Kabanata 06

2123 Words
HERMES POV SUPER HECTIC NANG schedule ko ngayon kaya naman ginabi ako ng uwi.Kung saan-saang shortcut na daan na ako pumasok para lang makaiwas sa traffic. Pagod na pagod ako at gusto ko na talaga humilata at magpahinga kaya naman binilisan ko ang aking pag-mamaneho pero sa kasamaang palad naman ay na-flatan pa ako ng gulong ng maparaan sa isang iskinita. “f**k!Tang*na naman kung kailan nagmamadali ako oh saka pa minamalas!” Malutong na mura ko ng makababa ng sariling sasakyan at tingnan ang parte na naflatan.Sinipa ko pa ‘yun sa sobrang inis! Nakapamewang na inilabas ko ang selpon mula sa bulsa bago dumayal para tawagan ang isa sa bodyguard ko na nasa bahay na. Wala kasi akong kasama ngayon dahil wala naman panganib sa buhay ko although they are my bodyguards because I’m one of the hell businessman! May kadiliman sa parte na kinaroroonan ko pero may ilang poste naman ng ilaw sa hindi kalayuan.Nayayamot na dumadayal pa rin ako ng may maaninag na mga bulto. Kumunot ang noo ko habang nasa may tenga pa ang selpon na hawak.Hindi ko na dapat papansinin yun ng may sumigaw na babae. “Tulong!Tulungan nyo ako!Ahhh…Tulong!” Muli kong nilingon ang parte na pinanggalingan ng boses at bahagyang humakbang.Hindi ko alam kung bakit kusang humakbang ang mga paa ko. “Hoy!” Malakulog at malakas na sigaw ko ng makita ang isang lalaki na mukhang hinaharass ang isang babae.Nadagdagan lalo ang pagkaiyamot ko dahil sa nakikita.Ibinaba ang selpon at ibinulsa bago humakbang palapit sa mga ito. “Walang pakialaman pre,” Aniya agad nung lalaki na sa unang tingin ko pa lamang ay hindi na mapagkakatiwalaan. Seryoso ko itong hinagod ng tingin habang nakapamulsa ang magkabilang kamay ko sa suot na pants. “Tulungan mo kami.B-Bitawan mo ako!Ugh!” Takot na takot na salita ni Grace sa bagong dating na lalaki.Hindi niya masyado maaninag ang mukha nito pero pamilyar ang boses at wala siya oras ngayon na isipin kung saan niya ba narinig ang boses nito. Tumingin ito sa kanya kaya nagkaroon siya ng pag-asa. “Manahimik kang babae ka!Makakaalis ka na pre.Away mag-syota lang ‘to!” Saad nung lalaki kaya pinakatitigan ko ng mabuti at inaarok kung nagsasabi ba ito ng totoo o hindi at sa nakikita ko ay nagsisinungaling ito kaya hindi ako nagpatinag dito.Nalipat rin ang tingin ko sa babae ng magsalita ito.Nagsalubong pa ang kilay ko ng mapababa ang tingin sa buhat nito at sigurado ako na bata yun.Hindi ko man totally makita ang mukha nito dahil may kadiliman sa parte ng kinaroroonan namin. “Eh?Sisigaw ba ng tulong yan kasama mo kung syota mo talaga?”aniya ko sa boses na seryoso. “Wala ka nang pakialam dun pare kaya makakaalis ka na.Iniistorbo mo kami eh,” “Ayoko!” “Anong sabi mo?Hindi mo ba ako kilala huh? Baka gusto mong masaktan?” “Go ahead!” “Aba matapang ka huh—Aray ko punyeta kang babae ka!Masasaktan ka sa aking na letse ka!” Aniya ng lalaki sa akin na hindi natapos ang pagsasalita dahil sa ginawa ng babae. Kinagat ito ng babae at akmang sasaktan nito ng unahan ko at inundayanan ng suntok. Napaatras ito sa malakas kong suntok.Sinipa ko rin ito ng ubod ng lakas bago sinuntok muli. “Tarantado ka, pati ang walang kalaban-laban na babae hinaharass mong hayop ka!Dapat sayo ang turuan ng leksyon at ipakulong.Gago!” Gigil na gigil at galit kong bulyaw rito habang hindi ito tinigilan sa pag-tadyak at pag-suntok.Wala akong pakialam kung nadumihan na ang white long sleeve ko na suot.Yung inis ko sa kamalasang nangyari ay kuhang-kuha ng hayop na ‘to kaya dito ko naibunton ang sobrang gigil ko!Tinigilan ko lang ito ng hindi na makabangon pero humihinga pa naman.Humihingal na tumayo ako at tumingala para umapuhap ng hangin habang nasa bewang ang isang kamay. Niluwagan ko rin ang suot na necktie sa leeg bago inilabas ko muli ang selpon ko at may tinawagan. “I need you here now, asap!” Aniya ko sa kausap matapos masabi ang lokasyon ng kinaroroonan bago ibinaba ang tawag.Nilingon ko rin ang babae na nakasalampak sa semento sa isang tabi habang yakap ng mahigpit ang buhat nito. Luhaan ito kaya may kung anong awa akong nararamdaman.Nilapitan ko ito at pumantay dito para kausapin. “Are you okay Miss?” Tanong ko dito na tumingin naman sa akin na hilam pa rin ng luha.Sabog-sabog ang buhok nito na humaharang sa mukha. Gumalaw ang hawak nito at tumingin rin sa akin. “Da…Da…Da…Da…” Bulol nitong bulalas na nagpasinghap sa akin kaya naman nanlalaki ang mata ko na tumingin dito at parang glue na hindi matanggal agad.Humikbi ito sabay taas ng kamay sa akin na para bang nais magpakarga at hindi ko alam kung bakit kusang gumalaw ang kamay ko at inabot ito na agad yumakap sa akin. “Rap-rap!” Nagulumihan bulalas ni Maria sa kabila ng pag-iyak dahil sa takot na nadarama ng kunin ng lalaki sa akin ang pamangkin ko.Hinawi ang buhok na magulo bago pinakatitigan ang lalaki na nasa harapan habang karga ang pamangkin ko. “H-Hermes?” Nautal pa at mahinang sambit ko sa pangalan ng lalaki.Tumingin naman ito sa kanya ng walang ka emo-emosyon. “Get up now!” Maotoridad na bulalas ni Hermes sa babae ng mamukhaan ito.Ito lang naman kasi yung babaeng nagpabalik-balik sa kumpanya namin at sinabi sa harap-harapan ko at ng ibang empleyado ko na anak ko ang batang kasama nito.Damn it, I cannot imagine na sa ganitong sitwasyon ko pa talaga ito muling makikita.Tsk! Sumunod naman ito sa akin na nakaawang pa ng bahagya ang labi kaya napababa ako ng tingin doon bago napalunok ng laway. Umiwas ako ng tingin dito bago umayos ng tayo na karga pa rin ang bata. “Follow me,”aniya ko pa dito bago humakbang palapit sa sasakyan na sakto naman may mobile police car ng dumating. “Anong nangyari pare?Okay ka lang ba?” Usisang tanong agad sa akin ng bagong dating na walang iba kundi ang isa sa mga kaibigan ko. “I’m fine Trex, pero ang tarantadong yun pakidampot na!”sagot ko sa kaibigan sabay turo sa kinaroroonan ng lalaki.Sumenyas naman ang kaibigan sa kasama nito na agad lumapit sa lalaki at itinayo ito sabay lagay ng posas.Isinakay ito sa sasakyan ng mga kasama ni Trex. “Pwede ko ba kayong imbitahan sa presinto pare?”aniya pa nito na sa akin nakatingin. “Okay pero flat ang gulong ng sasakyan ko,” saad ko sabay nguso dito ng isang gulong sa hulihan na flat.Napa facepalm ang kaibigan bago may tinawagan.Ilang minuto lang kami naghintay bago may dumating at inayos ang gulong ng sasakyan ko.Convoy na lang kami ni Trex patungo sa presinto nito.Tahimik naman nakaupo sa passenger seat ang babae habang kalong ang bata na panay ang tingin sa akin at inaabot ang kamay ko. Pagkarating namin sa presinto ay agad na tinanong kami ng kaibigan at syempre dahil yung babae ang biktima ito ang unang tinanong ni Trex.Sinalaysay nito ang nangyari habang nakikinig lang ako.Umiyak na naman ang babae kaya napahinga ako ng malalim. “Anong ginagawa mo dun pre?Magkakilala ba kayo o kilala mo ba ‘tong babae?” Tanong ni Trex sa akin na inilingan ko agad bago sumagot. “No!Napadaan lang ako dun dahil nagshortcut ako ng daan pauwi then sa kamalasan naman ay naflatan ako at ayon nakita ko sila,” “So hindi mo sila kilala?” “Ganun na nga!” Seryoso kong sagot dito na bumaling muli sa babae. “Ikaw miss sinong pwede namin tawagan para mapuntahan ka dito?May kamag-anak ka ba dito?”si Trex. “W-Wala po.U-Ulilang lubos na po ako, pero siya—siya po ang kilala ko lang dito dahil ama po siya nitong batang kasama ko!” Napapagod na sagot ni Maria sa lalaking pulis na kumakausap sa kanya.Tinuro niya pa si Hermes at walang hiya-hiya na sinabi ang ganun. “Whooaaa…Wait—wait…Anak ni Hermes yan kasama mo ba kamo?Paano?”tanong ni Trex sabay sulyap sa akin sa nanlalaking mata at obvious na obvious ang pagkagulat ng gago!. “Pre may anak ka na?Totoo ba?”aniya nito muli na nakatingin sa akin kaya napahilot ako sa sintido ko at pagod na pagod na isinandal ang likod sa upuan bago tiningnan ng seryoso ang kaibigan na nakangisi na sa akin ngayon. “Shut up, Trex!” Aniya ko dito na