Ang pakiramdam ko ay magaan, napaunat rin ako ng aking mga paa at napangiti ako. Hindi ito ang dating pakiramdam ko sa tuwing gigising ako sa umaga. "Hmm..." Nang bumiling ako at kinapa ang unan na aking dantayan ay napatigil ang aking kamay dahil sa matigas na bagay na nahawakan ko. Ganoon na lang ang pagdilat ko at pag-atras sa aking kama nang makita kung sino ang nasa tabi ko. "A-Anong..." "Good morning, baby." Si Sancho! Nakahiga siya sa aking tabi at nakangiti nang batiin niya ako. Nakatukod ang kaniyang siko at sapu-sapo ng kaniyang kamay ang kaniyang pisngi habang nakatingin sa akin. “How was your sleep?” Hindi ako sumagot. Muntik ko nang makalimutan! Oo nga pala! dito siya nagpalipas ng gabi! "You look like you are still sleepy, tulog ka pa, hmm?" Pinagalaw niya ang

