Kabanata 3

1125 Words
"Carson, kumusta ang ranggo mo sa Blaire?" pambasag ng aming ama sa katahimikan habang kumakain kami ng hapunan. Halos mabulunan ang nakatatanda kong kapatid nang marinig niya ang pangalan niya. Madalang lang kasi kami kung mag-usap tuwing nasa hapag-kainan. "I ranked second, as usual," tipid niyang tugon at muling sumubo ng kanyang pagkain, although napansin ko na parang nawalan siya ng gana. Pati ang resulta ng assessment exam para sa susunod na semester ay big deal para sa mga estudyante ng Blaire Academy. Hahatiin kasi sila into three classes based sa performance nila sa exam. Hindi ko rin alam kung ano ang mayroon sa mga iyon, pero mukhang mas maraming perks ang makukuha ng nasa Top Class. Walang naging reaksyon si Dad na tila ba inaasahan na rin niya ang sagot ni Carson. "Who ranked first?" muling tanong niya bago sumubo ng pagkain. Nahinto sa paghiwa ng karne si Carson at sumulyap pa sa akin bago muling sumagot. "Lincoln Gabe." Halos mabulunan ako nang marinig ko ang pangalan na iyon. That man is stronger than my perfect brother? Napaubo pa ako nang maraming beses bago ko nalagok ang nakahandang tubig para sa akin sa mesa. Napatingin sa akin si Dad ngunit hindi naman siya nagsalita. Kakausapin lang naman ako nito kapag may malalang kalokohan akong ginawa. Pagkatapos naming kumain ng hapunan na pinuno ng tensyon ng kapatid at ama ko, nagpaalam na ako sa kanilang dalawa upang gumayak na sapagkat isang oras na lamang ay aalis na rin ako patungong Kari Academy. Hindi ko man ipahalata ngunit hindi na ako makapaghintay na marating ang nasabing paaralan. Kapag nagkukwento kasi sa akin ang mga pinsan ko, parati nilang sinasabi kung gaano ka-prestihiyoso ang Blaire Academy. Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos ng buhok, bumaba na ako bitbit ang maliit na bag na ako mismo ang nag-impake at lumabas sa aming balkon kung saan naghihintay na ang kalesa. Bumati sa akin doon ang tatlong kasambahay na nagpasok ng aking bagahe sa karwahe. Naghintay pa ako ng limang minuto kung sakaling bababaan ako nina Carson at Dad, and as expected, pareho silang walang oras para magpaalam sa akin. Nagpaalam na lamang ako sa mga kasambahay bago ako pumasok sa karwahe at bumiyahe na papunta sa katabing bayan, ang Samyo Country. Dahil nasa dalawa hanggang tatlong oras ang biyahe, nakaidlip pa ako kahit na umuuga-uga ang karwaheng sinasakyan ko gawa ng batu-batong kalsada. Nagising na lamang ako na papasok na ang sasakyan kong kalesa sa ilalim ng isang arko na mayroong nakalagay na SAMYO. Napaupo ako nang maayos at sumilip sa maliit na bintana sa karwahe. Una kong napansin ay ang mga maliliit at magkakalayong mga bahay na gawa sa kawayan at pinalilibutan ng mga puno. Hindi ito katulad ng mga bahay sa bayan namin na gawa na sa bato ang mga bahay at halos magkakatabi. Isa pa, hindi rin tulad dito na may mga puno at damuhan sa pagitan ng mga bahay. We have forests in Ligaya, but not in between houses. Isang oras pa ang nakalipas bago kami nakarating sa paanan ng Mount Amog. Nabagot lamang ako buong biyahe dahil puro mga puno at palayan ang nakikita ko. Parang ayoko nang makakita muna ng kahit na anong berde for the next few days. Pagkababa ko ng karwahe bitbit ang malaki at maliit na bagaheng dala ko, kusa nang umalis ang kalesang naghatid sa akin dito. The chariot is trained to transport goods, and even people, to a specific destination. Hindi na kailangan ng coachman o taong magpapatakbo sa kabayo. Wala ring susubok na nakawan ang karwahe sapagkat nakaukit roon ang aming clan emblem. Who knows what will happen if someone tries to raid a Saige's chariot? I don't even wanna know! Sa paanan ng bundok ay mayroong terminal ng mga sasakyan na diretso sa Kari Academy. Ang iba ay papunta sa mga lugar sa bundok na madalas puntahan ng mga turista. Isa sa mga iyon ay ang Amog River na kilala sa pagpapagaling ng mga pisikal na mga pinsala o sugat sa katawan. Pumila ako sa isang sasakyang panlupa na pabiyaheng Kari. Isa lamang itong maliit na karwahe na mayroong apat na gulong, ngunit walang bubong. May isang hiwalay na upuan sa harap at isang manibela. Imbes na isang kabayo ang humihila rito, mayroon nang makina sa harapan na nagpapaandar sa sasakyan sa tulong ng isang tsuper. Nang makapagbayad ako ay sumampa na ako sa karwahe. Walang upuan rito sa loob kung kaya't kanya-kanyang salampak lang ang mga pasahero sa sahig. Ngayon lamang ako nakasakay sa ganitong klaseng sasakyan kung kaya't hindi ko mapigilang mamangha. Halos pribadong mga sasakyan din kasi ang mga nakaparada sa terminal sa bayan namin. Ang problema lang sa ganito, hindi gaanong komportable sa loob sapagkat siksikan kami at halos maghalikan kami rito. Amoy na amoy ko ang mabagsik na pabango ng taong nasa kaliwa ko dahil medyo nakaharap ako sa likod niya. "Grabe, pasukan na naman. Hindi pa ready ang katawan ko sa walang kamatayang training," rinig kong bulong ng isang boses babae na hindi kalayuan sa akin. Dikit-dikit naman kami lahat dito kaya lahat naman sila ay malapit sa akin. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng katabi ko sa kanan. "Ang hirap pang magpataas ng level. Lalo na ngayon, may bagong teachers daw!" angal ng isa na tila pagod na siya sa buhay. Saka ko lamang naalala na tungong Kari Academy pala itong sinakyan ko, kaya posible na lahat ng kasama ko ngayon dito sa karwahe ay mga estudyante. Kung hindi ako nagkakamali, nasa anim na katao kami rito sa loob na normally ay pang-tatlong tao lang. Kalahating oras na ng biyahe nang biglang naging baku-bako ang daanan. Paakyat at pababa pa ang mga daan dito kung kaya't naaalog-alog kami rito sa loob, ngunit parang normal lamang ang ganitong sitwasyon sa mga kasama ko sa loob sapagkat tuloy lamang sila sa kwentuhan. Nang muling nagpababa ang dadaanan namin, hindi ko na nabalanse pa ang katawan ko at tuluyan na sumubsob ang mukha ko sa balikat ng katabi ko sa kaliwa at napayapos pa ako sa katawan niya sa kagustuhan kong kumapit sa kahit na saan upang pigilan ang pagkatumba ko. Namilog ang mga mata ko nang biglang lumingon ang lalaki dahilan upang magkalapit ang mga mukha namin. Sa sobrang lapit, pati hininga niya ay tumatama sa mukha ko. Nang makita niya ang reaksyon ko, ang kanina'y kunot niyang noo ay napalitan ng isang mapang-asar na ngiti. Ilang beses akong napamura sa isip ko. What the hell is he thinking? Kaya noong bumalik na sa normal na takbo ang sinasakyan namin, kaagad akong bumitaw sa kanya at halos ilayo ang sarili ko mula sa kanya ngunit hindi posible iyon sa espasyo ng karwahe. Hindi ako mapakali at gusto ko na lamang tumalon palabas dito. Nang mapansin ng mga kasama namin ang pagkabalisa ko, biglang nagsalita ang babaeng nasa kanan ko. "Calm down, Miss. That jerk is a manipulator of emotions!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD