HERME'S POV
"S-Sige.Ikaw bahala,”
“Yes!”
Masayang bulalas ko sabay kuha sa hawak ni Seleste at ako na ang nagdala nun hanggang makarating kami sa may ilog. Kagaya ng sabi ko ay tinulungan ko si Seleste at ng makatapos kami ay sabay kami naligo sa malamig at malinis na ilog. Tawanan at konting kulitan sa may ilog habang nagtatampisaw.Hinatid ko rin ito sa bahay ng mga ito na malapit lang sa aming pinag cacampingan.
Lumipas ang mga araw na naging weeks ng tuluyan na talaga akong nahulog at umibig kay Seleste.Na love at first sight ako dito. Nagpahayag rin ako ng damdamin ko para dito at sobrang saya ko dahil we’re on a same page ng nararamdaman para sa isa’t-isa. Niligawan ko si Seleste hanggang sa sagutin na nito ako.Hindi ko alintana ang distansya namin para sa isa’t-isa. Matiyaga ako sa pagpunta sa bahay ng mga ito.May nangyayari rin sa amin ni Seleste ng ilang beses na.We almost reach a half months of the year.Naikwento rin nito na may isa itong nakakabatang kapatid na babae na sa kumbento natuloy dahil scholar ito ng mga madre sa naturang simbahan. Tuwing walang pasok lang ito nauwi sa bahay ng mga ito kaya hindi ko pa nakikilala ang kapatid nito.Kahit busy ako dito sa city life ko ay hindi ako nawawalan ng oras para kay Seleste. Lagi akong naglalaan ng oras at panahon para sa kasintahan.Sinurpresa ko si Seleste sa ika-anim na monthsary namin at balak ko rin na magtapat na dito tungkol sa katayuan ko sa buhay. Ayaw kasi ng nobya sa mayaman na tao kaya ang alam nito sa akin ay simple lang pero now desidido na ako ipaalam dito na mula ako sa angkan ng may kaya. I love her and I can’t lose her.Kaya ko iwan ang marangyang buhay namin wag lang ito mawala sa akin.She’s my everything.My first love and my last too.Sana…
It was supposed to be our happy day but it turns out that it was gonna be worse.I surprise her and we have a simple date. Dinner date.I spent the night with her after our love making.
“Mahal may sasabihin ako sayo,”
Kinakabahan na bulalas ko pero syempre hindi ko pinahalata dito na kabado ako.
“Ano ‘yun Mahal?”
“Mahal gaano mo ako kamahal?”
“Anong klaseng tanong ‘yan Mahal? Syempre mahal na mahal po kita ng higit pa sa buhay ko.Ikaw ang una at huli kong mamahalin Hermes.Hindi ko ibibigay sayo ang sarili ko kung hindi kita mahal.I love you so much,”
Sa narinig na tinuran ni Seleste ay lalo akong kinabahan.Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko pa ba o hindi na. Huminga ako ng malalim bago niyakap ng mahigpit ang nobya at hinalikan sa may ulo nito.
“Mahal, gusto kong malaman mo na mahal na mahal rin kita.I want to be with you for the rest of our lives.I love you more my Seleste. Pakasalan mo na kaya ako Mahal ko para wala ka ng kawala sa akin,” saad ko dito habang yakap-yakap ko pa rin ito. “Mahal, alam mo naman na ang pagpapakasal ay hindi basta-basta. Kailangan pag-isipang mabuti at syempre dapat pinaghahandaan at ipunan. Gusto kitang pakasalan Hermes pero wala pa tayong sapat na ipon na pera—ako na konti pa lang ang naiipon at may kapatid rin na pinag-aaral pa.” saad ni Seleste sa akin kaya napakagat labi na lang ako at lalong nagdalawang isip kung magtatapat pa ba o wag na lang. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.Bahala na! “Mahal, hindi ako kasing simple lang ng inaakala mo. M-May kaya ang pinagmulan ko.I’m sorry kung hindi ko sinabi agad.,”dagdag na bulalas ko at ramdam na ramdam ko ang pagsinghap nito.Lumuwag rin ang yakap nito sa akin at tiningala ako.May mga katanungan sa mata nito.
