MARIA GRACE’S POV
NABULABOG AKO MULA sa mahimbing na pagkakatulog ng may maramdamang kakaiba sa loob ng kwarto.Dahan-dahan ako nag-mulat ng mga mata ko pero ganun na lamang ang gulat ko ng may makitang lalaki na naghahalughog sa gamit namin.Agad akong kinabahan at naghanap ng pwedeng pang self defense.Wala akong mahanap na iba kundi itong maliit na ilaw na nasa lamesa.Maingat na kumilos ako bago inabot ang ilaw pero bago ko pa man din maabot ang kukunin ay pumaling na sa akin ang lalaki na naka bonet ng itim.
“Wag kang gagalaw kundi papatayin ko kayo!”
Saad ng lalaki sa akin habang nakatutok ang kutsilyo na may kalakihan sa amin. Dumarubdob sa labis na kaba ang dibdib ko at bumilis ang t***k ng puso ko.Nahigit ko rin ang sariling paghinga dahil sa takot—takot na may mangyaring masama sa kanila ng pamangkin.Nanigas ako sa pwesto ko at walang imik na hindi makakilos.
“Ibigay mo sa akin ang pera mo at selpon kung ayaw mong masaktan.Bilisan mo bago pa ako mawalan ng pasensya sayo!”
Galit at mariin na utos ng lalaki sa akin na agad kong sinunod sa takot na mapahamak pa kami.Inilabas ko mula sa bag ko ang pera na tinabi at nanginginig ang kamay na iniabot dito.
“P-Parang…Awa…Mo…Na…Wag…Mo… Kaming sasaktan…Ito…Na..Ang…Pera …W-Wala akong…Selpon…”
Utal-utal na sambit ko habang nanginginig sa takot.Mahigpit rin ang pagkakayakap ko sa pamangkin ko para protektahan ito. Marahas naman hinablot ng naka bonet ang pitaka ko kung saan naroon ang pera ko na mahigit kumulang tatlong libong piso.
“Wag ka magsusumbong kung ayaw mong masaktan kayo ng batang kasama mo!”
“O-Oo…”
Nautal na sagot ko agad sa lalaki na mabilis lumabas ng kwarto.Sa nanginginig na kamay ay nilapitan ko ang pinto at chineck iyon. Halos manlumo ako ng makitang sira ang doorknob nito.Hinarang ko na lang ang lamesa at upuan na plastic sa pintuan bago muli nilapitan ang pamangkin na naalimpungatan na sa pagkakatulog. Nanghihinayang man ako sa pera nakuha nito sa akin pero pinagpasalamat ko pa rin na wala itong masamang ginawa sa amin. Dahil sa nangyari ay hindi na ako makatulog pa dahil sa takot—takot na baka mamaya ay balikan sila ng taong ‘yun.Maya’t-maya rin ang tingin ko sa may pintuan.Talagang binantayan ko na at tuluyang hinintay na magliwanag sa labas.Nangangalumata tuloy ako ng sumapit ang umaga at tuluyang kumalat sa labas ang liwanag.Naisip ko na naman ang sinabi ng boses lalaki na naka bonet na yun sa akin bago ito umalis kaya naman nagdadalawang isip ako kung ipapaalam ko ba sa may ari o wag na lang at mananatiling tikom na lang ang bibig ko. Nagdadalawang isip ako kaya naman heto urong-sulong ako sa desisyon ko pero sa huli ay nanaig pa rin sa akin na magsabi. Naisip ko kasi na kailangan malaman rin ng ibang nangunguoahan ang ganung delikadong sitwasyon at saka para na rin maging aware ang mga ito at ang may-ari. Nang gabi ko na natyempuhan si Aling Berta kaya naman saka ko lang ito nakausap matapos nitong kumain ng hapunan.Sinadya ko talaga na wala itong alipores na kasama ng magsabi dito.
“Sigurado ka ba sa sinasabi mo na iyan huh Maria?Aba kebago-bago mo nangungupahan dito sa akin eh ganyan na agad ang sasabihin mo!Naninira ka pa sa negosyo ko!”
Galit na bulyaw sa akin ng may-ari na matandang dalaga pero may ampon ito na isang lalaki.Never ko pa nakita ang sinasabi ng mga nakasalamuha ko dito na tenant about sa ampon nito.Napapikit ako ng mga mata ko ng may tumalsik pa na laway sa akin.Balewala sa akin ang pakikiusyoso ng ibang nangungupahan dito.
“Totoo po ang sinasabi ko Aling Berta.Hindi katangkaran na lalaki po ang pumasok sa kwarto namin ng pamangkin ko.Hindi ko lang po namukhaan dahil naka bonet po na itim at saka isa pa po may dala rin po patalim,” malumanay na paliwanag ko sa galit na galit na ngayong landlady namin dito sa paupahan.
“Imbento ka lang ng kwento para siraan ang negosyo ko.May ebidensya ka ba huh? Nasaan sige ilabas mo!”galit pa rin na bulyaw sa akin ni Aling Berta na ikinagitla ni Rap-rap kaya umiyak ito.Agad ko naman inalo ang pamangkin na hindi agad tumigil sa pag-iyak.
“Hindi po ba kayo naniniwala sa sinasabi ko Aling Berta?”
“Hindi!Kaya manahimik ka na lang.Hay naku kung kailan gabi na saka pa sikal.Nakakainit ka ng dugo at panira ng gabi.Tabi nga dyan!”
“Pero Aling Ber—”
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng sumigaw ito muli at sa pagkakataon na yun ay naiiyak na ako sa labis na habag at sama ng loob.
“Jinky!”
Tawag nito sa isa sa alipores nito na baklita. Agad naman lumapit sa kanila ang tinatawag nito.
“Yes madam?,”
“Pakikuha nga ng gamit ng babae ‘to lahat!”
Agad na umapela ako sa narinig na sinabi nito sa baklita na agad tumalima.Kahit karga ko ang pamangkin ay hinawakan ko si Aling Berta sa braso nito ng talikuran ako.
“Aling Berta bakit niyo ho pinapakuha ang gamit namin?”saad ko sa kabadong boses.
“Pinapalayas ko na kayo!Ayoko ng malas sa negosyo ko, kaya maghanap na kayo ng bagong tirahan niyang bwisit mong pamangkin.Hmmppp!”
“Aling Berta naman gabi na ho saan pa kami maghahanap ng pamangkin ko ng matutuluyan niyan?Maawa naman po kayo sa amin,”
“Sa impyerno at bahala ka hindi ko na ‘yun problema!Pwe!Baka mamaya niyan malasin pa ang negosyo ko sayong babae ka!Tse! Manahimik ka hampaslupa!Hala sige lumayas na kayo.Hindi ko kailangan ng tenant na anay at magaling manira!”
Masungit nito bulalas na nakapamewang pa sa akin ng tabigin ang kamay ko at napapikit ako ng may tumalsik na naman lawqy nito sa mukha ko.Tuluyan ng kumawala ang luha ko at napahikbi lalo na ng basta na lang iabot ng baklita sa akin ang gamit namin mag-tita. Tinulak-tulak pa ako ng landlady namin palabas kaya halos pinagtitinginan at pinagbubulungan na ako ng ibang nangungupahan na saksi sa nangyayari.
“Oh…Anong meron ma?”
Sabay-sabay kami napatingin sa nagsalita na walang iba kundi ang ampon ni Aling Berta.Ito ang unang beses na nakita ko ito sa personal.Nakangisi ito sa akin habang hinahagod ng tingin ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa bago tumigil sa may bandang dibdib ko ang tingin nito kaya kinabig ko si Rap-rap para maharangan ang dibdib ko.Kinikilabutan ako sa uri ng tingin nito at saka iba ang kutob ko sa bagong dating lalo na at dinilaan pa nito ang ibabang labi nito bago ngumisi muli.Hindi ito sinagot ni Aling Berta kaya muli ito nagsalita habang tulak-tulak na naman ako ng mama nito.
