"Lili?" "Sino ang lalakeng ito?" Nakapalibot ang mga tita kay Cai pagkatapos ang sumunod na pumasok ay si Tita Amor. Kaagad kong napansin ang kaniyang mga mata at ilong na namumula. Napalapit ako sa kaniya dahil sa aking nakita. “Tita? May problema ba?” Ngumiti siya ng tipid sa akin at umiling. "Buti pala at may susi ako, 'no?" nakuha ng Tita Rechie ang atensyon ko. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi nang sabay-sabay na silang lumingon sa akin. Binigyan ko silang lahat ng susi sa apartment ko dahil ramdam ko ang pag-aalala nila na bubukod na ako. Kaso… sa ganitong sitwasyon pala nila unang magagamit. "Mag-usap tayo, dalaga namin, at naku ito ang isa sa hindi namin inaasahan sa 'yo!" sabi ng Tita Gemini. Napakamot ako sa aking batok. Patay talaga. Nang tumingin ako kay Cai a

