na paghampas ng malamig na hangin ng madaling araw sa buong pagkatao ko. Hindi ko na namalayan ang tuluyang pagbagsak ng talukap ng mga mata ko.
Kinaumagahan, nagising ako na nakahiga pa rin sa malamig na sahig ng balkon. Talagang hinayaan ako ng butihing ama ko na matulog dito sa labas ng pagkalaki-laki naming tahanan. Iritable akong bumangon at pumipikit-pikit pa ang mga mata kong sumubok na tumayo. Thanks to my cursed ability, my injuries heal faster than normal people do. May kaunting kirot na lamang sa katawan at pisngi ko. Ugh, it probably left a bruise on my face. The last slap was a hard one, not gonna lie.
Pumasok na ako sa loob upang ipagpatuloy ang tulog ko sa kwarto. Nakasalubong ko pa ang aking ama na palabas ng mansyon habang inaayos ang kanyang pulang kurbata na ipinares niya sa itim niyang tuxedo.
"Good morning, dad," bati ko sa kanya na tila walang nangyari kaninang madaling araw. Bakas pa rin ang galit sa mukha niya ngunit minabuti niyang huwag nang magsalita sapagkat alam niyang lalabas lang iyon sa kabilang tainga ko. He knows better than anyone that I never listen.
Bago siya sumakay sa kalesa na mayroong ginintuang karwahe sa likod, narinig ko na mayroong nagsalita mula sa loob.
"Are you sure you'll allow her to enter that place?" Malumanay ang boses ng babae nang sabihin iyon. Pareho sila ng pananalita ng aking ama. Hindi ko siya nakikita pero base sa pananalita niya, isa siyang mahinhin na babae na balot na balot ang kasuotan.
"Don't worry about it, Aurora. My decisions are never wrong," tugon ng aking ama bago tuluyang sumakay sa karwahe. What was the about? Did he get a new girlfriend?
Nang makaalis na sila, saka pa lamang ako naglakad patungo sa kwarto ko sa ikalawang palapag. Napasimangot ako nang makitang nakatayo si Carson sa tuktok ng hagdan. Napansin ko na mayroon siyang hawak na isang papel at sa paanan niya ay isang malaking bagahe.
Nagtataka man ay hindi na ako nagtanong at baka pagsimulan lang ng bangayan namin. Nagpanggap ako na hindi siya nakita at nilagpasan siya nang bigla siyang magsalita.
"It's Father's decision about your request two years ago." Malalim ang boses ni Carson na aakalain mong nasa ilalim siya ng balon. Naiirita lang ako kapag naririnig siyang magsalita kasi madalas ay panunuya sa akin ang lumalabas sa bibig niya. Ngayon lamang ako naging interesado sa sasabihin niya.
Nahinto ang mga paa ko sa paghakbang at otomatikong umikot upang balikan si Carson. Narinig kong bumuntong-hininga siya habang nakatingin sa akin na parang nabi-bwisit. Look at his darned temper! This attitude must have passed down by our father to us. Ito ang tanging pagkakapareho naming tatlo.
"Let me see, brother," sabi ko sa pinaka-malambing kong boses pero mukhang mas lalo lamang siyang na-bwisit sa akin dahil biglang nagkasalubong ang mga kilay niya. Scary. "Hurry! Hand it over," muli kong sinabi habang nakatingin sa papel na hawak niya. Hindi ako lumapit sa kanya dahil baka bigla niya akong sapukin.
Umismid muna siya sa akin bago niya pabalang na inabot sa akin ang papel. "Ilang araw kong inasikaso 'yan, so don't you dare disturb me for a whole month. Please lang, Presley. Stay away from trouble."
Tiningnan ko siya nang matagal. "One month? Isn't that too long?" pang-aasar ko sa kanya pero irap lang ang tanging itinugon niya. Kung kaya't sinimulan ko nang basahin ang nasa papel.
August 1, 2021
Presley Saige
First Village, Saige Subdivision,
Country of Ligaya, Harimaya
Dear Presley,
We are happy to inform you that your application in Kari Academy has been approved by the school director. Our next semester begins tomorrow, August 9. Make sure to bring only the essentials since we confiscate things that cannot be used during trainings before you enter the dormitory.
Another good news is we have permitted you to go home every weekend as per your family's only condition for your application.
Welcome to our campus! We hope to share good memories with you.
Sincerely,
Teacher Kash
Namilog ang mga mata ko nang unti-unting rumehistro sa utak ko ang sinasaad ng sulat. Napalingon ako kay Carson upang silipin ang reaksyon niya. Baka mamaya ay bigla siyang sumigaw ng "It's a prank, noob!" although it isn't actually his style.
"For real?" tanging nasabi ko sapagkat hindi pa rin ako makapaniwala. Two years ago, I proposed something like "Father, I think there's only one way for me to stop getting into trouble. Enroll me to Kari Academy, the one located at the top of Mount Amog." and I'm only getting an answer today?
Bumuntong-hininga si Carson. "I have no idea what he's thinking, but you're going to Kari Academy next week. Under certain conditions, of course."