“Pinapalayas mo na sila Mama?Sayang naman si Miss Beautiful wala na akong mapagnanasaan, hindi ko pa natitikman…”
Dumarubdob ang kaba sa dibdib ko sa narinig na sinabi nito kahit na ba mahina lang yun ay dinig ko pa rin.Umiwas na lang ako ng tingin dito bago dinampot ang gamit at mabilis na humakbang palayo sa mga ito. Habang luhaan ay walang direksyon ang paglalakad ko habang buhat pa rin ang pamangkin.Hindi ko namalayang nakalayo na pala kami at nagawi sa medyo madilim na parte ng iskinita.Napahinto ako sa paglalakad ng parang may sumusunod sa amin.Lumingon ako bigla sa likuran namin para tingnan kung may tao ba pero wala akong nakita kaya minabuti ko na lang na bilisan ang hakbang para makarating agad sa may dulo ng daan.Natisod pa ako kaya muntik na akong madapa kung hindi lang may humawak sa akin na mga kamay.
“Mag-ingat ka Miss beautiful sayang ang ganda mo kung mababangasan ka lang ng semento.Mas mabuti pa sa akin ka na lang madapa panigurado masasarapan ka pa.Hmmm…”
Nagtaasan ang balahibo ko sa katawan ng marinig ang boses ng ampon ni Aling Berta at may kahalintulad rin ito ng sa lalaking nanloob sa kanila kagabi.Agad na iniwaksi ang braso na hawak nito pero humigpit lang rin ang kapit nito kaya naman nagpumiglas ako dito.
“B-Bitawan mo ako!”
Nautal na bulalas ko bago lalong nagpumiglas at halos hampasin ko na ito ng dalang bag ay hindi pa rin ako bitawan.
“Ayoko nga.Paisa muna ako Miss Beautiful. Sabik na sabik na ako sayo na matikman ka. Gabi-gabi na lang ako nagtitiis na pagmasdan ka.Tsk kung alam ko lang na magsusumbong ka kay Mama edi sana tinikman na kita kagabi bago umalis!”saad nito na ikinalaki ng mata ko.Siya ang lalaking nakabonet na pumasok sa kwarto namin kagabi?saad ko sa isipan ko bago lalong naging determinado na makalayo dito.Hawak ng mahigpit si Rap-rap sa isang braso ko habang panay ang hampas ko sa lalaki na palaban din.
“I-Ikaw ang nanloob kagabi sa kwarto namin?Napakasama mo!Nang dahil sayo napalayas kami ngayong gabi.Anong klaseng tao ka huh?Ganyan ka ba pinalaki ni Aling Berta ang maging masama ang ugali?”
Luhaan na litanya ko sa lalaki na tumawa lang na parang baliw.Kaya lalo ako inusbungan ng galit para dito.
“Hindi ko naman tunay na ina si Berta. Kalaguyo ko lang siya at sugar mommy. Huthutan para sa mga bisyo ko pero wag ka mag-aalala hindi makakarating sa kanya ang gagawin natin.Kaya sige na paisa naman Miss Beautiful takam na takam na ako sayo lalo na dyan sa malusog mong mga s**o!”
“Manyakis ka!”
Sigaw ko na dito sabay apak ng malakas sa paa nito kaya lumuwag ang hawak sa akin at dumaing ito.Kinuha ko ang pagkakataon na yun para tumakbo palayo dito pero mabilis rin itong tumakbo para habulin kami.Malapit na kami sa may dulo ng maabutan ako nito at sabunutan sa may buhok ko.
“Pakipot ka pa na babae ka.Tsk.Virgin ka pa ba?Wag ka na pa hard to get masasarapan ka naman sa gagawin ko sayo at saka makakarating ka sa langit,”
“Manyakis!Manyakis ka!”
Nagsisigaw na bulalas ko na ikinainis ng lalaki at akmang sasaktan ako nito ng may dumagundong na boses na parang kulog sa lakas.
“Hoy!”