Chapter 32

1893 Words

Napatingin ako sa lalakeng dire-diretso ang pagkain sa iniluto kong sopas. Narito kami ngayon sa apartment ko. Kanina pagkalabas ko galing sa trabaho ay nakita ko siya sa gilid sa dilim at nakatalungko. 'Pulubi' Naawa ako at nag-iwan ng pera at tinapay. Ngunit nang marinig ko ang salitang 'salamat' ay nagulat ako. Isa pa lang kababayan kaya ito at tinulungan ko. "Ano ang nangyari sa iyo?" Nakatingin lang ako sa kaniya. Mahaba ang buhok na tumatakip sa mukha at mahaba rin ang balbas, marumi ang damit at may itim-itim ang pisngi at mga braso. "Pinalayas." Ang lalim ng boses. "Tinanggal ka sa trabaho? wala kang kasama dito sa Italya?" Umangat ang kaniyang mga mata at naibaba ko ang aking kamay na may hawak na tinapay. Ang kaniyang tingin ay nakakapaso! "Nasaan ang banyo?" Ibang klase

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD