Chapter 7

2726 Words
NATAPOS ang pagbabalik-tanaw ni William nang mamataan niya si Alessandra na noon ay binubuksan na ang pinto ng sasakyan nito. Malalaki ang hakbang na nilapitan niya ang dalaga.              “Iwanan mo ang kotse mo. Mula ngayon ay sa akin ka na sasabay papasok at pauwi,” sabi niya. Bahagyang nagulat ang dalaga. Humarap sa kanya si Alessandra. Batid ni William na gusot pa ang mukha niya, na wala pa siya sa mood.             “Still upset?” Nakakalokong tanong ng dalaga. Ni hindi nito itinago ang pagkakangisi.             “Don’t stress the obvious, damn it!” Ibinagsak niya pasara ang pintuang nakabukas sa gilid ng dalaga. Huminga ng malalim si William. Galit pa rin siya at lubhang naiinsulto. Pero hindi makakatulong kung hindi niya makokontrol ang damdamin niya. Halata naman na nasisiyahan ang dalaga na kaya nitong gawin iyon sa kanya.             “Kung ganoon payag ka na sa dalawang linggo? Dahil iyon lamang ang kaya kong ibigay, William,” anito bago itinaas ang palad at inihaplos sa pisngi niya na gumagaspang na dahil sa tumutubong stubbles sa paraang nagpapakalma sa nagngangalit niyang damdamin. Para siyang mabangis na tigre na pinapaamo nito. Para siyang hinihipnotismo ni Alessandra. At umeepekto iyon, tumatagos sa pagkatao niya. Ha! Napa-unpredictable talaga nito sa mga nagiging aksiyon nito. Lalo itong naging misteryoso dahil doon.             “How can you give me two weeks with you…when what I wanted is forever?” nausal niya.             “Ano?”             Sigurado siyang narinig iyon ng dalaga, patunay roon ang tila paglikot ng mga mata nito. And suddenly he realized that he has a chance, a chance to make forever happen. Hindi niya dapat biglain ang dalaga. Katulad ng Trojan virus, banayad at halos hindi hayag ang gagawin niyang pagpasok sa puso ng dalaga. Malalaman na lang ni Alessandra na apektado na ito ng virus at nasa buong sistema na nito iyon. At sisiguraduhin niya na mahaba na ang dalawang linggo sa pagpapaibig niya kay Alessandra. Paiibigin niya ito!             “Wala,” pagsagot ni William sa tanong ng dalaga. Kalmado na siya. “Dalawang linggo lang ang ibinibigay mo sa akin. Sa palagay ko ay wala akong ibang pagpipilian kundi tanggapin iyon. Pero hahayaan mo akong sulitin ang dalawang linggong sinasabi mo, tama?”             “Patas lang,” pagsang-ayon ng dalaga.             “Okay, then. Tayo na.” Hinawakan niya ang palad nito.             “Sandali. Ang kotse ko? Semestral break na bukas, ‘di ba? Hmm. Sasakyan ko na rin ito pauwi. Mag convoy na lang tayo. Gusto ko rin namang magpalit ng kasuutan. Doon na lang tayo magmula kung saan man tayo pupunta. Ano sa palagay mo?”             “Magandang ideya nga iyan.” Nilapitan niya ang dalaga at malumanay na dinampian ng halik ang noo ng dalaga. Tila natigilan si Alessandra. Animo hindi nito inaasahan ang gawi na iyon. Na tila ba wala pang gumawa ng ganoon rito. Alam ni William na puntos iyon para sa kanya. Nalagyan niya ng bitak ang matatag na depensa ni Alessandra. She saw a part of her tonight that he’d never seen before. Tila napaka vulnerable nito. Subali’t hindi niya magawang matuwa. Ang gusto niyang gawin sa oras na iyon ay yakapin ang dalaga at siguruhin rito na magiging maayos ang lahat. Pero alam niyang hindi iyon makabubuti. Alam niyang mas magmamatigas at mas magiging defensive ang dalaga kapag inalo niya ito. Kaya ngayon ay hahayaan lang muna niya ito. Hahayaan niyang mag sink-in kay Alessandra ang mga bagay na na-miss nito. Binuksan niya ang pinto na ibinalibag niya kanina. “Mag-ingat sa pagmamaneho. Nasa likuran mo lang ang motor ko.”                         “SAAN ba tayo pupunta?” malakas na tanong ni Alessandra kay William. Angkas na siya niyon sa motor ng binata. At mahigit isang oras na silang naglalakbay. Pakalat na niyon ang dilim.             “Narito na tayo,” anang binata. Halos hindi niya malaman kung nasaan na sila. Ni hindi rin niya nabasa ang establisiyementong pinasok ng motor. Ipinarada ni William ang motor. Bumaba siya. Bumaba rin ang binata. Ang binata ang nag-alis ng helmet niya at halos mailang siya sa paraan nito ng pagtitig. Pagkuwa’y sinulyapan nito ang suot na relos. “Tama lang ang dating natin. Tara na.” Ikinawit ng binata ang palad nito sa baiwang niya bago siya iginiya papasok.             Sa gulat ni Alessandra, nabungaran niya sa isang silid ang napakaraming bata at ilang madre. Sa palagay niya ay nasa isang ampunan sila. Maayos na nakaupo ang mga bata sa mga silyang laan sa bawat isa. Mayroong entablado na nadedekorasyunan ng…Gulat na napatingin siya kay William. Kaarawan nito ngayon? Dahil HAPPY BIRTHDAY, KUYA WILLIAM ang sinasabi ng mga makukulay na letrang nakadikit sa telang nakaladlad sa pader ng entablado. Sinulyapan din naman siya ng binata. Tipid na ngiti ang ibinigay nito sa kanya.             “Kids, narito na ang kuya n’yo,” sabi ng isang madre.             “Maligayang kaarawan, Kuya William!” iisang tinig na sabi ng mga bata.             “Salamat,” masiglang tugon naman ng binata.             “At ano ang sasabihin n’yo sa kasama niya? Sa ating bisita?” sabi pa ng madre.             “Maligayang pagdating po at magandang gabi sa inyo!” sabay-sabay na sabi naman ng lahat. Sinagot iyon ni Alessandra ng isang alanganing ngiti, ni hindi siya sigurado kung totoo ang ngiting iyon o hindi.             “William,” pagbati ng isang may edad na madre na tila siyang namumuno roon. Niyakap ng madre at hinalikan sa noo ang binata. Gumanti ng yakap si William. “Happy birthday, hijo.”              “Thank you, Tita,” tugon ng binata. Hindi niya masabi kung magkamag-anak ang dalawa pero malamang ay ganoon na nga.             “May kasama ka,” puna ng madre.             “Opo, ang girlfriend ko.” Inakbayan siya ng binata. “Tita, meet Alessandra. Kasasagot lang niya sa akin ngayon. Alessandra, siya naman si Tita Ella. Nakatatandang kapatid ni mommy.”             Nakakadama ng nerbiyos si Alessandra. Hindi kasama sa plano niya na makilala ang pamilya ng binata. Akala niya ay siya at si William sa relasyong iyon. Gusto niyang tirisin si William sa ginawa nito. Hindi niya ito gusto, lalo na ang mapunta sa iisang silid na maraming mga bata dahil bumabalik ang mapapait na alaala. At delikadong bagay ang mga alaala, lalo na ang masasakit, madidilim, at mapapait na alaala. Delikado dahil hindi iyon nakokontrol at madalas ay dinadala ka niyon sa alanganing sitwasyon.             Bago pa siya makatugon ay niyakap na siya ng matanda. “Ikinagagalak kitang makilala, Alessandra. Napakagandang pangalan.” Alanganing yumakap rin si Alessandra. “Napakaganda mong bata. Kaya pala walang katulad ang ningning sa mga mata ng aking pamingkin. Nakuha pala niya ang pinakamagandang regalo sa mismong kaarawan niya,” pagpapatuloy nito ng pakawalan siya.             “H-hindi ko po alam na kaarawan niya ngayon,” aniya.             “Oh. So mas memorable pa pala. And whatever its worth, ikaw pa lang ang ipinakilala niya sa akin. Considering na kasasagot mo pa lang sa kanya…” nanunudyong sabi pa nito.             “Tita,” protesta naman ng binata. “Sa palagay ko ay inilaglag mo ako sa pahayag mong iyan.”             “Sa kabilang banda, sa palagay ko ay iniaangat pa kita, my dear. O siya, maupo na nga kayo at kanina pa excited ang mga bata na magtanghal. Titingnan ko kung handa na ang mga pagkain.”             Paupo na sila sa ilang silyang bakante sa harapan nang umiyak ang isang bata. Kinuha at kinarga ni William ang bata na marahil ay nasa dalawa ang edad. Inalo nito ang bata habang siya ay nakamasid lamang. Tumigil naman sa pag-iyak ang bata. Pagkatapos niyon ay naupo na sa tabi niya ang binata kalong ang bata na noon ay sinusupsop na ang hinlalaki nito. Sa entablado ay nagsisimula ng magtanghal ang ilang bata. Kumakanta ang mga ito.             “Gusto mo siyang kargahin?” ani ni William sa may tainga niya.             “Hindi. Hindi ako marunong humawak ng bata.” Baril, granada, patalim, at kung ano-anong bagay na kayang kumitil ng buhay lang ang kaya kong hawakan. Sigurado si Alessandra na magiging isang mabuting ama si William pagdating ng panahon. Pumait ang panlasa niya kaya nag-iwas siya ng paningin.             “Dapat ay magsanay ka na sa paghawak ng bata. Magiging in aka rin sa hinaharap.”             Tumigas ang ekspresyon ni Alessandra. Gusto niyang ibalibag ang ano mang mahahawakan niya. Mariing ikinuyom ng dalaga ang kanyang mga kamao. Hindi ako magiging isang ina, Hindi na! gusto sana niyang isigaw sa pagmumukha ng binata. Kinalma ni Alessandra ang sarili. “Ito ang una at huling pagkakataon na ipakikilala mo ako sa sino mang kapamilya mo, William. Huwag na huwag mo na uli itong gagawin. Huwag nating idamay ang ibang tao. Pareho nating alam na may hangganan ang kung ano mang meron tayo,” sabi niya sa lakas na sapat lamang para makarating sa pandinig ng binata. Pagkaraan ng ilang sandali ay tumayo siya “Excuse me, pupunta lang ako sa comfort room.”             Agad natunton ni Alessandra ang kinaroroonan ng banyo base sa deriksiyong itinuro ng madre na napagtanungan niya. Nagkulong siya roon. Binuksan niya ang gripo at naghilamos nang naghilamos. Gusto niyang manulay hanggang sa kaibuturan ng mga buto niya ang lamig na hatid ng tubig. Pagkuwa’y tinitigan niya ang kanyang sarili sa salamin.             Hindi na siya magiging ina. Wala na siyang kakayahang magdalang-tao. Dahil minsan ay nagbunga ang panggagahasa sa kanya. Nabuntis siya at ipinalaglag ang kanyang anak na labag sa kagustuhan niya. Ang sabi ng doktor ay may na-damage daw sa bahay-bata niya at dahil doon ay wala na siyang kakayahang magkaanak. Histerikal na tumawa siya noon at umiyak. She was so helpless. She was so lost. At isa iyon sa mga sugat na patuloy na nagnanaknak sa buong pagkatao niya. At patuloy pa rin niya iyong itinatago sa kaibuturan ng pagkatao niya kung saan walang nakakakita. Kaya ngayong kaya na niyang ipagtanggol ang kanyang sarili, wala ng makakapanakit pa sa kanya. Papatayin niya ang sinumang mananakit sa kanya ng walang hesitasyon.                         “AKINA ang susi, ibigay mo sa akin. Ako na ang magda-drive,” ani ni Alessandra nang makalabas sila ng bahay-ampunan at marating ang kinapaparadahan ng motor ng binata. Hindi na niyang kayang tumagal pa roon. Hindi siya komportable sa hagikhik at ngiti ng mga bata roon. Hindi siya komportable na napapalibutan ng mga inosenteng anghel dahil siya ay makasalanan. Nang magyaya siyang umalis roon kahit nasa kalagitnaan palang ng palabas ay pinagbigyan naman siya ng binata.             “Hindi pa tayo uuwi, Alessandra—”             “Hindi tayo uuwi! Gusto kong pumunta sa lugar kung saan nakakahinga ako,” nagngangalit na tugon niya, halos pasigaw. Sumandal siya sa motor at humalukipkip. Sinadya niyang huwag salubungin ng tingin ang binata.             Hinawakan naman siya ni William sa gilid ng kanyang mga balikat at itinayo siya. Marahan at buong suyong niyakap siya ng binata. “Calm down…” anito habang ang isang palad ay humaplos sa kanyang likod. Nilabanan ni Alessandra ang sarili na yumakap rin sa binata, subalit hindi niya napaglabanan ang sarili na ipikit ang kanyang mga mata at damhin ang ginhawang hatid ng humahaplos na palad ng binata, pati na rin ang kakomportablihan na hatid ng init ng katawan ni William. She could breathe inside William’s assuring arms. Kakatwang napakakomportable roon at mas lalong kakatwa na nakakadama siya ng kapayapaan. Kumalas din naman agad siya. Hindi. Hindi na siya magiging mahina pa.             “Okay ka na?” Tanong ni William pagkatapos siya nitong pakawalan. Hindi siya sigurado kung napapansin nito na sa ilang pagkakataon na niyayakap siya nito ay hindi niya ibinabalik ang yakap na iyon. Tumango siya. “May alam akong lugar na baka magustuhan mo. Tayo na.” Ibinigay sa kanya ni William ang helmet niya. Isinuot niya iyon. Ilang sandali pa at pumapagaspas na ang hangin sa kanilang mga katawan habang matulin na pinatatakbo ng binata ang motor.             “Ganyan lang ba kabilis ang kaya mo? I can do better than that.” Malakas niyang sabi na may paghamon sa tinig.             Narinig niya ang tawa ng binata. At gusto ni Alessandra ang tunog ng tawa nito. Gusto niyang makarinig pa ng mas maraming tawa mula kay William. “Hindi ka talaga isang ordinaryong babae, ano?” malakas nitong tanong.             “Wala kang ideya,” tugon niya. “Huwag mo akong tratuhin na para akong babasaging kristal dahil hindi ako ganoon, William.”             “Okay. Kumapit ka ng mahigpit,” anito bago binilisan ang takbo ng motor. Hindi lang nito binilisan ang takbo, kaliwa’t kanang pinapatagilid pa iyon ng binata. Tila ito isang professional rider na nagpapakitang-gilas.             “Whoa! Ganyan nga. Wuhoo!” Hiyaw niya habang nakataas ang dalawang kamay sa ere. Tumawa si William at natagpuan ni Alessandra ang sarili na…ngumingiti. Isang ngiti na dulot ng kaligayahan. Isang ngiti na nagmula sa kanyang puso. Isa iyong gawi na matagal-tagal na niyang hindi nagagawa. Nagdulot iyon ng pakiramdam na matagal na niyang hindi nararamdaman.             Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang mga kamay at iniyakap iyon sa katawan ng binata. Ano ang ginagawa mo sa akin, William? Bakit napakaraming bagong pakiramdam na ipinapakilala mo sa akin? Bakit nawawala sa ayos ang buhay ko?  “H-Happy birthday, William,” aniya.             “What? Hindi kita marinig.”             Nilakasan niya ang kanyang boses. “Sabi ko, happy birthday!”             “Ano?”             “Happy—” natigilan siya. Hindi nga ba siya narinig ng binata o pinagkakatuwaan lang siya nito. “Pinagkakatuwaan mo ako!” akusa niya bago pinagkukurot ang tagiliran nito. Dimagundong ang halakhak ni William at muli nakadama ng kaligayahan ang dalaga sa pakikinig pa lang roon.   “Salamat, Alessandra. Ikaw ang pinakamagandang regalo na natanggap ko sa buong buhay ko.”             Hindi pa siya naging ‘regalo’ sa kahit na sino at hindi siya sigurado kung magiging ganoon nga siya. Well, sa tunay na kahulugan niyon. At si William ay dalawang linggo lang na mananatili sa buhay niya. Pagkatapos niyon ay magpapatuloy na siya sa buhay niya at aakto na kailanman ay hindi ito dumating sa buhay niya.             Ang mga palad ng dalaga na nakayakap sa dibdib ng binata ay inilipat niya sa mga hita nito. Sa kabila ng pantalong maong na suot nito ay humaplos pa rin ang mga palad niya. Narinig niya ang pag-ungol ni William. Itinaas pa ni Alessandra ang kanyang mga kamay sa may punong hita ng binata kung saan nasasagi na niya ang umbok sa pagitan ng mga hita nito.             “Gusto mo bang maaksidente tayo, you temptress?” Malakas na tanong ni William, mababa at halos paos ang tinig.             Tumawa siya. She felt more reckless, more daring. Nakapagdesisiyon na siya. Isusubo na niya ang sarili sa malakas na pagnanasang nararamdaman niya para sa lalaking ito. There was an itch that needs scratching. Tinanggal niya ang suot niyang helmet at balewalang itinapon iyon, ganoon din ang ginawa niya sa suot na helmet ng binata.             “A-Alessandra, ano’ng ginagawa mo?”             “Magmaneho ka lang,” sabi niya. Hinagkan niya ang batok nito. Hindi iyon isang simpleng dampi ng halik. Sinupsop niya ang balat nito, dinilaan.  Bahagya niyang idiniin ang mga ngipin niya sa balat nito.             Malakas na umungol ang binata. “Hold it, please. Hold it ‘til we reach our destination. Sinasabi ko, Alessandra, pagbabayarin kita sa ginagawa mong ito. Malapit na tayo sa main high way baka maaksidente tayo. Damn it! You’re making me crazy. Do you know how hard it makes me?” Iniangat niya ang kanyang puwit sa pagkakaupo bago niyakap ang binata at binulungan ito sa kanyang pinakasensuwal na tinig. “Oh, pero hindi ko na kayang magtimpi pa, William. I want you now,” aniya bago kinagat ang earlobes nito. “Remember, dalawang linggo lang ang meron tayo. Hindi lang ikaw ang may gustong sulitin ang napakaiksing panahong iyon. Besides, kaarawan mo ngayon. Gagawin ko itong memorable para sa  ‘yo,” nang-aakit niyang sabi. Kasama sa training niya ang tamang paggamit ng ganda at alindog niya. Tinuruan siya kung papaanong gamitin ang sensuwalidad at p********e bilang sandata. At pinalakpakan nina Shadow at Chameleon ang pagiging magaling niyang mang-aakit. She was a natural temptress, they said. Hindi iilang misyon ang naisakatuparan niya dahil ginamit niya ang kanyang alindog. Today she’ll unleash that part of her for the benefit of her own pleasure. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD