Kabanata 4

1989 Words
Tila bumalik ako sa sarili ko nang marinig ang tungkol sa bane ng lalaki. A manipulator of emotions? Narinig ko na noon pa ang tungkol sa iba't ibang klase ng banes ngunit ngayon pa lamang ako makakaharap ng mga katulad kong Curses. At ngayon lamang din ako nagamitan ng ganitong klaseng abilidad. My emotions from earlier felt real, pero pinaglaruan lang pala ako ng katabi ko. Pakiramdam ko talaga kanina ay nahihiya ako na natatakot, e kung tutuusin ay never ko pang naramdaman ang mga emosyon na iyon sa tanang buhay ko. Hello, I'm Presley Saige? "How's that, babe?" nang-aasar na tanong niya habang pinagmamasdan ang lukot kong mukha. Gusto ko siyang sapakin nang dahil sa ginawa niya. Nasaktan talaga ang ego ko! "Jerk," bulong ko at inirapan siya. Naalala ko ang isa sa mga kondisyon sa akin ng ama ko—stay away from trouble at keep a clean record. Ayoko naman na sa unang araw ko palang sa Kari ay i-pull out na kaagad ako ni Dad. Nang makababa kami sa karwahe, doon ko pa lamang naramdaman ang pagkangawit ng balakang ko. Hawak-hawak ko iyon habang naglalakad ako papasok sa nakabukas na higante ngunit kalawanging gate na mayroong mga nakagapang na halos tuyong mga dahon. Sa bandang taas nito nakalagay ang logo ng Kari Academy—isang silver plated na bilog na mayroong nakaukit na tila mga linya na makikita sa katawan ng isang tigre. Sa tabi ng tarangkahan ay mayroong dalawang puting estatwa na tinatakpan na rin ng mga kumpol-kumpol na halaman. Ang buong paaralan ay pinalilibutan ng mga nagtataasang mga bakod na halos umabot sa mga ulap. Halos mapatalon ako sa gulat nang mayroong biglang umakbay sa akin at umagaw sa hila-hila kong bagahe. Taas-kilay ko itong nilingon at halos umakyat ang lahat ng dugo ko sa katawan nang makitang muli ang lalaking pinaglaruan ang emosyon ko kanina sa karwahe. "Bago ka lang rito, ano?" tanong niya na parang walang nangyari kanina. Hinayaan ko na lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad. "Pinalayas ka rin ba sa bayan niyo?" pahabol pa niya. Lumingon ako sa kanya at pinagmasdan siya nang mabuti. It just became my habit to peek into a stranger's soul, and this is more effective when in contact with the target. Maamo ang hitsura niya kapag seryoso siya, pero yung mga ganitong mukha ay siguradong marami nang napaiyak na babae. Nang basahin ko ang kaluluwa niya, hindi ko na masyadong hinalungkat ang memories at weaknesses niya. Ang nakita ko lamang ay ang personalidad niya na mapang-asar at malaro, but he actually has a pure soul. This is called Soul Reading. This technique comes naturally whenever I am in contact with someone else, but I had trained myself more to thoroughly study a person's soul and to control the flooding of the information. "How did you know?" pagbabalik ko sa kanya ng tanong. Nangunot ang noo niya na tila ba may nakakalito akong sinabi. "Na napalayas ka?" muli niyang tanong. Umismid ako sa kanya bago marahang umiling. "Na bago lang ako." Bigla siyang napangiti. "Kakaunti lamang kaming estudyante rito sa Kari kaya hindi mahirap tandaan ang mga mukha nila," simpleng paliwanag niya na ikinagulat ko. Well... hindi ko ine-expect ang tungkol doon. Bukod sa masyadong malawak ang paaralang ito para sa kakaunting estudyante, hindi rin ganito ang kinukwento sa akin ng mga pinsan kong nag-aaral sa Blaire. Napatingin ako sa kamay niya nang alisin niya ang pagkaakbay sa akin at inabot ang pulso ko. "Tsaka may marka dapat ng Kari emblem dito, kung gusto mong makapasok sa loob." Tiningnan ko siya nang may pagtataka sa mga mata ko. "Pero nakapasok na ako?" sabi ko matapos ilibot ang tingin ko sa paligid upang siguraduhing nandito na nga ako sa loob. Muli siyang napangiti sa itinugon ko. Mukhang puro mga hindi ko inaasahang bagay ang makikita ko rito. Napahinto ako sa paglalakad nang bigla siyang huminto. "Ito ang sinasabi ko. Makakapasok ka lang dito kung may marka ka ng Kari sa pulso," aniya habang nakatingin sa harapan. Nang tumingin ako sa harapan namin, halos mapaatras ako nang makita ang isang transparent na bakod na gawa sa hindi ko matukoy na enerhiya isang pulgada lamang ang layo mula sa mga mukha namin. Base sa hitsura nito, mukhang matutusta ako kapag pinilit kong pumasok ng wala ang markang tinutukoy ng lalaking kasama ko. Ipinaliwanag niya na ginawa raw ito dahil maraming mga mababangis na hayop at mga halimaw ang lumiligid-ligid dito sa Kari Academy. Malalakas daw kasi ang enerhiya naming Curses kung kaya't madalas kaming atakihin ng mga ganoong nilalang. Ang barrier na iyon daw ang nagsisilbing proteksyon namin sa mga iyon sapagkat hindi sila maaaring makatawid doon. "So paano ako magkakaroon noon?" tanong ko sa kanya. "May Assessment Center tayo rito sa labas ng barrier. Samahan na lang kita," sinserong sinabi niya at muling nagsimulang maglakad habang hila-hila ang kamay at bagahe ko. Naglakad lang kami sa gilid ng barrier hanggang sa marating namin ang isang entrance patungo sa isang garden. Sa tabi niyon ay isang maliit na silid na walang bintana, tanging pulang pinto lamang ang makikita. Lumingon ako sa lalaking kasama ko ngunit tumango lang siya sa akin na tila ba sinasabing pumasok na ako. Hindi naman siya mukhang nagpa-prank kaya bumitaw ako sa kanya at binuksan na ang pulang pinto ng walang pag-aalinlangan. Nakabibinging katahimikan ang namayani sa gitna ng kadiliman. Wala akong makita o marinig na kahit na ano. Sinubukan kong magsalita ngunit walang boses na lumalabas sa bibig ko. Ilang sandali pa, nagkaroon ng malimlim na liwanag sa harapan ko at bumungad sa akin ang isang babaeng naglalakad papalapit. Huminto ito sa harapan ko na mayroong kakaibang ngiti sa labi. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kabuuan ng mukha niya. It was me. Para akong nakikipag-usap sa sarili ko sa harap ng salamin. "Presley," banggit niya sa pangalan ko sa malamig na boses. Nagmanhid ang mga binti ko at hindi ako makahakbang paatras. "Do you know what place this is?" nakangiti niyang tanong. Binuka ko ang bibig ko upang magsalita ngunit walang boses na gustong lumabas mula rito. Isn't this the Assessment Center? Nang mapagtanto kong hindi ko kontrolado ang sarili ko, muli kong itinikom ang bibig ko. "This is your soul, Prez. Too dark, isn't it?" Muling nagsalita ang babaeng nasa harap ko na kamukhang-kamukha ko. Nagsimula siyang maglakad-lakad na tila ba ini-inspeksyon ang bawat sulok ng lugar. Wala akong magawa kung hindi panoorin lamang siya. Ngunit halos mapatalon ako sa gulat nang sa isang kurap ko lamang ay nasa harapan ko na ang sarili ko, nanlilisik ang mga mata sa akin. "What do you want?" Sa wakas ay nakapagsalita ako, ngunit ramdam ko ang pangamba sa boses kong iyon. That's right. Hindi ako takot na mamatay o kahit pa sa galit ng aking ama. Ang pinaka-kinatatakutan ko ay ang sarili ko—the version of myself that I kept suppressing my whole life, and is now in front of me. Napangisi ang aking repleksyon nang makita ang reaksyon ko. "Your body, Prez. Let me overtake your mind and body..." Napasinghap ako nang maramdaman ko ang palad niya na humaplos sa pisngi ko. Sobrang lamig niyon na nagpadagdag ng takot na bumabalot sa buong katawan ko. Hanggang sa unti-unti niyang inilapit ang mukha at katawan niya sa akin—tuluyan nang inaangkin ang pagkatao ko. Ipinikit ko ang aking mga mata bilang pagtanggap na lamang sa kanya na pumasok sa aking katawan, sapagkat sa kasalukuyang sitwasyon ko, hindi ko pa kayang labanan ang takot ko. I felt the heavy and cold soul entered my body, eventually overtaking my control on my mind. "You're mine now, Presley Saige," nakakapanindig balahibo na bulong ng boses sa tainga ko at tuluyan na akong nilamon ng kadiliman. Naimulat ko ang mga mata ko bigla nang maramdaman ang pag-gaan ng buong pakiramdam ko. Inilibot ko ang paningin ko at napagtantong nandito ako sa isang silid na purong pula ang makikita, sa mga pader man o