“P’WEDENG malaman kung bakit mo pinaiimbistigahan kung sino ang isang William del Tuazon?” tanong ni Shadow sa kabilang linya.
Hindi makasagot si Alessandra. Hindi niya alam kung ano ang ikakatwiran niya. Iyon ang unang pagkakataon na pinakiusapan niya si Shadow na gamitin ang kaalaman nito sa computer para makilala niya ang isang tao. “I—isang makulit na kaklase,” pag-amin na rin niya. Iginala niya ang paningin sa labas ng kotse niya. Kahit matindi ang sikat ng araw ay marami pa ring estudyante ang nasa labas at paroo’t-parito sa malawak na activity area ng unibersidad. Ang ilan ay nagkukumpulan sa pagkukuwentuhan.
“I am so into you, Alessandra!”
“Itanim mo lang sana sa isip mo na hindi kita pinupursige dahil curious ako o nahahamon sa kalamigan mo. Hindi kita susukuan dahil gusto talaga kita. And this feelings feels right.” Hindi siya pinatatahimik ng mga salitang iyon, paulit-ulit iyong umaalingawngaw sa kanyang tainga. Mabuti na nga lang at nagawa niyang kontrolin ang mga reaksiyon niya sa bawat bitaw ni William ng salita. Pero talagang nagulat siya sa mga sinabi nito.
“Hmm. Manliligaw?”
“Shadow…” Batid ng kaibigan niya ang tonong ginamit niya. Sapat na ang babala na kaakibat niyon para huwag na itong mangulit pa.
“Okay. Iyan na ang cue o para huwag ng makialam pa,” natatawang sabi nito. “Tatawagan ba kita o—”
“Hihintayin ko ang resulta,” aniya.
“Sabi ko nga,” tumatawang komento nito. “Bigyan mo ako ng isa o dalawang minuto.” Narinig niya ang pagtipa ng mga daliri ni Shadow sa keyboard ng computer nito. Inilagay niya sa speaker mode ang telepono bago iyon inilagay sa dash board ng sasakyan. Kapagkuwa’y tila napapagal na isinandal ni Alessandra ang kanyang ulo sa headrest ng driver’s seat. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Pero ang kanyang utak ay hindi mapakali. Patuloy siyang ginugulo ng iisang isipin. Isipin na may kinalaman kay William. Hindi siya sigurado kung hanggang kailan siya mananatiling matatag. For Pete’s sake, kagabi ay halos hindi siya nakatulog sa pag-iisip sa binata at sa mga sinabi nito. Parang may binubuksang silid ng pagkatao niya si William. Silid na hindi siya pamilyar, hindi niya alam pakitunguhan. Ang alam lang niya ay attracted siya sa binata. Na kahit sinasabi ng instincts niya na lumayo siya ay hindi niya magawa. Sa bawat sandali ay naglalaban ang naghuhumiyaw na desire niya para sa binata at ang instinct niya na nagsasabing huwag niyang isubo ang kanyang sarili kay William. Naguguluhan siya. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin.
“Alex…?”
Tila nabuhayan ng dugo si Alessandra nang marinig ang tinig ng kaibigan. Bahagya pa siyang napailing ng makita niyang lampas isang minuto lamang ang ginugol ng kaibigan sa pag-iimbistiga. Magaling talaga si Shadow sa propesyon nito. Sa pagkakaalam niya, lumikha rin ito ng isang search engine na kokonekta sa lahat ng computer servers sa buong mundo. Kung kaya, kayang-kaya nitong pasukin at alamin ang kasuluk-sulukang impormasyon, as long as the information was available on the internet.
“Yeah?” Ano kaya ang natuklasan ni Shadow tungkol kay William? May perpektong background kaya ang binata?
“Hmm. Nakuha ko ang rehistro ng kapanganakan ni William. Nag-iisang anak. Ang pangalan ng ina ay Patricia Gouldin. Walang naka-indicate na ama. And then, there’s this particular news clipping about Governor del Tuazon of La Union and his allegedly mistress named…”
“Patricia Gouldin,” salo niya. Sinasabi ng instinct niya kung sino ang maaaring ama ni William. “Kung ganoon, si William ay bastardo ni Governor del Tuazon?”
“Ganoon na nga ang lumalabas. Tila nagrebelde si William sa katotohanang iyon. Mayaman siya sa parehong side ng mga magulang niya. Pero tila walang interes si William sa kayamanang iyon, well until he learned that he’s a politician’s bastard. Maraming artikulo rito sa mga gulong pinasok ni William. Dahil prominente sila sa La Union, naging malaking balita iyon. Thus, the articles.”
“Ano pa…?”
“Well, William del Tuazon is gorgeous, huh? And…wow!”
Narinig niya ang pagsipol ni Shadow. “Ano?”
“Isa siyang professional stunt man, Alex. Internationally. Marami siyang pictures dito. Dapat ko bang sabihin na sa mga pictures ay ibat’-ibang babae ang kasama niya? Ang ilan pa nga ay mga kilalang artista sa Hollywood. Tsk. Kaya pala available sa internet ang tungkol sa kanya. Parang celebrity na rin pala siya.”
Gumitaw sa isipan ni Alessandra ang physique ni William. Hindi na siya nagtataka kung bakit Hollywood-ish ang aura nito. Hindi alam ng dalaga kung bakit bigla niyang nahilot ang kanyang sintido na para bang bigla iyong sumakit.
“Mag-ingat ka, Alex.”
Umunat ang kanyang likod. “Para saan ang babala?”
Hindi ito sumagot.
“Tinatanong kita, Shad. Para saan ang babala?”
“Baka durugin niya ang puso mo,” anito pagkaraan ng ilang saglit.
Nang tumingin siya sa labas ng bintana ay namataan niya si William. Pinadaanan niya ng dila niya ang nanunuyo niyang mga labi. “Wala akong puso, Shadow,” mahinang usal niya bago pinutol ang koneksiyon ng tawag. Pinagnanasaan ko lang ang lalaking iyon.
“KUNWARI babastusin n’yo si Alessandra, pagkatapos, darating ako at ire-rescue siya,” sabi ni William sa tatlong estudyante na kinutsaba niya para gumawa ng isang palabas. Dalawang linggo na ang nakalilipas pero wala pa ring bunga ang pagpapapansin niya sa dalaga. Mailap pa rin ito. Hindi dahil wala siyang ano mang appeal sa dalaga katulad ng sinasabi nito. Oh, aware si William sa hindi mapapantayang atraksiyon sa pagitan nila ni Alessandra. Batid niya na nakukuha niya ang atensiyon ng dalaga. Iyon nga lang, may pumipigil kay Alessandra. Pinananatili ng dalaga na solido ang mga depensa nito. So now he opted to resort on a cheap and cliché scheme of being a knight in shining armour. “Pero tandaan n’yo, palabas lang ang lahat, okay? Walang sino man ang magtatangkang bastusin talaga si Alessandra. Kung hindi ay ako ang makakalaban ninyo.”
“Malinaw, boss,” iisang tinig na sabi ng tatlo.
“Good,” naglabas siya ng pera at iniabot sa tatlo. Nasa likod sila noon ng isang building ng eskuwelahan. “Hintayin ninyo ang signal—” Nabitin sa ere ang sasabihin niya nang mapansin niya ang paglampas ng paningin ng tatlong lalaki sa likuran niya. Bahagyang nanlalaki ang mga mata ng mga ito. Tila may taong nakatayo sa may likod niya. “Oh, no…” bagsak ang balikat na bulalas niya nang mahulaan kung sino iyon. Nagsipulasan na ang mga lalaki.
Bumaling si William sa kanyang likuran. At katulad ng kanyang inaasahan, nakita niya si Alessandra. Prente ang pagkakasandal nito sa pader, nakasiklop ang mga braso sa dibdib nito. Suot pa rin ng dalaga ang walang emosyon nitong mukha pero sa kung anong dahilan, nakikita ni William ang bahid ng amusement sa mga mata nito. Kailan kaya niya ito makikitang ngumiti?
“Akala ko ba wala kang interes sa akin? Bakit ka narito? Sinusundan mo ako, ano?” kunwa ay pag-atake niya. Ang opensa daw ang pinakamabisang depensa.
“Kaduda-duda ang kilos mo. Ang sabi ng instinct ko ay may kung anong binabalak ka. Kaya sinundan kita. What a brilliant idea you have here. I'm impressed,” tugon ng dalaga, hindi itinago ang panunuya sa bawat bitaw ng salita.
Ipinamulsa ni William ang kanyang mga palad. “Kasalanan mo. Patuloy mo akong binabalewala.”
Nananatiling nakasandal pa rin sa pader si Alessandra. Tunay na isa itong malaking misteryo. Sila lamang ang naroon sa likod ng building pero wala siyang nababanaag na ano mang takot rito. Naibalik na ni William ang kanyang kumpiyansa. Inilang hakbang niya ang paglapit sa dalaga at mabilis na itinuon ang kanyang mga palad sa magkabilang gilid ng ulo nito. Ikinulong niya ito sa pagitan ng katawan niya at ng pader na kinasasandalan nito. At hindi nakaligtas sa binata ang pagkalitong sumungaw sa mga mata ni Alessandra.
Inilapit ng binata ang kanyang ulo sa ulo ng dalaga. Ang nerbiyos ay makikita na sa mukha nito. Nababanaag rin ni William ang antisipasyon at excitement. Alessandra’s anxiety was a give away. Sinulyapan nito ang labi niya at tila naligaw na ito. Sa unang pagkakataon, nagawa niyang mabasa ang dalaga. Gusto ni Alessandra ng halik. Nananabik ang dalaga na matikman ang lasa ng labi niya, ng halik niya. Gusto siya nito katulad ng pagkagusto niya rito. Ganoon pa man, kinokontrol pa rin nito ang sarili. “Bakit natatakot ka sa akin, Alessandra?”
“Wala akong kinatatakutan,” matigas na kaila ng dalaga.
Lalong inilapit ni William ang kanyang mukha sa dalaga, hanggang sa nagdikit na ang mga tungki ng kanilang mga ilong. “Liar,” akusa niya. Sa maliit na distansiya, nakita niya ng pumikit ang dalaga. Na tila ba ninanamnam ang init at bango ng kanyang hininga. And seeing her like that was making his body turn into fever pitch. She’s making her hard down there, so hard his breathing became chaotic. Wala pang babae na nakapagbigay sa kanya ng ganoong epekto.
“Pakawalan mo ako,” anito sa pagitan ng nagngingitngit na mga ngipin. Bumibilis ang paghinga ng dalaga pero alam ni William na hindi iyon dahil sa takot o dahil sa ano pa. Iyon ay dahil sa makamundong pagnanasa.
“Gusto mo ako,” siguradong sabi niya. Lumabas ang isang munting singhap mula sa labi ng dalaga. At pinanatili nito na bahagyang nakabuka ang mga labing iyon, patuloy na hinihingal. Batid ni William na malapit ng maputol ang kontrol ni Alessandra. “Hindi ka gawa sa purong yelo, after all. There was so much fire in you, Alessandra. So much fire it was burning, consuming you.” At ako…ako gustong-gusto kita, Alessandra,” usal niya sa paos na tinig ngunit puno ng intinsidad.
Sinalubong ni Alessandra ang kanyang mga mata. At nakikita ni William na hindi na iyon malamig, kumikislap ang apoy roon. Mainit at nakakapaso, tulad ng sabi niya. Ginawa ni William ang sunod na hakbang ng pang-aakit. Sinadya niyang idiin ang ibabang bahagi ng kanyang katawan sa umbok nito nang sa gayon ay maipakita niya, maipadama rito kung ano ang epekto nito sa kanya. Suminghap si Alessandra ngunit hindi naman nito pinutol ang ugnayan ng kanilang mga mata. “Gustong-gusto kita na maging akin. Akin lamang. Tawagin mo akong mayabang pero alam ko na gusto mo rin ako. Nilalabanan mo lang ang sarili mo sa hindi ko malamang dahilan. Pero pareho nating alam na pareho ang nararamdaman natin. Every pore, every bit, every fiber of our being screams for each other. Only for each other.” Sa bawat bigkas niya ay lalong nag-aapoy ang mga mata ni Alessandra. Malapit na itong sumabog. “Gawan mo ng pabor ang sarili mo, sweetheart,” bulong niya. “Let go. Magpadala ka sa agos. Huwag mong pigilan ang sarili mo.”
“s**t!” Malutong na mura ng dalaga. At sa isang kisap-mata ay pumaloob sa buhok niya ang dalawang palad nito, sumabunot roon at hinila ang kanyang buhok dahilan upang tuluyang maglapit ang kanilang mukha. Alessandra wildly claimed his lips. Agad siyang nakabawi at tinumbasan ang pananabik ng dalaga. Ang bawat hagod ng kanilang mga labi ay maririin, mapaghanap. Tila hindi matugunan ang uhaw na nararamdaman sa isa’t-isa. Ang pakiramdam na sumasabog sa katawan niya ay nakakaadik, napakaganda, at tila walang kapantay.
“Alessandra,” he breathed. Tinugon iyon ng dalaga ng ungol. Ungol na lalong nagpaliyab sa lagnat na dumadaloy sa lahat ng dugo niya. Nababaliw siya dahil sa babaeng ito. Mula sa pagiging malamig ay kayang-kaya nitong mag-apoy at magliyab sa pagnanasa. At kung ang pagbabasehan ay kung paano sumagot si Alessandra sa kanyang halik, batid niya na isa itong exciting partner in bed. At marahil ay pati na rin sa buhay, partner in life.
“Oh, William! William…” Idinikit pa ng dalaga ang sarili sa kanyang katawan na tila kulang pa ang pagkakalapit nila. Para itong ahas na lumilingkis sa kanya at gustong-gusto niya iyon.
Again, he grinds his throbbing bulge to her mound. “Feel that? I want you so bad.” Gusto niyang maging kanya si Alessandra. Kanya lamang.
Muli niyang inangkin ang labi ng dalaga. Ang mapaghanap niyang dila ay gumalugad sa bawat sulok ng bibig ni Alessandra. Dinidiskubre iyon at sinisimsim ang tamis na nakalalasing. Ang maiinit na palad niya ay hindi mapakali sa paghaplos at pagdama sa bawat kurba ng katawan ng dalaga. Ah, hindi pa rin siya makuntento. At mas nakakadagdag sa obsesyon at pagnanasa niya ang ipinamamalas na kapusukan ng dalaga. They move in perfect rhythm. Tila ba sadyang kilala na nila ang bawat isa. Ni hindi nga niya namalayan na siya na ngayon ang nakasandal sa pader.