Kabanata 2

1090 Words
Habang tumatanda ako, napapansin kong naiiba ako sa mga miyembro ng angkan namin at lalo na sa lahat ng tao. Sa tuwing lumalabas ako ng subdivision na pagmamay-ari ng pamilya namin, napapansin ko ang kakaibang mga tingin sa akin ng mga tao. Bukod sa respeto na ipinapakita nila dahil isa akong Saige, nakikita ko sa mga mata nila na natatakot sila sa akin at sa maaari kong gawin sa kanila. But still, they would greet me with a big, enthusiastic smile. Sa bahay naman, si Carson at ang lahat ng mga pinsan namin ay parating abala sa pagsasanay. Tuwing sasapit na ang Agosto hanggang Hunyo, mas lalong hindi ko na makikita ang mga iyan sapagkat papasok na sila sa isang sikat na dormitory school sa tuktok ng Mount Inag, ang Blaire Academy. Tanging ako lamang ang hindi pinapayagang pumasok sa paaralan na iyon at kahit isang paliwanag ay wala akong natanggap. Hanggang sa makaugalian ko nang lumabas-labas ng subdivision sapagkat parati naman akong mag-isa sa mansyon. Parati ako sa labas at kung saan-saan ako nakakarating ng hindi alam ng pamilya ko, ngunit nilimitahan ko ang sarili ko sa loob ng Ligaya Country, at kung pupunta ako sa kabilang bayan ay sa bungad lamang nito. Ang bayan ng Ligaya lamang kasi ang sakop ng kapangyarihan ng pamilya ko at natatakot ako na kapag lumabas ako roon at pumasok sa katabing bayan e makaranas ako ng ibang trato sa mga tao. Kaya sobrang natuwa ako noong nabalitaan ko ang tungkol sa Kari Academy, ang sister school ng Blaire Academy, na tumatanggap ng mga estudyanteng mayroong kakaibang abilidad katulad ko. Isang lugar kung saan hindi ako titingnan ng mga tao na parang naiiba ako sa kanila at may mali sa akin. Lugar kung saan matututunan kong magamit, nang hindi nakakasakit ng iba, ang abilidad na mayroon ako. "What conditions?" tanong ko kay Carson nang banggitin niya ang tungkol doon. Hindi na ako magtataka na mayroong pa-kondisyon ang ama ko sa pagpasok ko sa paaralan. Pinalaki niya kaming hindi nakukuha ang gusto nang libre. Lahat ng karapatan ay pinagtatrabauhan at may kaakibat na tungkulin o responsibilidad. Now I understand why they call him the Master of Sages. "There are only three. Listen carefully," panimula niya at tumikhim pa bago isa-isahin sa akin. "Unlike other students, you will have to come home every weekend. You know how Father oblige you to train with us every Sunday." Sumimangot ako. "But that's my only rest day..." pabulong na angal ko. But unfortunately, the school allowed this condition because it's a family thing. Nakasaad rin ito sa admission letter na hawak ko. Hindi niya pinansin ang sinabi ko at nagpatuloy sa susunod na kondisyon. "Keep a clean record. Stay away from trouble completely. One mistake and Father will pull you out of the school right away. No second chances." Nangunot ang noo ko. What he just said was unbelievable. "We all make mistakes sometimes, you know," pasigaw na reklamo ko sa kanya. Umiling siya habang nakatingin sa akin na para bang nakaka-disappoint ang sinabi ko. "Even a single mistake is not allowed in our clan, Presley." I mentally rolled my eyes. It's true, though. Ako lamang ata ang natatanging Saige na maraming kalokohan sa buhay. Napabuntong-hininga ako nang malakas. "I can't believe this stupidity, but fine." So Carson continued to the last condition. "You have to meet with Lincoln Gabe once a month." Sa pagkakataong ito, magkasalubong ang kilay na napalingon ako kay Carson. Among Father's three commandments, ito ang pinaka-nakakadiri. Bakit ba ako pinagpipilitan sa lalaking iyon? "That's gross! Don't you have any better idea?" diring-diring reklamo ko. Not that there's something wrong with the guy's physical appearance or whatsoever. I just don't like his guts, although we have never talked before. "How could my family do this to me? Carson, you're better than this!" singhal ko sa kanya kahit na alam ko namang hindi niya ideya iyon. Napansin kong lumambot ang ekspresyon niya sa mukha. "Hindi ako sang-ayon dito, but it's the Gabe Clan's request to Father. Alam mong malapit ang pamilya nila sa atin." But then again, good connections and reputation of our family come first. Wala naman na akong magagawa kung iyon ang kondisyon niya. Naisip ko na ano ba naman ang isang beses sa isang buwan. I think I can handle that much. Nang matapos niya akong paalalahanan sa mga bagay-bagay, marahan niyang sinipa ang bagahe sa paanan niya. "The maids had already packed your things. All you have to do is leave at nine—quietly, please." Pagkatapos naming mag-usap, bumalik na kami pareho sa sari-sarili naming mga silid. Hindi ko alam kung ano ang mga inilagay nila roon sa bagahe kung kaya't nagdala pa ako ng isang maliit na backpack na nilagyan ko ng ilang importanteng mga bagay sa akin. Saka na ako humiga sa kama ko upang matulog ulit dahil sa biglang pagkirot ng ulo at buong katawan ko. This is nothing, though. Kung ikukumpara ito sa mga sugat na natamo ko noong unang beses akong magsanay kasama ang ama ko sa loob ng isang buong linggo, parang kagat lamang ito ng langgam. Naalala ko na halos hindi na ako tumayo sa kama ko matapos ang isang linggong pagsasanay na iyon. Trust me, muntik na niya akong patayin. Nagising ako nang marinig ang tatlong sunud-sunod na katok sa pinto ng kuwarto ko. "Lady Presley, kayo na lang po ang hinihintay sa hapag-kainan," magalang na boses ng isa sa mga kasambahay namin na naghihintay sa labas. Dali-dali akong napatingin sa salaming bintana sa kaliwa ko, nakalihis ang kulay abo at puting kurtina. Namilog ang mga mata ko nang makitang madilim na sa labas! Kaagad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga dahilan upang malaglag pa ako sa kama ko sa sobrang kakamadali. Sinuot ko ang nakakalat sa sahig na malambot na sapin sa paa at patakbong lumabas ng silid. Sumalubong sa akin ang isang kasambahay na kaagad na yumuko upang magpakita ng paggalang nang makita ako. Nang iangat niya ang ulo niya, ngumiti siya sa akin at nag-abot ng suklay na kinuha niya sa bulsa ng asul niyang uniporme. Saka ko lamang naalala ang g**o-g**o kong buhok na hindi pa nasuklayan mula kagabi. Hindi lang iyon! Hindi ko pa napapalitan itong suot ko. Gusto ko mang magpalit pa ngunit may isa na namang kasambahay ang patakbong umakyat sa hagdan upang puntahan ako, nag-aalala ang mukha niya. "Miss Presley, nagagalit na po ang Dad niyo." Wala akong nagawa kung hindi magtungo sa hapag-kainan nang ganito ang hitsura—duguan at punit-punit ang berde kong damit at pantalon. Buti na lamang ay si Carson at ang ama lang namin ang nandito, and both were giving me deadly stares.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD