Walang Cai na nagparamdam sa halos tatlong linggo na nakalipas. Kahit nang nagluluksa kami sa Tita Amor. Hindi naman rin kami tumigil sa paghahanap sa kaniya. Sina Cardo, si Riss. Ang mga katrabaho namin sa bar na kahit abala ay hindi naman huminto at patuloy pa rin siyang hinanap. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa ngunit ang aking pag-aalala ay mas tumindi dahil alam ko na hindi naman si Cai mawawala basta-basta. Kilala ko siya, alam ko na magpapaalam siya sa akin. Hindi niya ako pag-aalalahanin ng ganito. He knows my fear. Ngunit nahahati ang isipan ko dahil sa mga sinabi sa akin ni Cassi. "Its is possible that his memory came back. Pero hindi ko sinasabi na iniwan ka niya dahil doon, Lili. We need to wait, hmm? maghintay na lang tayo. Tiyak babalik rin iyong si Cai at kakausapin

