Maria Lizianna Dela Cruz "Ibig sabihin ay doon ka na mamaya uuwi sa bagong apartment mo?" Nahimigan ko ang lungkot sa boses ni Tita Rechie. Panahon na rin naman para bumukod ako ng apartment sa kanila. Dumating na rin kasi iyong anak ni Tita Amor, hindi ko naman gusto na may umalis sa mga tita kaya sinabi ko last week na ako na lang ang bubukod. "Nakakalungkot naman at mahihiwalay ka sa amin, Lili," sabi ni Tita Joi. "Pero hindi naman po ibig sabihin non na hindi na po ako pupunta dito! dadalaw pa rin po ako. Saka malapit lang naman rin po ang nakuha kong apartment dito sa atin, huwag po kayong mag-alala!" Trenta minutos lang naman ang byahe. Hindi ganoon kalayo. Napanguso si Tita Marjorie ganoon na rin si Tita Joi. Maagang pumasok ang ibang mga tita kaya sila lang ang naiwan ngayon

