Kabanata 01

2016 Words
MARIA GRACE’S POV TULOG NA TULOG SA MAY braso ko ang pamangkin habang pababa na kami ng bus.Matiwasay kami nakarating sa Maynila.Inilibot ko pa ang paningin sa paligid ko.Maraming sasakyan at matataas na instraktura ng gusali.Bitbit ang malaking travel bag at isang backpack ay nagtanong-tanong ako ng malapit na pwede tuluyan namin.May itinuro ang tindera na isang bahay na apartment daw yun na bedspace na mura lamang kaya naman nagtungo agad ako doon matapos magpasalamat sa Ale na napagtanungan ko. Kainitan tapat pa naman at sa tingin ko ay mga tanghali na at saka isa pa ay nakakaramdam na ako ng gutom.Nang may makuha bedspace na matutuluyan namin ay agad kong inihiga sa malinis na kutson ang pamangkin.Hindi man lang ito nagising.Nag-inat ako sandali at hinilot ang balikat na nangalay pati ang braso ko.Naupo rin ako sa may paanan ng kama para ayusin sandali ang gamit na dala. Naglabas ako ng pamalit na damit mamaya ni Rap-rap.Inilibot ko ang tingin sa loob ng kinaroroonan.Maliit lamang ito at may isang banyo na makipot at lababo na makipot rin ang space.May lamesa maliit sa gilid at isang silya na plastic. Pansamantala ay dito muna kami magpapalipas ng gabi at bukas na bukas rin ay pupuntahan namin ang address na nakita ko sa picture na nakuha sa gamit ng kapatid.Malakas ang kutob ko na ang lalaking nasa larawan na kasama ng kanyang ate Seleste ay ang ama ni Rap-rap dahil wala naman akong nabalitaan na naging nobyo ng kapatid sa barrio namin eh at saka isa pa mukhang hindi taga roon sa amin ang lalaki.Ang gwapo kasi nito at ang tangkad pa. Nang magising ang pamangkin ay naghanda agad ako ng makakain namin. Buti na lang may lutuan na single stove at isang kaserola at kaldero na bago pa ganun din sa plato, pitsel at baso na kapwa may balot pa.Bumili lang ako kanina sa labas ng madaling lutuin habang tulog si utoy.Kabado man na iwan ang pamangkin ay nilakasan ko na lang ang loob para makabili ng pagkain namin.Buti na lang talaga mabait na bata si Rap-rap at hindi maligalig kaya kahit paano ay hindi ako masyado nahihirapan dito.Nang sumapit ang gabi ay maaga kami nagpahinga ng pamangkin ko at syempre bago ako matulog ay double check ko pa ang lock ng pinto at ng maliit na bintana. Maige na ‘yung nag-iingat kami lalo na at bagong salta lang kami dito sa Maynila na hindi ko gamay ang galawan at kilos ng bawat tao dito. Kinabukasan naman ay wala rin akong sinayang na oras para hanapin at puntahan ang address at pangalan nang tao na nasa larawan na tanging dala-dala ko bilang pagkakakilanlan sa ama ni Rap-rap.Umaga ng umalis kami ng pamangkin ko sa tinutuluyan at syempre siniguro ko rin na nakalock ng maayos ang pinto para sa safetyness ng aming gamit. Bitbit ang backpack na naglalaman ng mahahalagang gamit namin ay nagtanong-tanong na ako.Nahirapan pa nga ako sa paghahanap dahil ang layo rin ng biniyahe namin mula Buendia to Makati area.Napagastos din ako ng malaki sa taxi sinakyan dahil kung saan-saan pa ito umikot ng daan na kay layo-layo. “Kuya sure po ba na dito na yun?” Marahan na tanong ko sa taxi driver na nasakyan namin.Tumango naman ito at saka may itinuro sa harapan namin na mataas na building.Hindi na lang ako nagsalita muli at sa halip ay bumaba na ng sasakyan.Napahinga pa ako ng malalim habang nakatunghay sa harapan ng mataas na building.Nakakahilo at lula ang taas nito!Dati sa telebisyon ko lang ito nakikita pero ngayon for real na talaga at nakakamangha pala pag sa personal mo na nakita.Naglakad na ako palapit sa building habang karga pa rin si Rap-rap na behave lang.Kahit naiilang at nahihiya pumasok sa loob ay naglakas loob ako. “Anong sa atin po Ma’am?” Nagulat pa ako ng magtanong ang security guard sa akin ng akmang papasok na ako sa loob.Nahihiya humarap ako dito bago nagsalita. “M-May kakausapin lang po sa loob.Pwede po ba pumasok?”aniya ko dito. “Sino po Ma’am?Pwede po ba mahiram ang i.d. niyo?” “S-Si Hermes Bianchi po sana kuya,”saad ko na nautal pa bago iniabot dito ang isa sa valid i.d ko.Tinanggap naman nito bago ako tinapunan ng tingin para suriin ang kabuuan ko at ng karga kong bata. Bahagya rin itong nakakunot noo habang patingin-tingin sa akin.Napaayos ako ng tayo habang naghihintay dito. “Pasok na lang po kayo sa loob Ma’am sa may front desk po kayo magtanong at paki-iwan na lang po muna nitong i.d. niyo,” “Ah, okay po.Salamat.” Nagpakawala ako ng malalim na paghinga ng makapasok at agad nanuot sa sistema ko ang lamig sa loob.May ilang tao na nasa loob ang napapatingin sa akin na binalewala ko lang.Diretso ako sa may front desk kung saan may babae doon. “Good morning Ma’am.How can I help you?” Nakangiting bulalas ng babae sa akin na agad ko rin nginitian pabalik ng bahagya. “Pwede po ba makausap si Hermes Bianchi?”aniya ko dito na kumunot ang noo bago sumulyap sa karga ko na bata. Lalo tuloy ako kinakabahan sa ginagawa ko na ito pero dahil nandito na ako ay wala ng atrasan ito.Lakasan na lang ng loob! “Do you have any appointment with Sir Hermes, ma’am?” “W-Wala po ma’am,” Sagot ko dito hinggil sa sinabi nito. Tinitigan ako nito ng mabuti at parang sinusuri pa nga na nagbigay ng pagkailang sa akin.Hindi ako sanay na tingnan ng matagal ng ibang tao.Nakakailang sobra! “I’m sorry, ma’am Sir Hermes is busy right now.Bumalik na lang po kayo pag nakapagpa appointment po sa kanya.” Nakaramdam ako ng panghihinayang dahil sa sinabi ng babae.Ang layo-layo pa ng pinanggalingan namin tapos wala pa pala mapapala.Hindi na ako nagpumilit pa at sinabi ko na lang na babalik ako bukas at ganun nga ang ginagawa ko hanggang sa umabot na ng tatlong araw na walang Hermes man lang ako nakaharap.Lumipat rin kami ng matutuluyan ni Rap-rap dito para lang walking distance na lang ang pagpunta sa malaking building kahit medyo mahal ang bayad sa upa. Nawawalan na ako ng pag-asa na makausap o makaharap man lang ang Hermes na iyon dahil ngayon nga ay paapat ng araw at sana lang ay may magandang mangyari na ngayon dahil kung wala pa ay baka sa kalsada na kami pulutin ni Rap-rap.Konti na lang ang naitabi kong pera kaya desperada na akong makausap man lang ang lalaki na iyon. “Please po kailangan ko lang po na makausap si Hermes.Emergency lang po kuya guard,”nagsusumamo na pakiusap ko sa guwardiya na napailing na lang sa akin.Marahil ay nakukulitan na ito sa akin dahil sa pabalik-balik ko dito. “Ang kulit mo talaga ineng.Sige pasok ka na nga tanong mo sa front desk kung dumating na si Sir sa opisina na niya.” “Ay, salamat po kuya guard,” Pagkatapos magpasalamat ay mabilis ang naging kilos ko para lumapit sa babae. “Ikaw na naman?Ano ba kasi kailangan mo kay Sir?Pabalik-balik ka na dito,” Masungit na bulalas ng babae na ikinahihiya ko dahil may mga napapatingin sa amin kahit nga si kuya guard ay napalingon sa gawi namin.Nakaramdam ako ng panliliit at awa sa sarili—sa amin ng pamangkin ko.Pero sa kabila ng nararamdaman na iyon na hindi maganda ay naglakas loob pa rin ako alang-alang sa pamangkin ko. “Nandyan na po ba si Hermes?Pwede ko po ba siya makausap?Please…Importante lang po talaga na makausap ko siya,”aniya ko sa babae na umismid sa akin sabay irap habang may tinatawagan sa telepono nito.Naghintay naman ako sa isang tabi hanggang sa matapos ang pag-uusap nito sa telepono.Nang maibaba nito ang hawak ay tumingin ito sa akin at itinuro ang mahabang upuan sa gilid at sinabing maghintay ako doon na agad ko naman sinunod matapos magpasalamat dito. Ngayon ko lang naramdaman ang pangangalay mula sa pagkakatayo at sa pakarga kay Rap-rap. Mga ilang minuto rin ako naghintay bago may dumating na matangkad na lalaki at ubod ng gwapo.Nakakatakot ang dating nito dahil sa seryosong ekspresyon at isama pa ang tattoo nito kahit na ba naka formal attire ito ay may bahagi ng tattoo nito ang kita especially sa kamay nito na nakahantad.Malaki at mahaba ang mga daliri nito na may tattoo.Napatayo agad ako ng tuwid ng lumapit ito at tumitig sa akin ng blanko at seryoso.Napalunok ako ng sariling laway ko at nilukuban ng kaba sa dibdib kaya naman parang lalabas na ang puso ko sa lakas ng pagtibok nito. Nang magtanong ito kung sino ako ay walang pag-aalinlangan na sinagot ko ito sa bawat katanungan nito sa akin.Ginawa ko ang lahat para masabi dito ang nais pero may pagka arogante ito sa pananalita lalo na ng sabihin ko na kailangan namin ito ni Rap-rap.Akmang tatalikuran na kami nito ng magsalita ako muli na nagpahinto rito sa gagawin sana nitong pag-iwan na sa amin. “Hindi shelter para sa mga pulubi like you ang kumpanya namin kaya makakaalis ka na kung ayaw mo ipapulis kita o ipakaladkad sa security rito,” Saad nito sa sinabi ko at nasaktan ako kahit paano dahil sa tinawag nitong ‘pulubi’ sa amin.Pero dahil nga sa desperada na ako ay binalewala ko ‘yun at sa halip ay naglakas loob na magsalita dito kahit na ba may mga mata ng nakatingin sa amin. “No!Hindi kami aalis.Anak mo si Rap-rap kaya hindi mo kami pwede itaboy paalis. Please po Sir wala na kami mapupuntahan.”saad ko dito ng walang alinlangan. “What the f**k?!” Malutong na mura ni Hermes ng marinig ang sinabi ng babae.May sayad ba sa utak ang babaeng ‘to o baka nahihibang na ito?Saan ba ito nanggaling?O baka naman nambubudol ito sa kanya?Pwes nagkamali ito ng taong lolokohin! “Nagsasabi po ako ng totoo Sir.Anak niyo po talaga ‘to batang karga ko!”lakas loob na ulit ko sa pagsasalita matapos marinig ang pagmumura ng lalaki.Sa totoo lang natatakot ako sa itsura nito ngayon.Blanko at madilim ang mukhang tumingin ito sa akin kaya bahagya akong napaatras dahil sa nakikitang galit sa mukha nito.Parang leon na handang lapain na ang bihag nito. Mananakmal ng hindi oras.Nagtaasan rin ang balahibo ko sa may batok ko at napahigpit ang kapit sa pamangkin ko. “How dare you, woman!I don’t know who you are!Get out now!”galit na salita ni Hermes ng lapitan lalo ang babae at hawakan sa isang braso nito ng may diin.”How much do you need to shut up your fūcking mouth?One million, two million or more?Name your price and get lost!”bulong na dagdag na salita ko pa sa babae ng ilapit ang bibig sa tenga nito. Dinig na dinig ko rin ang pagkakasinghap nito kaya napangisi ako bago bitawan ito at i-distansya ang sarili.Nakataas ang noo na tinitigan niya ito habang nasa magkabilang bulsa ang kamay. Samantala hindi maiwasan ni Maria ang hindi mapasinghap sa narinig na sinabi ng lalaki.Ganito na ba kababa ang tingin nito sa kanya ang mukhang pera?Oo mahirap lang ako pero hindi naman ako mukhang pera at saka isa pa pinalaki kami ng magulang namin na wag magiging abusado at ganid sa anumang bagay lalong-lalo na pagdating sa pera dahil ang pera ay nauubos kumpara sa dignidad at respeto sa kapwa na habangbuhay na kaakibat ng buhay ng bawat tao. “H-Hindi ko po kailangan ng pera mo po Sir.Hindi ka po ba naniniwala sa sinasabi ko po?Totoo po na anak mo si Raphael.Di ba po ikaw ‘to?” Kabado kong bulalas kahit na sobra-sobrang kahihiyan na ang sinasampal sa akin dahil hindi lang naman kami ang taong narito ngayon.May mga nagbubulungan na nga eh.Tumingin ako ng diretso sa mata ng lalaking kaharap na lalong dumilim ang mukha dahil sa sinabi ko na naman.Pinigil ko ang luhang nais bumagsak at kinagat ang labing nangangatal na pala.Sinalubong naman ng lalaki ang tingin ko ng wala kang makikita na kahit na anong emosyon dito. Hinablot rin nito ang i-niaabot ko dito na kapirasong larawan. “f**k!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD