Nang marinig ko ang tanong niya ay kaagad akong napahawak sa aking magkabilang pisngi. Doon ko nga napagtanto na lumuluha ako. Nakaramdam ako ng hiya kaya napatalikod ako sa kaniya at pinunasan ko ang aking mukha. Hindi ko namalayan, dahil sa emosyon at biglang pagdaloy ng ala-ala sa isipan ko tungkol kay Sancho ay kaya tumulo ang mga luha na ito. Ang sakit ng ala-ala ng paghihintay, pagsisisi at pagnanais na makita ko siyang muli ay narito pa rin sa puso ko. Hindi naman tuluyan na nawala... alam kong hinding-hindi naman mawawala. "S-Sorry, may naalala lang ako." Nang humarap ako sa kaniya ay napaatras ako sa kaniyang tingin. Napalunok ako at napaiwas. Hindi ko matagalan ang klase ng titig na ibinibigay niya dahil para bang binabasa niya ang nasa isipan ko. Ang mga mata niya ay sinusuri

