Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala. Hindi ko sukat akalain na ang mga masasayang nangyari sa amin, sa mga tita kasama si Cai ay ganitong kabigat at kasakit ang magiging kapalit. Pakiramdam ko ay sasabog ang aking ulo. Namanhid ang aking buong katawan at hindi ko maidiretso ang pagsasalita habang patuloy sa pag-iyak nang kausapin ang Tita Rechie sa cellphone kanina. Nahirapan ako sa kanila na sabihin, inabot ako ng higit tatlong oras bago ako nagkalakas ng loob na tawagan sila at ipaalam ang nangyari sa Tita Amor. Kahit na ilang oras na ang lumipas ay hindi ko pa rin mapaniwalaan. Hindi ko kaya... ang sakit. Sobrang sakit. Bakit? bakit nagsunod-sunod. Nawawala si Cai, at ngayon... a-ang Tita Amor ko... Patuloy kong naririnig ang iyak ni Amy sa aking tabi, kanina pa siya pinapataha