“A-Anong ibig mo sabihin, Mahal? M-Mayaman ka?Bakit?Nagsinungaling ka ba sa akin?Tell me Hermes, ‘yung totoo please,”
“I’m sorry, Mahal ayoko lang na mawala ka sa akin at natakot kasi ako dahil ayaw mo sa katulad ko na mayaman.I love you so much Seleste at ikaw ang buhay ko. Please wag mo ako iiwan dahil sa magkaiba tayo ng estado sa buhay, mahal ko”saad ko sabay yakap muli dito pero nagpumiglas ang nobya at ng makawala sa yakap ko ay naupo ito sa higaan at nagsimulang umiyak. Bumangon ako para aluin ito at patahanin pero mas lalo lang ito umiyak hanggang sa maya-maya ay tumigil rin. Bumaba ito sa higaan at malungkot na hinarap ako habang kipkip sa katawan ang manipis na kumot.
“Mas mabuti pa siguro maghiwalay na tayo Hermes.Mahal kita pero ayoko sa sinungaling at isa pa hindi tayo bagay. Mayaman ka at ako ay mahirap lamang. Isang babaeng dukha na walang maipagmamalaki sa kagaya mong angat sa buhay.Hindi ka nababagay sa akin Hermes kaya ngayon pa lang itigil na natin ito!”
“No!Nooo…Mahal naman walang ganyanan. Please.Kaya kong iwan ang marangyang buhay ko wag mo lang ako iwan, Seleste.Mahal please.Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko.Mahal na mahal kita,”
Nagmamakaawa na sambit ko kay Seleste ng makatayo na rin at akmang aabutin ito ng dumistansya sa akin.Nasaktan ako dahil bakit kay dali para dito ang magbitiw ng ganung salita? Na bitawan agad ako? How deep is her love for me?Did she not love me that much to let me go easily?
“Mahal rin kita Hermes pero ngayon tinatapos ko na.Mula ngayon wala ng tayo. Kalimutan mo na ako.Kalimutan mo ng may Seleste dumaan at dumating sa buhay mo at ganun rin ako na kakalimutan ka.Isipin mo na lang na hindi tayo ang tinadhana at para sa isa’t-isa.Langit ka at lupa ako.Mayaman ka at mahirap lamang ako.”
Halos gumuho ang mundo ko ng araw na iyon dahil sa pagwawakas ng babaeng mahal ko sa relasyon namin.Ang tanga ko kasi dahil naglihim ako dito at hindi agad nagsabi edi sana hindi kami umabot sa ganito.Kung umpisa pa lang sana ay naging honest ako dito edi sana hindi agad ito nawala sa akin.Ang sakit-sakit!She’s my first love but now my first heartache too!...My loving, Seleste…
Hindi agad ako basta sumuko kay Seleste dahil sinuyo ko ito paulit-ulit kahit na pinagtatabuyan na ako nito at nagmumukhang tanga at desperado ay wala akong pakialam doon dahilmas importante sa akin ang magkaayos at magkabalikan kami ng babaeng mahal ko. Walang araw na hindi ko ito sinusuyo at kahit na ilang oras ang nagiging biyahe ko aa pagpunta sa bahay ng mga ito ay okay lang sa akin.Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko at alam kong paraan pero talagang ayaw na ni Seleste at pinanindigan na nga nito ang mga sinabi sa akin.Literal na nawasak ang puso ko dahil sa babaeng mahal ko.I love her more than my life at para makalimot dito ay nagpakalango ako araw-araw sa alak na lagi kong kapiling.I lost myself for a moment and everything that surround me. Wala akong pakialam sa galit at sermon na natatamo sa magulang dahil hindi ng mga ito naiintindihan ang tunay na nararamdaman ko. Bullshit for having this kind of life.Bakit ang unfair ng mundo? Bakit? Bakit ba kailangan masaktan ka pa pag nagmahal?Bakit?Ganito ba talaga ang umibig, kaakibat ng saya ang lungkot palagi?Sana pala hindi na lang nauso ang pesteng pagmamahal na yan, kung masasaktan ka rin pala sa bandang huli!
Kinulong ko ang sarili sa madilim na bahagi ng unit ko.Wala akong kinausap ni isa sa mga kakilala at kaibigan ko. Even my twin sister.I stayed quite at the middle of the dark.Dinamdam ko ang kirot dito sa puso ko at sobrang hirap na hirap akong bumangon. I felt like I’m dying—dying to forget and escaped from this pain and heartache at the moment…