HERME’S POV
PINAKATITIGAN KO ANG BABAE ng marinig na naman ang pagduduldulan nito sa akin na anak ko ang batang kasama nito. Nakakarindi na at nakaka-alta ng dugo.Mula sa paninitig sa mukha nito ng salubungin ko ang tingin nito ay bumaba ang tingin ko sa iniaabot nitong larawan. Muli ko pa sinulyapan ang mukha nitong naiiyak na habang kagat ang sariling labi.Basta ko na lang rin hinablot ang hawak nito at tiningnan at ganun na lang ang pagkagulat ko sa nakikita.It was me and my beloved Seleste. My first woman and love but at the same time my first heartache. Habang titig na titig sa larawan ay muling bumalik sa alaala ko ang masayang nakaraan namin upang sariwaan ang mga panahong magkasama kami at parehong inlove na inlove sa isa’t-isa…
Today is the day of our team building para sa taon na ito bago matapos ang taon. Every year ay may ganito kaming event sa kompanya.At ngayon nga ang unang araw na aming gaganapin ang team building sa isang probinsya sa parte ng laguna.May empleyado kasi akong taga dito sa laguna and he suggest some beautiful places and good spot here.May suggestion rin ito na pwede namin ganapin sa may vineyard na perfect place to relax rin ang ‘Christmas Party’ namin sa parte ng Batangas naman ‘yun.Sa may Tanauan, Batangas.Although I research about that place and it’s good. Some of the celebrities go there.
Camping outside door ang tema ng aming team building at may ilang activities rin na gaganapin.Lahat ay nakahanda at excited rin dahil bawat activities ay may papremyo.Two to three weeks lang ‘yun at sana maenjoy ng lahat lalo na ako na kasama pati ang ilang kaibigan ko. Nagtayo kami ng mg tent bago mag-gabi at bukas ng umaga ang start ng team building activity games.
“Pre sasama ka ba?”
Napahinto ako sa pag-aayos ng tent ko ng marinig ang boses ng kaibigan. Nilingon ko ito at tiningnan ko ito ng nakakunot ang noo.
“Saan?”
Tipid na tanong ko dito bago muling ipinagpatuloy ang ginagawa.Malapit na kasi akong matapos sa pagtatayo ng tent ko kaya binibilisan ko para matulungan ang iba.
“Sa bayan pre may bibilhin lang.Tara sama ka na para makabili ka rin ng lulutuin natin mamaya.Masarap mag-ihaw ng sariwang isda mamaya at mga gulay rin for dinner,”
“At kailan ka pa natuto kumain ng gulay at isda?All I know is you hate that kind of food, Hendrix!”
Nakapameywang na bulalas ko sa kaibigan ng harapin ito muli.Natawa naman ito sa akin bago ngumising sumagot.
“Pre nakain nga ako ng hilaw na pūssy, isda at gulay pa kaya.Tsk!Nagbago na ako I need some healthy foods.You know forda change,”
“Gago!”
Natatawang turan ko dito dahil sa sinabi. Hanggang dito ba naman dala-dala pa rin nito ang kamanyakan.Tsk!Tinapos ko lang ang ginagawa bago sumama nga kila Hendrix sa bayan.Bukid na bukid ‘to pagdarausan namin ng team building at saka isa pa nasa nature forest kami kung saan may malinis na mga ilog. Although may ilang kabahayan dito tsaka isa pa kilala ng ilang empleyado ko taga dito ang mga naninirahan dito kaya safe kami.Sa may palengke kami dumiretso para maghanap ng isda. Tilapia ang balak namin ihawin mamaya.Tamang-tama naman na may mga buhay pa na isda kaming nabili. Katamtaman ang laki at taba nito. Naghiwalay lang kami ng mga kasama ko ng may kanya-kanya rin bilhin at sinabing magkita-kita na lang sila sa may sasakyan pag natapos mamili.
“Miss magkano dito sa gulay niyo?”
Malumanay na tanong ko sa tindera na nakatalikod sa akin habang pumipili ako ng mga gulay.
“Alin po dyan sir?”
Napaangat ako ng tingin ng marinig ang boses ng nagsalita.Malambing at malamyos ito na kay sarap sa tenga pakinggan.Parang anghel na umawit. Mukha ng magandang babae na nakangiti ang nabungaran ko.Ang mahaba at medyo kulot nitong buhok ay bahagyang nilipad ng hangin.Napatulala ako sa harapan nito habang titig na titig dito.Napaka simple at wala kang makikitang ni kahit na anong bahid ng kolorete sa mukha nito Nag natural nitong mapulang labi na para bang kay sarap tikman.Napalunok ako mg sariling laway ko ng mapababa ng tingin sa labi nito na medyo nagtagal doon ang titig ko.Bumilis rin ang t***k ng puso ko sa hindi ko mawaring dahilan.Basta panay ang bilis ng t***k.
“Sir?Ayos lang po ba kayo?”
Napabalik ako sa aking ulirat ng muli itong magsalita.Hindi ko namalayan na natulala na pala ako sa harapan nito.Tumikhim ako at umayos ng tayo bago muling tumingin sa mata ng babae na ngayon ay bahagyang magkasalubong ang kilay. Ngumiti ako dito ng bahagya bago nagsalita.
“A-Ayos lang ako.Magkano dito sa mga gulay niyo?”aniya ko na medyo nautal pa kaya halos pagalitan ko ang sarili sa isipan.
“Alin po ba dyan sir?Bente-bente po ‘yan nakabalot sa plastic tapos ito po carrots ay 40 ang kilo at ito naman po patatas ay 35 per kilo.Ang sayote at papaya naman po ay 30 per piraso.May repolyo rin po kami at kamatis na parehong 80 per kilo.”
Hindi ko na masundan pa ang sinasabi ng babae dahil nakatitig lang ako dito na parang tanga habang napapatingin sa labi nito habang nagsasalita.Ang sarap sa pandinig talaga ng boses nito.Para siyang hinehele para makatulog.
“May napili na po ba kayo Sir?Bili na po kayo.Murang-mura lang po ‘yan,”
“Anong pangalan mo Miss?”
Sa halip na sagutin ang tanong ng babae ay iba ang namutawi sa labi ko kaya nag-init ang sulok ng magkabilang tenga ko lalo na ng bahagyang bumungisngis ang babae.Pakiramdam ko nag-init ang mga pisngi ko kaya ngali-ngali ko na kutusan ang sarili sa sinabi.
“Bakit po sir?Ako po si Seleste,”
“Seleste.Watta beautiful name like you.By the way I’m Hermes,”
Ulit ko sa pangalan nito na ikinapula ng magkabilang pisngi ng babae kaya naman nagniningning ang mga mata ko ng tumitig dito.Para rin nahiya sa akin si Seleste kaya ngumiti ako ng matamis dito. Nagpakilala na rin ako kahit hindi naman nito tinatanong ang pangalan ko.
“Bigyan mo naman ako ng mga ingredients na kailangan ko para sa pag-iihaw nito isda,”
Nakangiti ko pa rin na salita dito habang hindi na inalis ang tingin.Tumango naman ito at agad na kumilos. Nakasunod lang ako ng tingin dito hanggang sa matapos.
“650 pesos po lahat sir,”
“Thank you, Seleste.Keep the change,”
Ngiting-ngiti bulalas ko dito ng mag-abot ng isang buong isang libo. Napaawang naman ito ng labi pero tinikom rin kalaunan.
“Pero sir—”
“No I insists.No worries Seleste.Just keep the change beautiful,”aniya ko sabay kindat dito na ikinapula na naman ng pisngi nito.Bago tuluyan umalis ay nilingon ko pa ito at nang magtama ang paningin naming dalawa ay ngumiti ako dito. Bumalik kami sa camping site ng masaya ako at magaan ang pakiramdam. Ugh! I want to see her again.’Seleste’...
Sumapit ang gabi ng naging maayos hanggang kinabukasan na nag-umpisa na kami sa aming activity.Ang bilis nga lumipas ng mga araw dahil mahigit one week na kami dito.So far lahat naman ay maayos at nag-enjoy.Kahit ako ay naeenjoy ko ang nature.Nakakarelax kasi at ang sarap huminga ng malaya.
“Seleste!”
Tawag ko sa babae ng mapansin ito.May dala itong bilog na planggana na may lamang damit.Agad na ngumiti ako dito ng lumingon ito sa akin at bahagyang ngumiti. Mabilis na kumilos ako para lapitan ito.
“Pasaan ka?”tanong ko dito sabay tingin sa may dala-dala nito.
“Maglalaba sa may ilog.Ikaw ano ginagawa mo dito?”
“Tulungan na kita Seleste,”
“Sigurado ka ba Hermes?Hindi ba nakakahiya sayo?”
“Nope! Basta ikaw aking sinta,”
“S-Sige.Ikaw bahala,”