kisame. Wala akong nakikitang kahit na isang bintana rito, tanging isang pinto lamang na kulay pula rin. Nagmadali akong lumabas ng pulang pinto na tila ba mayroong halimaw na lalamon sa akin kapag nagtagal pa ako sa loob. Bumungad sa akin ang mukha ng lalaking naghatid sa akin dito sa Assessment Center. Nalilito pa ako at hindi ko maintindihan ang mga nangyari sa loob nang tuluyan akong makalabas kaya hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa kanya. "That's fast," komento niya nang makita ako. Kahit na nararamdaman niya ang matinding emosyon ko ngayon, himalang hindi niya ako inaasar. "Don't worry, we all experienced that. It's normal to still feel terrified after the assessment." Para akong nabunutan ng tinik nang dahil sa sinabi niya. Matapos ang ilang segundong paghahabol ko ng hininga, muli kong hinarap itong lalaki. Marahan kong inilapit ang mukha ko sa bandang tainga niya upang bumulong. "What they saw and heard back then... it'll be confidential, right?" Sa pagkakataong iyon, napahalakhak nang malakas itong lalaki. "Huwag kang mag-alala, tanging ikaw lang ang nakakita at nakarinig ng lahat. Tanging ikaw lang at iyang silid." Tuluyan na akong nakahinga nang maluwag dahil doon na tila ba wala akong nakita at narinig kanina. Pilit ko na lang niloloko ang sarili ko sa pagsabi na panaginip lang iyon. Muli kaming naglakad pabalik ng lalaking kasama ko at saka siya tuluy-tuloy na tumawid sa barrier nang walang takot. Nang makapasok siya ay hindi ko na siya matanaw. Ako naman ay kusang napahinto at napatitig sa bolta-boltaheng enerhiya na nasa harapan ko. Paano kung hindi pa rin ako namarkahan? Napatingin ako sa pulso ng kaliwang kamay ko. Namangha ako nang unti-unting nagkakaroon ng isang marka ng Kari emblem doon—mga itim na linya sa katawan ng tigre. Sa ilalim noon ay mayroong nakalagay na letrang I na sakto lamang upang mabasa ko. Sinubukan kong hawakan ang marka gamit ang mga daliri ko at mas lalo akong namangha nang maramdaman ang tekstura niyon, para itong binurda sa balat ko gamit ang itim na sinulid. "Ano pa'ng hinihintay mo? Mahuhuli na tayo." Napatingin ako sa harapan ko nang makitang nakatayo roon ang lalaki. Muli siyang lumabas upang balikan ako. Hindi na ako nakaangal nang hilain niya ako patawid sa barrier. Wala akong naramdaman nang malampasan ko na iyon at tila ba bigla na lamang naglaho iyon sa paningin ko, although it is still there. Hindi ko mapigilang mapangiti sa sayang nararamdaman ko. Nandito na nga talaga ako sa Kari Academy! Nadaanan namin ang mga tila luma at abandonadong mga gusali na pinalilibutan ng mga puno na kulay rosas at lila ang mga dahon. Sa bawat paghakbang namin ay maririnig ang mga malulutong na tuyong dahon na naaapakan namin. Malayo ito sa Blaire Academy base sa mga kwento ng mga pinsan ko, pero hindi pa rin napapatda ang galak sa puso ko habang pinagmamasdan ang buong paligid. Hindi na importante kung ano ang hitsura ng lugar. Ang ipinunta ko rito ay ang pagtanggap sa mga kagaya ko. Huminto kami sa tapat ng isang mataas na gusali na hindi naiiba ang hitsura sa mga nadaanan namin. May malaki iyong dalawang pinto na gawa sa kahoy, ngunit halos hindi mo iyon mapapansin sa dami ng halamang nakapulupot doon. Nang umakyat kami ng lalaking kasama ko sa tatlong palapag na hagdan sa bungad ng gusali, kusang bumukas ang dalawang pinto na para bang alam na mayroong papasok. Hindi pa rin binibitawan ng lalaki ang kamay at bagahe ko, kaya isa na namang pagkaladkad papasok ang ginawa niya sa akin. Napaawang ang bibig ko nang makita ang loob. Mataas ang kisame ng gusali na ginapangan na rin ng mga maliliit na dahon. Mayroong mga lima hanggang pitong silid na makikita mula rito sa kinatatayuan ko, at isang paikot na hagdan sa harapan namin na nag-iiba ng puwesto depende sa palapag na pupuntahan. Lahat ay ginapangan na ng mga maliliit na dahon na tila ba ilang taong hindi nalinisan iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD