Chapter 9

3208 Words

“TELL me about yourself,” ani  William kay Alessandra habang itinutulak nito ang grocery cart na naglalaman ng mga pinamili niya. Paalis na siya ng bahay nang makita siya ni William. Nang malaman nito na mamimili siya ng mga grocery supplies ay nagpumilit ito na sumama. Hindi na siya nakipag-argumento. Si William kasi ang tipo ng lalaki na sigurado at pinal ang mga salitang binibitiwan.             Tinaasan ni Alessandra ng kilay ang binata. “Hindi na kailangan na magkakilanlan pa tayo.” Binigyan niya ito ng nanunuyang tingin. Iyong  tingin na nagsasabi na napakaiksi ng panahong pagsasamahan nila para magkakilanlan pa sila.             “Can’t you loosened up a bit? Gusto ko lang namang magbukas ng kung anong mapag-uusapan natin. Para tayong mga estranghero na hindi nag-uusap, pansin mo?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD