Kung hindi niya ikakalma iyong galit niya ay hindi kami makakapag-usap ng maayos. "Sinabi ko sa iyo kanina na pupunta ako sa birthday party, 'di ba? wala akong ideya na iyong anak ni Aling Glo pala at iyong kababata ko na si Koko ay iisa. Saka, anong alam ko sa babae na nagugustuhan niya eh, ngayon ko lang ulit siya nakita dito sa Karmona? katulad ko ay kauuwi lang rin daw non galing ng ibang bansa." Napailing ako habang nakatingin kay Sancho. Unti-unti nang nawawala iyong inis sa kaniyang mukha. Ngayon ko mas napansin ang pamumula ng kaniyang mukha at tainga. Medyo lasing nga siya. Hay naku, ano ba naman. Paano kung naaksidente siya? umuwi siya nang nakainom! "Sa susunod ay huwag mo na itong uulitin. Nakainom ka tapos nagmaneho ka pauwi dito." Humakbang siya palapit. "Lizianna..."

