Kabanata 5

2233 Words
"This is the Lecture Building. Madalang lang itong gamitin kaya makikita mong hindi ito nalilinisan regularly," paliwanag ng lalaking kasama ko at saka nito sinilip ang pulso ko. "Anong level mo na?" Napatingin ako sa pulso ko at tiningnan kung may level bang nakalagay roon, pero wala naman akong nakita. "Anong level? Ano 'to, laro?" Napahalakhak siya sa sinabi ko at saka hinawakan ang kamay ko upang tingnan ang pulso ko. Napataas ang mga kilay ko nang bigla niyang inangat ang tingin sa akin, tila ba hindi makapaniwala. "Level one?" naibulalas niya at saka biglang parang nagpipigil ng tawa. "Sa history ng Kari Academy, wala pa ang nagsimula sa level one. You don't even know the basics of your bane?" Binawi ko ang kamay ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Nagsisimula na naman sa panlalait ng lalaking ito. "I'm not stupid. Ano ba 'yang level-level na 'yan?" iritable kong tanong sa kanya. Grabe niya ako maliitin dahil sa simpleng marka sa pulso ko. So the letter I meant one—level one? "It's nothing much. Ito ang sumusukat sa progress natin sa paggamit ng banes natin. When we reached level thirty, that is when we can finally graduate." Matapos niyang magpaliwanag, lumapit siya sa tainga ko at bumulong. "You should train well, buddy, or you'll be stuck here forever." Sa pagkapikon ko, hinampas ko nga siya sa braso at lumayo sa kanya. Tawa lang naman siya nang tawa. Nang bigla siyang napatingin sa harapan ko at nanlaki ang mga mata. "Oh, you even have your Kari ID now!" naibulalas niya kaya napayuko ako sa katawan ko. Na-excite ako nang makitang mayroon ngang nakasabit na ID sa leeg ko. Kailan ako nagkaroon ng ganito? Kinuha ko ang ID card na kasinlaki ng palad ko. Makintab ito na kulay tanso. Whole body ang larawan na nakalagay roon, suot ko ang aking itim na coat na mayroong emblem ng Saige Clan—parang isang dayuhang mga letra na nakaporma na parang isang araw. Sa ibaba noon ay ang mga detalye tungkol sa akin. Presley Saige. Soul manipulation. Class of Rookies. Naramdaman ko na nakisilip ang lalaki sa akin. "Presley Saige?" pagbasa niya sa pangalan ko. "Oh, no pet and weapon yet." Namilog ang mga mata ko. "We get to own a pet and a weapon?" mangha kong tanong sa kanya at nilingon siya. "Of course! Both also have levels!" excited din niyang sinabi at ipinakita pa ang kanyang student ID. Tulad ng larawan sa ID ko, buong katawan din ang nakalagay sa card niya. May suot siyang asul na coat na mayroong emblem ng clan malamang nila, isang mata na mayroong parang dalawang ugat sa ibabang parte nito. Sa ibaba ng larawan ay nakalagay ang Soren Montero. Manipulation of emotions. Class of Veterans. Sa ilalim pa ng mga iyon nakalagay ang pangalan ng pet at weapon. May mahabang bar sa ibabaw ng mga pangalan na nagpapakita ng level ng mga iyon. His pet's name is Hellary, which is level six din tulad niya, while the weapon is Damon at level five lamang iyon. Pero wala akong ideya kung anong klaseng pet at armas ang mga iyon. Nilingon ko siya at sinimangutan. "Kung makalait ka sa akin, level six ka palang naman!" Saka ko binitawan ang ID niya. Nalukot ang mukha niya. "I worked for this for three months. Didn't you see that I already belong to the Class of Veterans?" Tinaasan ko siya ng kilay. "What about it?" Bumuntong-hininga muna siya bago ipinaliwanag ang lahat tungkol sa levels. "We have a total of seven classes in Kari Academia which are sorted based on our levels—the Rookies, Veterans, Elite, Professional, Expert, Master, and Legend." "So levels one to five are in the Class of Rookies? Six to ten are considered veterans, is that it?" tanong ko base sa level at class ni Soren. He's level six and already in the Class of Veterans. "Kung limang levels sa isang class, bakit pito ang classes?" Sandali siyang napaisip at napabilang, pero kaagad ding sumagot. "Kapag level thirty ka na, doon ka palang mako-consider na Legend. Pero may tatlong rank S missions ka pa na kailangang tapusin bago mag-graduate." Missions? Just the sound of it makes me happy and excited. Hindi pa ako naipapadala sa isang misyon, gaano man kababa ang rank niyon. Wala kasi talagang tiwala sa akin at sa kakayahan ko ang angkan namin. Muling napatingin si Soren sa ID ko at ipinaliwanag ang tungkol sa iba't ibang kulay ng disenyo ng cards namin since bronze ang akin habang silver ang kanya. The color of the IDs indicates our respective classes. Bronze for the Rookies, then silver, gold, sapphire, ruby, pearl, and then diamond for the Legends. Even these small details didn't fail to amuse me. All these things are new to me since I never attended academies before. Sabay kaming napalingon ni Soren nang may lumapit sa amin na isang babae. Nakalugay ang mahaba niyang buhok na lumalaylay sa magkabilang balikat niya. She wears a white dress under her navy blue unbuttoned trench coat with an engraved emblem on the chest part. Pamilyar ang emblem, pero sigurado akong hindi Kari iyon. "I didn't want to ruin your date, but classes are already about to begin. You should go to your room now." Malumanay ngunit may tono ng otoridad sa boses niya. Gusto ko pa sanang sabihin na hindi kami nagde-date pero napagtanto ko na isa siyang guro dito sa Kari Academy. Sabay-sabay kaming tatlo na umakyat sa hagdan dahil pare-pareho lang naman kaming sa ikalawang palapag pupunta. Bawat palapag ay mayroong dalawang maaliwalas na mga silid para sa lectures. Pumasok sina Soren at ang guro sa silid na nasa kaliwa habang pumasok ako sa kanan, kung saan mayroong nakapaskil na Class of Rookies sa pinto. Bumuntong-hininga ako bago ko binibit ang aking malaking bagahe na ibinalik sa akin ni Soren bago ako pumasok sa loob. Una kong nakita ay ang isang lalaking guro na nakatayo sa harapan. Base sa hitsura niya, nasa late twenties lamang ang edad niya. May suot siyang midnight blue na trench coat na mayroong nakaburdang Kari emblem sa dibdib, hindi katulad ng emblem na nakita ko sa isang guro kanina. Nagmadali akong naghanap ng mauupuan. Tatlong estudyante ang nadatnan kong nakaupo na at naghihintay magsimula ang klase. Lahat sila ay wala pang suot na uniporme tulad ko. Umupo na lang ako sa katabi ng isang babae na mahaba ang tuwid na buhok at may suot na salamin na mayroong mga bilog na lente. Inilapag ko ang malaking bagahe ko sa paanan ko habang ang backpack ko ay suot ko pa rin. Ang dalawa naming kaklase ay nasa kabilang dulo pa ng huling row. "Now that you're all here, I would like to introduce myself. I am Kash Gurren, the official instructor of the Class of Rookies. Please call me Teacher Kash," he said before he flashed a really wide smile. He seemed a little softer than Soren's instructor. "Unfortunately, I have a private meeting with the Director so I'm afraid I have to suspend our class for today. I guess I'll meet you tomorrow, my students?" Nagtaas ng isang kamay ang katabi kong kaklase. "Do we have to stay in the campus the whole day?" Ngumiti si Teacher Kash bago isinakbit ang kanyang bag sa balikat niya. "It's up to you. If you'd like to wander around our academy, you may go ahead." Akmang aalis na siya nang mapatingin siya sa direksyon ko at sa bagahe na nasa sahig. "At kung gusto ninyong magpunta muna sa dormitoryo, I called someone to lead you the way." Nang tuluyan nang makalabas si Teacher Kash, isa namang babaeng estudyante ang pumasok sa loob. Maayos ang pagkakasuot ng kanyang puting blusa at abot-tuhod na pula at itim na checkered na palda na tila ba dahan-dahan niya iyong isinuot. Tuwid na tuwid din ang ribbon sa kanyang blusa na katerno ng palda. Mahaba ang buhok niyang hanggang baywang at mayroon din itong bangs na halos tumakip sa mga mata niya. Mukha siyang suplada sa singkit niyang mga mata at hindi palangiting mga labi. "I am Clementine Stroud from the Class of Veterans. I was ordered to guide you back to your dormitory," aniya sa seryosong tono at saka na tumalikod sa amin kung kaya'y nagsitayuan na rin kami upang sumunod sa kanya. Hinila ko ang malaking bagahe ko at halos patakbong sumunod kay Clementine sapagkat hindi kahabaan ang mga biyas ko. Kasunod ko ay ang tatlo kong kaklase na mayroon ding mga bitbit na mga bagahe. Bumaba kami sa paikot na hagdan at tuluyang lumabas sa gusali. Sinundan lang namin si Clementine na dire-diretsong naglakad sa mas masukal pang parte ng campus. Kung kanina'y puro tuyong dahon lang ang maaapakan, dito nama'y mayroong mga maliliit na halaman na hanggang tuhod ko na parang bigla na lamang nagsitubuan sa daraanan. Humahampas ito sa mga binti namin sa tuwing dinadaanan namin. Wala nang masyadong mga gusali na nakapalibot sa parteng ito pero natatanaw ko na mula rito ang dalawang magkadikit at nagtataasang mga gusali halos isang daang metro lamang ang layo sa amin. Welp, they were more like big houses with lots of rooms, I guess. Purong puti lamang ang pintura ng mga iyon at ang ikalawang gusali ay wala pang kulay. "Under construction pa ang ikalawang dorm building sana, kaya siksikan tayo rito sa isa," paliwanag ni Clementine nang hindi lumilingon sa amin. Papalapit kami nang papalapit sa dormitoryo at hindi ko mapigilan ang galak na nararamdaman ko. Pinalilibutan ng mga puno na walang dahon ang mga gusali na tila ba nasa pusod ito ng isang patay na gubat. Walang tarangkahan na makikita rito sa dormitoryo at ang mismong main door na kaagad ang bumungad sa amin. Unang pumasok si Clementine doon at walang pag-aalinlangan naman kaming sumunod sa kanya. Unang bumungad sa amin ay ang malawak na lobby na mayroong mga malalambot na sofa. Dito madalas tumambay ang mga estudyante kapag tinatamad silang lumabas. Mayroong isang shelf sa gilid kung saan pupwede silang kumuha ng mga libro o dyaryong babasahin. Sa tabi noon ay isang mababa at mahabang mesa na mayroong nakapatong na mga baso, pitsel ng tubig, at mga kape na pupwedeng timplahan. Sa mga oras na iyon, wala kaming nadatnan na mga estudyante sa lobby sapagkat oras pa rin ng klase. "Doon matatagpuan ang dirty kitchen, kung gusto ninyong magluto," ani Clementine at itinuro ang daan pa-diretso mula sa lobby. "Lahat ng kuwarto ay nasa taas na. Shall we?" Hindi kami sumagot kay Clementine pero nagsimula na siyang maglakad patungo sa malapad na hagdan na makikita rito sa lobby. Mayroong pulang carpet na nakalapag sa bawat baitang ngunit naging kulay putik na iyon sapagkat hindi napapalitan o nalilinisan. Nang makarating kami sa ikalawang palapag, wala naman nang masyadong espesyal na makikita rito. May ilang mga estudyante na nakapambahay lang ang naglalakad sa hallway. Ang iba ay mga naka-uniporme na palabas palang ng mga silid nila upang humabol sa klase. "As you can see, occupied na lahat ng silid dito. Sa isang maliit na kwarto, pansamantalang ipinagkasya muna ang apat na estudyante habang ginagawa pa yung kabilang building," paliwanag ni Clementine habang dinadaanan namin ang mahigit dalawampung kulay gintong pinto rito sa ikalawang palapag. Napahinto ako sa paglalakad nang biglang huminto si Clementine sa tapat ng huling silid dito sa palapag na ito. Inilabas niya ang susi mula sa bulsa ng kanyang palda at ginamit iyon upang buksan ang pinto ng silid. "Dalawa lang kami rito kaya pupwedeng mag-stay rito ang dalawa sa inyo. Mamayang gabi, kapag nandito na ang lahat, malalaman natin kung aling silid pa ang may bakante. Doon ko kayo ilalagay," sabi ni Clementine bago kami pinapasok sa loob ng silid niya. Kulay puti ang pader na halos mabakbak na rin ang pintura nito. Sobrang sikip lang nito kaya walang makikitang ibang gamit bukod sa mga nagkalat na bagahe, sapagkat wala ring magkakasya na furniture dito. Tanging mga kutson lamang sa sahig ang makikita na mayroong puting bed sheet. "Iwan niyo na muna 'yang mga gamit niyo rito habang wala pa kayong rooms," sabi pa ni Clementine nang mapansing nakatayo lang kami sa bungad ng pinto at pinagmamasdan ang kabuuan ng silid. Nang sabihin niya iyon, kanya-kanya kami ng lapag sa mga bagahe namin. Nang muli kong pinagmasdan ang silid, may napagtanto ako. Kaya nagtataka kong nilingon si Clementine. "Wala ba kayong bathroom?" Napakurap siya nang maraming beses habang nakatingin sa akin. "Oh. May public rest room tayo sa baba, sa labas ng dirty kitchen. Ang paliguan naman ay nasa likod lang ng dormitory building, may malinis na sapa roon." Napaawang ang bibig ko sa narinig. This place never fails to surprise me. Akala ko ay ang napakasikip na silid na ito na ang malala, mayroon pa palang mas interesting na bagay rito which they actually find normal. "You bathe in a creek?" hindi makapaniwala kong tanong kay Clementine na dahilan upang mapalingon din ang tatlo kong kaklase sa akin. Uh-oh. Did I say something wrong? Silang tatlo ay nakatingin sa akin na para bang galing ako sa ibang mundo. Clementine blinked thrice on my direction before saying, "You don't?" in a surprised tone. Hindi ko inaasahang makakaramdam ako ng culture shock sa lugar na ito. Ibang-iba ang modernong pamumuhay ng Ligaya Country dito. At mas lalong ibang-iba ang paaralang ito sa Blaire base sa description ng mga pinsan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD