"Sancho!" mahina ngunit may gigil ko na tawag. Nilingon naman niya ako. Nakangiti siya at nang makita ako ay parang nakahinga ng maluwag ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Napakamot pa siya sa kaniyang batok at inilapit ang screen upang ipakita kaming dalawa sa mga tita na kausap niya. "Lizianna's here, Tita Rechie, Tita Gemini..." Lagot. Hindi ko pa nga nababanggit sa mga tita dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila ng wala si Sancho! pagkatapos ko rin kasi na malaman ang lahat ay pumunta naman ng Manila si Sancho para sa trabaho niya. Ayoko naman na sabihin ang lahat ng ako lang. Gusto ko kami nang dalawa para mawala rin iyong galit ng mga tita sa kaniya at para maipaliwanag ang lahat ng maayos. "Ay, Lili! pakurot sa singit pag nauwi kami ng mga tita mo, ha! bakit hindi