tumawa lang bago nagtaas baba ang kilay sa akin at dumukwang pa palapit kaya naman tumayo ako palayo dito. “So totoo nga?f**k!May anak ka na nga pre ng hindi namin alam?Wow, amazing!” “Manahimik ka Trex.Tsk!” Tumawa lang ito bago bumaling sa babae na nakatakip ang magkabilang kamay sa tenga ng bata. “So wala kang relatives dito except dito kay Hermes mah friend?Ganun ba yun Miss Maria Grace?”si Trex. “O-Opo sir,” “I see.So pare isasama mo na ba sila pag-uwi or what?” “Why would I?” “Kase anak mo ang bata at may responsibilidad sa kanya!”sabat na sagot ni Maria sa lalaki na blankong tumingin sa akin. Tumawa naman yung pulis bago nagsalita. “Nga naman pare may point si Miss Maria,” Pagkasabi ni Trex nun ay napamura ako sa isipan ko bago talikuran ang mga ito. Lumabas ako ng opisina ng kaibigan. Sumunod naman sa akin ang mga ito kaya hindi na ako lumingon pa. “Nasaan ang anak ko?Bakit dinala niyo dito? Sinong nag-utos na ikulong siya?Ilabas niyo ang anak ko!” Hindi pa kami nakakalapit sa may pintuan ng may babaeng magwala doon at ng makita kami nito ay nanlisik ang mata at sinugod si Maria. “Walang hiya kang babae ka, ang kapal talaga ng mukha mong ipakulong ang anak ko!” “Deserved ng anak nyo ho yun sa ginawa kay Maria.Pasalamat nga kayo na humihinga pa ang anak niyo!”kalmado kong sagot sa babae na susugod sana sa babaeng kasama at tinaasan lang ako ng kilay bago nagsalita. “At sino ka naman Mister para sabihin yan? Wag mo sabihin kalandian ka nitong si Maria?Matapos pagbintangan ang anak ko ng wala naman pruweba.Pwe!” “It’s none of your business at saka totoo naman ho na gagong maniac yan anak nyo!Excuse me.Let’s go,”aniya ko dito bago lampasan at sineyasan ang kasama na nasa likuran ko.Watta stressful night.Nadagdagan lalo ang pagod ko nadarama.Damn it! “See you around pre,”aniya ni Trex sa amin ng ihatid kami sa sasakyan ko. “Thanks pare,” “Welcome basta ikaw,” Nakangiti nitong sambit kaya tumango ako bago tuluyang isara ang pinto.Bumusina rin ako dito na sumaludo lang.Naging tahimik kami sa biyahe at paglingon ko sa kasama ay payapa ng natutulog ang mga ito. Napabuntonghininga ako ng malalim bago inalis ang tingin sa mga ito.Maingat na pinarada ko ang sasakyan bago pinatay ang makina ng makarating na sa bahay ko. Tinapik kong bahagya ang braso ng babae para gisingin ito ng makarating na kami. “Hey woman, wake up!” Aniya ko sa may kalakasan na boses sabay tapik muli sa braso nito.Nagitla naman ito at bahagyang kumislot pasiksik sa may sulok at nanlalaki ang mata na nakatunghay sa akin. Bakas ang takot doon kaya nagtaas ako ng dalawa kong kamay sabay pakawala ng buntong hininga. “Wala akong gagawin sayo.Nandito na tayo sa bahay ko!”aniya ko bago binuksan ang pintuan sa side ko at bumaba na ng hindi hinintay ang sagot ng babae.Dire-diretso ako sa may pintuan. “S-Sandali lang kuya H-Hermes,” Malakas na tawag ni Maria sa lalaki na ngayon ay nasa may pintuan na.Huminto naman ito at lukot ang mukha na tiningnan ako kaya napahinto ako sa paghakbang. Nakakatakot kasi ang itsura nito pag seryoso.Akala mo lalapain ka ng buhay! “Bilisan mo kasi.Ang bagal-bagal,”inis na bulalas ko sa babae na natulala pa sa akin. Tsk!Tuluyang binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob.Hindi ko na rin nilingon pa ang babae.Inilapag ang key pub sa lagayan nito bago hinubad ang suot na sapatos. Binuksan ko rin ng ilang botones ang suot ko para makahinga. “Follow me young girl,” Aniya ko dito bago lumapit sa hagdan at umakyat doon.Tahimik lang na nakasunod sa akin ito at ng makarating kami sa tapat ng kwarto ay huminto ako pero napakislot din ng bahagya dahil sa babae. “S-Sorry…p-po…k-kuya,” Utal-utal na sambit ko ng mauntog sa likuran ng kasama.Ang tigas parang pader!Kung bakit kasi huminto ito bigla.Sana wag ito magtaas ng boses o magalit sa kanya, nakakatakot parang dragon na walang pasintabi na bubugahan ka ng apoy! “Use this room!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD