HERME’S POV
NAPABALIK AKO SA ULIRAT KO ng umiyak ang bata na kasama ng babaeng nasa harapan ko.Napahigpit ang hawak ko sa larawan bago basta na lang iniwan ang babae ng walang kahit na anong sinasabi dito.Inutusan ko rin ang security na paalisin ang babae. Tuloy-tuloy ang lakad ko pahakbang sa may elevator.Paano ako maniniwala sa babaeng yun na anak ko nga ang batang kasama nito ng dahil lang sa pesteng kapirasong larawan na ito. Baka mamaya manghuhuthot lang ito para magkapera.Uso pa naman ngayon ang mga scammer na naglipa.Tsk!
Nawala na ang mood ko ng bumalik sa opisina ko at pinakansel ko ang dalawang meeting ko dapat ngayon.I want to be alone kaya naman sa may penthouse ko sa taas nitong building ako nagtungo matapos magbilin sa sekretarya ko.Basta ko na lang initsa ang coat na hawak sa couch bago dumiretso sa mini bar at naglabas ng alak.Sunod-sunod ang ginawa kong pag-inom sa alak na nasa baso.I need this to calm my mind and myself too.
Hindi na ako lumabas sa penthouse ko at nagkulong na lang doon hanggang sa sumapit ang gabi na alak na naman ang hinarap ko.Nakatulugan ko na ang pag-inom at nagising ay maliwanag na sa labas.Tumawag lang rin ako sa sekretarya ko na iresched ang meeting ko today. Gusto ko okupahin ang isipan dahil sumasagi ang babae kahapon at yung bata.Damn it!
Watta tiring day but smooth at the same time dahil naging maayos ang meeting ko.Sa may condo ko na ako dumiretso pauwi.I want to relax now kaya naisipan ko magtungo sa bar matapos mayaya ang kaibigan na agad pumayag.I spent the whole night with another woman. Having sēx and got wasted.Wala na akong seryosong relasyon kaya malaya ko na magawa ang lahat ng gusto ko sa buhay. Flirting, having sēx with the random girls and having fun with them in my bed while fully naked.Satisfying ourselves with our lust.This is the life what I have now. Enjoying my life to the fullest while not committing to anyone.I hate commitments now, after what happened to my lovelife before.
Every person can be change.Good or bad, it ups to you how you can be changed.As per for me I choose to be like this.Enjoying everything in this world that is full of shits!
****** ****** ******
MARIA GRACE’S POV
LAGLAG ANG BALIKAT ko ng basta na lang tumalikod ang lalaki ng wala man lang itong sinabi na kahit na ano sa akin. Pinagtitinginan na rin kami ng pamangkin ko ng mga taong nakasaksi.Nakakahiya na at nakakapanliit sa sarili!May lumapit na guard sa akin at sinabihan ako na umalis na kaya sumunod na lang ako at hindi na nag-matigas pa kesa patuloy na ilubog ang sarili sa kahihiyan.
“Dada…da…da…da…”
Umiiyak na salita ni Rap-rap kaya inalo ko ito at pinatahan.May nadaanan kami tindahan kaya bumili ako ng biscuit at maiinom.Doon na rin namin kinain sa loob ng tindahan dahil may lamesa naman at silya at saka isa pa malamig rin sa loob. Nang maubos namin ang binili ko ay saka lang kami bumalik sa tinutuluyan namin na halos magtaka pa ako ng makita ang ilang pulis sa labas at mga kapwa ko nangungupahan.Agad ang pagragasa ng bundol ng kaba sa dibdib ko kaya napalaki ang hakbang ko palapit sa mga ito para magtanong.
“Maria buti dumating ka na!”
“Ano po ang nangyari ate Debri?”
Tanong ko agad sa lumapit sa akin na isa rin sa tenant dito.Huminga pa ito ng malalim bago nagsalita muli para ikwento ng pahapyaw sa akin ang naganap.
“May nakawan na naganap.Pinasok ang mga kwarto at yung isang tenant ay napatay.Nakakatakot at nakakahindik ang sinapit ng babaeng tenant Maria.Jusko halang ang bituka ng gumawa nun at may sira sa ulo.Tsk!Naku talaga buti na lang wala kayong mag-tita sa kwarto niyo ng maganap ang insidente kundi baka nadamay rin kayo!”
Agad nagtaasan ang balahibo ko katawan sa narinig na sinabi ni ate Debri.Isa ito sa mabait na tenant dito at nagtatrabaho sa isang malaking tindahan.Nang maalala ang gamit nilang mag-tita ay wala sa sariling nagtanong sa kaharap.
“Ang gamit namin ate Debri kailangan ko makuha,”aniya ko dito sabay tango nito at hila sa akin palapit sa isang tabi.May mga gamit doon na basta na lang nakabalandra sa lapag.
“Alin ba dyan ang gamit niyo, Maria?Lahat ng gamit ng tenants ay inilabas na.I-check mo kung may nawala sa gamit niyo,”
“Sige ate.Salamat.”
Agad ko naman inisa-isa ang bag at hinanap ang gamit namin ng pamangkin ko.Natuwa ako ng makita ang bag namin pero nanlumo rin ako ng makitang wala ang ibang gamit namin doon.Gusto ko na lang maiyak pero pinigil ko lang dahil wala naman mangyayari kung iiyak ako di ba. Hindi na maibabalik ang nawala namin gamit.Takipsilim na pero wala pa akong mahanapan na matutulugan namin. Nagpasya akong bumalik sa kumpanya ng lalaki para doon na lang maghanap sa malapit ng mauupahan. Napapagod na ako at nagugutom pero wala pa din ako mahanap agad na pwede namin masilungan ng pamangkin ko.
“Ikaw na naman.Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras?Wag mo sabihin na hihintayin mo pa rin si Boss?”
Nakaramdam ako ng hiya sa tinuran ng guwardiya sa akin kaya naman hindi agad ako nakapagsalita.Mapanuri pa ako nitong tiningnan bago napapailing.
“Kuya pwede ho ba magtanong?”saad ko dito kahit na ba ay nahihiya na ako.
“Ano ba yun?”
“Hmmm…May alam po ba kayo na paupahan dito malapit?Mga bed spacer po sana,”
“Ah.Meron kaso dun pa sa kabilang kanto medyo malayo ng konti dito.Kung gusto mo puntahan mo bukas!”
“Ah sige po kuya ngayon na lang po kasi wala po kaming matutuluyan ng pamangkin ko po ngayon,”aniya ko at tatalikod na sana ng magsalita ang guwardiya sa akin.
“Naku ineng delikado maglakad ng gabi na tapos wala ka pa kasama iba kundi bata. Baka mapagtripan ka pa.Mukha ka pa naman galing sa probinsya,”
Natigilan ako sa sinabi ng gwardiya at biglang pasok sa isipan ko ng nangyari sa tinutuluyan namin.Nagtaasan tuloy ang balahibo ko.Napahinga ako ng malalim bago nag-isip ng paraan.
“P-Pwede po ba na dumito muna kami ng pamangkin ko para magpalipas ng gabi? Promise po maaga rin kami aalis kinabukasan,”pakiusap ko dito na tumingin pa sa akin bago nagsalita.
“Sige pero dun kayo pumuwesto sa may sulok,”
“Salamat po,”
Pasasalamat ko dito bago tinungo ang tinuro nito.May mahabang upuan doon na may sandalan.Buti na lang talaga bumili na ako ng pagkain namin at gatas ng pamangkin ko.Pinagtimpla ko ng gatas si Rap-rap matapos namin kumain sandali. Buti na lang rin at nakisama ang pamangkin dahil nakatulog agad ito.Hilaw ang tulog ko dahil alerto ako sa paligid ko at alas singko ng umaga pa lang ng kami ay umalis doon para hindi maabutan ng may-ari at ng ibang tao.Nakakahiya kasi pag nakita o naabutan pa kami doon. Hinanap ko ang sinabi ni kuya guard at matapos ang kalahating oras sa paghahanap ay nakakita rin ako.
Pagod na pagod kong inihiga ang katawan sa higaan ng makapasok sa loob ng kwarto at mailock ang pinto.Antok na antok ako pero hindi ko magawa na matulog dahil sa pamangkin ko na gising. Saka lang ako nakatulog ng makatulog rin ang pamangkin ng bandang tanghali kaya sinabayan ko na para makabawi sa tulog.
Lumipas na naman ang isang araw na hindi kami nag-punta sa building na iyon. Nag-isip ako ng paraan kung paano ba maniniwala ang Hermes na ‘yun na totoo ang sinasabi ko dito pero mukhang kamalasan talaga ang nakasunod sa amin dahil muli na naman may nangyari na hindi maganda sa inupahan namin at this time ay mararanasan ko na—namin ng pamangkin ko!